Chapter 15

17.2K 427 16
                                    


Chapter 15
________








"Bitawan mo ako!" Sigaw nya sa binata nang mapansing mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa balikat nya.




Nabibigla sya sa mga pinagsasasabi nito. Oo alam nyang dati pa ay pinapahiwatig na nito ang pagkagusto sa kanya kahit pa alam nito na lesbian sya. Pero hindi nya inaasahan sa pagkakataong ito ang galit na nakikita nya sa mga mata nito.


Marahas itong bumuga nang hangin na naramdaman nya pa dahil sa pagkakalapit nang mukha nito sa kanya. Nanlilisik ang mga mata nito at bakas sa mukha ang frustration na nararamdaman nito sa mga oras na iyon.


"Sabi nang bitawan mo ako eh!" gigil na ani nya at tinulak ito. Nabitawan naman sya nito dahil sa pagkabigla. Marahil dahil hindi nito inaasahan ang kanyang ginawa.


"Tsk you don't know me Jam.. You don't know what I'm capable to do." Banta nito na mas ikinainit nang ulo nya.


"You don't have the rights to threatened me Kristof. Hindi ikaw si Daisy kaya wala kang karapatan na manduhan ako!" Pinipigilan nyang sumigaw nang malakas. Ayaw niyang marinig sila nina Blake. Pero hindi niya alam kung paano ipapaintindi sa kaharap ang sinasabi.


"Yes I'm not Daisy, wala naman akong pakialam sa kanya. Babae din sya gaya mo kaya kahit na nagkaroon kayo nang relasyon wala lang iyon saakin pero ang malamang ikinasal ka sa putanginang Blake na iyon. Hindi ko iyon matatanggap. Lahat na lang kinukuha ni Blake at hindi ako papayag na mapunta ka sa kanya!"


Pagkatapos nitong sabihin iyon ay agad sya nitong itinulak sa pader at akmang hahalikan sya nito nang bigla nalang itong sumadsad sa lupa.

Nagulantang sya at napalingon sa kung sino man ang may gawa noon. Mas lalo syang natakot nang makita ang mga mata ni Blake na nanlilisik sa galit. Madilim ang mukha nito at kuyom ang mga kamao habang nakatingin nang masama kay Kristof.


"Oh nandito na pala ang magaling." nakangising saad ni Kristof dito.




"Fuck you Kristof! Napatalikod lang ako gusto mo na palang ahasin ang asawa ko." hindi agad sya nakahuma nang sugurin nito si Kristof.

Napatulala sya habang binubugbog nang asawa nya si Kristof.


Nabalik lang sya sa huwisyo nang makitang umiiyak na ang ina ni Blake habang ang asawa naman nito ay pinipigilan si Blake.


"Blake stop it. Mapapatay mo sya" Pilit na ikinakalas ni Lukas ang anak nito sa pambubugbog sa pamangkin.



Nabigla sila nang kanyang asawa nang marinig ang sigawan kanina hanggang sa makita nalang nila ang anak na ginugulpi si Kristof.


"Papatayin ko talaga yang Hayop na iyan. Wala syang karapatan na hawakan at kantiin ang asawa ko. Ni ang tingnan si Jam ay hindi ko ipinapahintulot sayo!"


Hindi pa rin ito umaalis sa ibabaw ni Kristof kahit na duguan na ito at halos hindi na maidilat ang mga mata.


Hindi! Kailangan nyang pigilan si Blake bago pa nito mapatay ang lalaki. Hindi nya yata kayang makita si Blake na nakakulong. Hindi maaring mabahiran nang dugo ang kamay ni Blake dahil sa kanya.


"Blake please stop it.." nakita niyang napatigil ito nang marinig ang boses nya.


"Please.." Tuluyan na itong tumigil at hinihingal na tumayo. Bumaling ito sa magulang at nakita nyang tuluyan na itong kumalma nang makita ang ina na umiiyak.

When The Playboy FallsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ