Chapter 3

20.1K 633 34
                                    


Chapter 3
-----


"This will be your room Mr. Arguelles, it'll be next to my room"

Pagkuha ni Blake sa kanyang pansin. Abala kasi sya sa pagmasid sa paligid. Napagkasunduan nila na dito muna sya pansamantalang titira sa bahay nito hanggang sa matapos ang kanyang misyon.

Mabuti na nga lang at hindi na nag-reklamo pa ang mommy nya nang kinuha nila ang mga gamit nya. Pero dahil kasama nya ang Uncle nya ay hindi ito nakaligtas sa mommy nya. Para itong narape ng sampung kabayo dahil sa hitsura nito ng lumabas ng bahay nila. Napunit ang damit na suot nito ng pinaghihila ng mommy nya papuntang kusina at kung hindi lang ito maliksi baka ngayon ay naluto na nga ito.  Hindi nya talaga maiwasang matawa habang pinagmamasdan ang Uncle nya.

Naturingan pang Chief nila eh takot naman sa mommy nya.

Itinuturing na kasi nitong kapatid ang mommy nya dahil magbestfriend ang dalawa simula High School na naging way para magkakilala ang mommy at daddy nya.

Mabuti na lang at laging may dalang extra T-shirt ang Uncle nya kaya nakapagpalit pa ito bago sila tumungo sa bahay ng magiging boss nya na si Blake Murillo. Kabilang pala ang binata sa mga sikat na bilyonaryo sa buong Asia.

Napakalaki ng bahay nito, mas tama nga yatang tawagin itong mansyon sa sobrang lawak at laki.

Her mission is to protect Blake, dahil sa mga bantang natatanggap nito na hindi na nakapagtataka dahil talagang mayaman ito at siguradong maraming tao ang gustong mapabagsak ito.  Kumakailan lang nga ay kagagaling lang nito sa ospital dahil sa natamong tama ng baril sa kanang balikat matapos mabaril sa mismong resort na pag-aari nito habang nakikipag makeout sa isang turista. Naisip nya nga na baka hindi lang dahil sa yaman nito kaya gusto itong patayin kung hindi dahil sa pagiging babaero nito. Ibinigay na kasi sakanya ang Files na naglalaman ng impormasyon patungkol dito at napag alaman nya nga na ubod pala ito ng pagka playboy.

Tsk kung hindi lang nya ito misyon ay baka hinayaan nya nalang itong maospital ng paulit-ulit dahil una sa lahat galit nga sya sa mga babaero kagaya na lamang ni Kristof na porket gwapo at hinahabol ng mga babae ay walang habas magpaiyak.

Oo nga't napaka gwapo ni Blake pero wala itong karapatang saktan ang mga babae. Hayss, kaya ito napapahamak ay dahil sa kagagawan nito.

Kaya ngayon ay kailangan nya itong bantayan hanggang sa mahuli ang mga nagbabnta sa buhay nito at kailangan na kasama sya nito palagi sa anumang lakad nito. Parang sa lagay na yan eh mas magmumukha pa syang babysitter.

Ayos lang naman sakanya iyon pero ang ikinaiinis nya ay ang pagtitig nito sa kanya na animo'y pinag-aaralan sya. Yun bang parang sinusuri sya nito. Kanina pa ito habang nag-uusap sila kasama ang Chief nya. Habang ipinapaalam sakanya ang mga dapat nyang gawin.

Mabuti na nga lang at lalake ang pagpapakilala sakanya ng Uncle nya kaya hindi sya gaanong naiilang dahil alam nyang ituturing sya nitong parang lalake din. Sabi din kasi ng Uncle nya ay ang gusto nitong maging bodyguard ay lalake, pero dahil No Choice sila dahil isa sya sa pinakamagaling at sya lang ang available kaya sakanya nalang ibinigay ang trabaho. Isa pa hindi naman ito problema dahil lalake naman talaga sya sa isip, sa puso at maging sa gawa.

Tumikhim sya at pinalalim ang boses para maging boses lalake sya. Hindi dapat nito malamang babae sya.

"You can call me Jam sir" aniya dito.

Matiim itong tumitig sakanya bago sumagot.

"Okay, You can also call me Blake. No need for formality besides no one should know that you are my bodyguard. Everyone must think that you're just my personal assistant." Sagot nito sakanya

When The Playboy FallsWhere stories live. Discover now