Chapter 10

19.4K 471 3
                                    

Chapter 10
_______



Malakas ang kabog nang dibdib nya habang nakaharap sa taong nagsamantala at sumira sa mga plano nya sa buhay, si Blake. Nakatayo ito sa harapan nya at matamis na nakangiti habang nakasuot ng mamahaling Suit at nakatitig ng malagkit sa kanya.

Pakiramdam nya ay napakabilis lumipas ng araw dahil isang buwan na rin.

Isang buwan na rin matapos sya nitong hayagang alukin ng kasal kapalit ng kanyang kalayaan sa mga kamay nitong mapag angkin. Matapos nga ang ilang araw ay napag desisyunan nyang pumayag sa hinihingi nitong kapalit.


Kung pakakasalan nya ito ay hahayaan sya nitong gawin ang lahat ng gusto nya. At kapag nangyari iyon ay magpapakalayo sya. Pupunta sya sa lugar na malayo kasama ang girlfriend nya at doon nga ay hindi nya na makikita ang nakasusukang pag mumukha ng gagong ito.

Alam nyang oras na maitali sya dito ay mas lalong wala na syang takas pa sa kamay nito. Pero syempre hindi sya magpapahuli. Sisiguraduhin nyang hindi sya nito matatagpuan kapag naka wala sya dito. Babalik sa normal ang buhay nya at kakalimutan nyang naging parte ng masalimuot nyang buhay ang taong ito.

Ngayon nga ang araw kung saan nararamdaman nya na ang nalalapit na pagkakataon para makalaya ng tuluyan dito. Ngayon ang kasal nila at ang tanging nandirito lang ay ang barkada ni Blake na syang magiging saksi sa araw na ito. Pati na rin ang Judge na syang magkakasala sa kanilang dalawa.

Kahapon lamang ay umalis sila sa isla na pagmamay ari ni Blake ang Isla Murillo kung saan sya nito ikinulong nang halos isang buwan. Nandirito sila sa Maynila kung saan nila napag kasunduang magpakasal at kahit na malapit lamang sya sa kanyang magulang ay hindi nya ito sinabihan tungkol sa bagay na ito.

Hindi nya hahayaang malaman nang mga ito ang tungkol sa pilit na kasal na mangyayari sa kanila. Ayaw nyang madamay pa ang mga ito sa gulong napasok nya. Mas madali syang nakakawala kung walang makakaalam.




"Congratulations you may now kiss your wife"


Naantala sya sa malalim na pag iisip ng marinig nya ang sinabi ng judge. Napatingin sya dito at nakangiti ito na para bang masaya itong maging saksi nang pag iisang dibdib nila. Nabalik ang tingin nya kay Blake ng unti-unti itong lumapit sa kanya. Gusto nya umatras at iwasan ang maiinit nitong mga tingin pero hindi nya magawa. Parang napako lang sya sa kanyang kinatatayuan at hindi alam ang gagawin.

Nang tuluyan na itong makalapit sa kanya ay hinawakan nito ang kanyang pisngi at marahan hinaplos bago inilapat ang labi sa kanyang naghihintay na labi. Para nitong hinihigop ang kanyang labi na para bang ayaw nang pakawalan pa. Nakaramdam sya ng hindi maipaliwanag na elektrisidad ng mag lapat ang kanilang mga labi.

Siguro ay dahil sa kaba dahil natatakot sya sa maaari pa nitong gawin. Maaaring iyon nga ang dahilan at wala ng iba pa.

Nag palakpakan ang mga kaibigan nito na para bang tuwang tuwa sa nangyayari.

"Dude don't be too excited. You can continue that later in your honeymoon. You can have her in anyway you want and in any position you can" Napatingin sya ng masama kay Ezekiel na nakangisi sa kanila dahilan para maalis ang pagkakahalik sa kanya ni Blake.

Walangya parehong pareho talaga ito ni Blake nang likaw ng bituka, walang duda na magkakaibigan nga ito. Napakabastos ng bibig nito at nanggigigil syang suntukin ito sa nguso.

Nagtawanan ang ilan pang mga kaibigan nito habang kita nya ang pagngisi ni Phoenix at ng mga pinsan nito.

"Yeah, I'll go now. I still have operation to make so congrats Blake bye." Tinapik ni Vixor ang balikat ni Blake bago ito nagmamadaling umalis pero bago yun ay nginitian muna sya nito ng tipid na syang ikinahawak ni Blake sa kanyang bewang at hinila padikit dito.





When The Playboy FallsWhere stories live. Discover now