Chapter 2

21.9K 653 29
                                    


Chapter 2
-----


Pagkahinto ng motorsiklo na sinasakyan ni Jam ay mabilis nyang tinanggal ang suot na helmet at naglakad papasok sa Restaurant kung saan sila magkikita ni Daisy. Kagabi pa kasi sya nito kinukulit na mag-date sila at dahil kailangan nya rin naman bumawi dito dahil sa matagal nyang pagkawala ay pumayag na rin sya kahit na wala talaga syang kagana-ganang lumabas. So here she is now, fulfilling her duty as Daisy's boyfriend.

Nakasuot lang sya ng plain white shirt, na pinatungan nya ng black leather jacket at jeans. Naka-cap din sya para takpan ang mahabang buhok. Kung titingnan aakalain mong lalake talaga sya at hindi babae. Kapag gusto nya kasing magmukhang lalake ay nagsusuot sya ng jacket para hindi mahalata ang boobs nya, kung gusto nya kasi na hindi mahalata ang malaki nyang hinaharap ay kinakailangan nya talagang magsuot ng jacket kahit gaano pa kainit sa pilipinas. Kung bakit ba naman kasi kung sino pa iyong gusto ng magpakalalake sya pang biniyayaan ng malaking dibdib. If pwede nga lang idonate ang lahat sa girlfriend nya ay ginawa nya na, hindi naman kasi sa nilalait nya ang sariling girlfriend pero di hamak naman na flat ang dibdib nito kaya alam nyang halos patong-patong na ang padding na ginagamit nito para lang magmukang malaki ang dibdib nito.

Nagtuloy-tuloy sya papasok sa resto. Si Daisy na ang hinayaan nyang mag decide kung saan sila magkikita tutal mas marami naman itong alam kumpara sakanya.

Matagal-tagal din silang hindi nagkita o nagkausap man lang. Ipinadala kasi sya sa malayong lugar at wala pang signal.

Pagkapasok nya ng tuluyan sa restaurant. kapansin-pansin agad na pinagtitinginan sya ng ibang mga customers. Pero hindi nya na iyon pinagtuonan pa ng pansin.

"Good evening Sir welcome here in La Qizteir, Do you have any reservation?" Namumulang tanong sakanya ng isang waitress.

Pinigilan nya ang matawa dahil sa tawag nito sakanya. Sir? Talaga bang akala nito ay lalake sya? Well Hindi na rin naman sya dapat magulat pa. Kapag ganito ang ayos nya, walang nakakapansin na babae sya.

She cleared her throat before answering the question. Iniba nya ang boses nya at ginawa nyang boses lalake. Mabuti nalang at kaya nya iyon.

"Hmm Yes, to Ms. Daisy Honto please"

Kitang-kita nya kung paano ito nag-blush ng ngitian nya ito. Gusto nyang humagalpak ng tawa dahil sa reaksyon nito. Halata sa mukha nito na kinikilig ito, kaya nga ito ang dahilan nya kung bakit gustong-gusto nyang nag-aayos ng panlalaki. Pakiramdam nya ay isa syang tunay na lalaki kung pagkaguluhan ng mga babae.

"Ahm Sir, dito po yun." Malambing itong nagsalita habang iginigiya sya papunta sa kaliwang parte ng restaurant.

Inilibot nya ang kanyang paningin sa kabuoan ng restaurant. Maganda ito at maaliwalas. Mahahalatang mayayaman lang ang may kakayahang makakain sa ganitong lugar.

Sinundan nya lang ang waitress hanggang sa makita nya na nga si Daisy na agad namang tumayo ng makita sya. Ngumiti ito at dali-daling kumapit sa kanya na parang tuko.

"Hi babe. Kanina pa kita hinihintay, what took you so long?" Malambing na bungad nito sakanya. Nginitian nya ito pagkatapos gawaran ng halik sa pisngi.

"I'm sorry babe, Something came up." pagdadahilan nya dito kahit na ang totoo ay wala nga syang gana na umalis ng bahay nila ngayon. Kung hindi nya lang alam ang pwedeng gawin ng kasintahan ay baka mas pinili nya nalang na hindi ito sipotin.

"Oh? It's okay babe, come on let's take a sit."

Hinawakan nito ang kamay nya at iginiya sya patungo sa upuan na nakalaan para sakanya. Nang makaupo sila ay doon nya lang napansin na may kasama pala sila.

When The Playboy FallsWhere stories live. Discover now