Chapter 6

20.4K 552 157
                                    

Chapter 6
---------




Kasalukuyang kumakain sila ni Blake ng dinner ng may ilapag itong folder na color red sa kanyang gilid. Nasa pinaka center kasi ito na kaupo at sya naman ay nasa kaliwa nito. Dalawa lang silang kumakain. Gusto kasi nito na kasabay sya sa pagkain at kahit tinanggihan nya na ito ay wala pa rin syang nagawa ng tingnan na sya nito ng matalim.

Hindi nya talaga alam kung bakit tumitiklop sya sa playboy na ito. Sundalo sya bes. Matapang sya! Pero bakit pag tinitigan na sya nito ay para na syang Ice Cream na natutunaw o kaya naman ay makahiya na bigla na lang tumitiklop dito.


"Para saan naman yan?" nagtatakang tanong nya dito.

"Do's and dont's." maikling sagot nito bago sumubo.

"Huh?" bakit kasi hindi na lang sya diretsahin diba?

"Basahin mo yan. Nandyan nakalagay kung anong dapat at hindi mo dapat gawin." saad nito.

"Bakit may ganyan pa? Tyaka anu-ano naman yung mga bagay na dapat at hindi ko dapat gawin?"

"May mata ka diba?  Edi basahin mo para malaman mo at wag kang magreklamo. Sundin mo nalang kung ano ang nakalagay dyan!" sita nito sa kanya.

Uminom muna sya ng tubig bago sumagot "Baka pwedeng mamaya ko na lang yan basahin."

"Bakit sinabi ko bang ngayon mo na iyan basahin?" pilosopong sagot nito sa kanya habang nagpupunas ng labi.

"Tss hindi!  Bakit kasi ngayon mo na ibinigay yan. Kitang kumakain pa ako oh!" gigil na saad nya dito.

"Para hindi ko makalimutan. Tyaka isa pa ayusin mo nga yang boses mo wag mong gawing boses lalake." magrereklamo sana sya pero nagsalita na ulit ito. "Pag hindi mo ako sinunod alam mo na ang mangyayari.." mariing sagot nito sakanya.

Urgh! Nakakairita na talaga ito.

Tumitig pa ito sa kanya ng matagal bago tumayo at nagpaalam na aakyat na. Habang sya naman ay naiwang nakasimangot. Gustong gusto na talaga nya itong suntukin. Kung hindi nya lang ito amo ay may kalalagyan talaga ito sa kanya.

Inis na ipinagpatuloy nya na lang ang pagkain kahit na nawalan na sya ng gana dahil sa Blake na iyan. Ito na ata talaga ang taong itinakdang manghasik ng lagim sa buhay nya!

Kung pwede lang talaga. Kung bibigyan lang sya ng kahit isang pagkakataon na makaganti dito ay talagang susulitin nya na.

Haysst.. Naloloka na talaga sya. Kung anu-ano nang kalokohan ang pumapasok sa isip nya.

Tumayo na sya ng matapos kumain. Akmang hahawakan nya na ang mga plato upang iligpit ng lumapit sa kanya ang isa sa kasambahay sa mansyon na si Nanay Deli. 

"Ay ma'am ako na po dyan. Baka magalit yun si Sir kapag nalamang pinagawa namin kayo ng mga gawain dito sa mansyon." nagmamadaling lumapit ito sa kanya at pilit na inagaw ang platong hawak nya pero hindi nya iyon ibinigay.

"Ano ka ba naman Nanay Deli. Ako na po nito para hindi na kayo mapagod na masyado ni Ate Ester isa pa gabi na dapat po ay nagpapahinga na kayo." tukoy nya sa isa pang Kasambahay na mas bata dito ng kaunti.

"Naku ma'am kaya nga ibigay nyo na saakin yan at kami na ang bahala dito ni Ester para makapagpahinga na tayong lahat." pamimilit pa nito sa kanya.

Wala na syang nagawa kung hindi ang bitawan ang plato para hindi na humaba pa ang diskusyon. Matanda na ito at aminin man natin sa hindi ay mas matigas ang ulo ng matatanda.

When The Playboy FallsWhere stories live. Discover now