Chapter 14

17.5K 493 36
                                    


Chapter 14
______







Nakaupo sya ngayon sa isang upuan habang tinitingnan ang lahat nang nakalatag na pagkain sa mesa. Sobrang dami nito at para bang fiesta.


"Anong okasyon?" hindi na sya nakatiis pa.

Tumingin sa kanya si Blake na syang nakaupo sa gilid nya. Nasa pinaka dulo ito nang lamesa habang nakatingin sa kanya. Ngumiti ito nang matamis at kita ang kislap nang kasiyahan sa mga mata nito.


"There's no occasion baby but my parents gonna visit us today." agad na nanlaki ang mga mata nya sa narinig. Magulang ni Blake? Pupunta dito at bibisitahin sila?


Agad na nanalatay sa buong sistema nya ang kaba. Ngayon lang nya narinig ang tungkol sa mga magulang nito. Ni hindi nya pa nga nakita ang mga ito sa personal. Kahit noong kasal nila ay hindi ito nakadalo dahil siguro ay hindi alam nang mga ito na ikinasal na si Blake. Pero ngayon pupunta ang mga ito? Ano nalang ang sasabihin nang mga ito kapag nakita sya. Ano kayang magiging reaksyon nang mga ito. Baka magalit ang mga magulang ni Blake sa kanila at baka hindi sya nang mga ito matanggap.


"A-alam ba nila?" ang tinutukoy niya ay ang pagpapakasal nila nang biglaan ni Blake.

"Yes, they already know about it. They just can't attend to our wedding because of some business related reason." relaxed lang na sagot nito.


Magsasalita na sana sya para magtanong pa pero hindi nya na nagawa pa nang marinig nya ang pagtunog nang doorbell. Ilang sandali pa ay nakita nya ang pagpasok nang isang magandang ginang kasunod nito ang isang gwapong lalake.


Malayo pa man ay nakita nya na ang pagngiti nang ginang habang nakatingin sa kanya. Agad namang tumayo si Blake para salubungin ang dalawa na sa tingin nya ay syang mga magulang nito.


"Oh Blakey Baby I missed you so much" agad nitong niyakap si Blake at pinupog nang halik.

"Mom stop that, my wife is here. I don't want her to see how you treat me like a little boy." nakangiwi sa kanyang sumulyap ang asawa. Namumula ito na tila ba'y nahihiya.


Nabaling naman sa kanya ang tingin nang ginang at bigla sya kinabahan dahil doon. Ngayon lang sila nagkakilala at baka hindi sya nito magustuhan. Pero teka? Bakit nga naman sya nangangamba na baka hindi sya nito magustuhan eh wala namang namamagitan sa kanila ni Blake kundi ang kasal nila sa papel.

Lumapit sa kanya ang ginang at tiningnan sya nito mula ulo hanggang paa. Agad naman syang pinagpawisan dahil doon. Napatingin din sya sa sarili, nakasuot na sya ngayon ng Red v-neck shirt at black pants. Kanina bago sila maghanda para sa dinner ay nakapagpalit na sya.


Kahit na iilang ay dahan-dahan syang pumunta sa harapan ng ina ni Blake at kinakabahang kinuha ang kamay nito para magmano. Nakita nya ang pagkabigla nito dahil sa kanyang ginawa. Pero ilang sandali lang ay ngumiti ito nang matamis sa kanya at bigla syang niyakap.

"Oh my God dear.. Are you my son's wife? I like you na!" para itong bata na sabik na sabik sa Candy kung maka yakap sa kanya. Kung hindi nga lang ito kinalas ni Blake sa kanya ay baka nawalan na sya nang hininga sa sobrang higpit nito yumakap. Ang dating mabagsik nitong tingin sa kanya ay biglang lumambot.



"Stop it mom.. You're gonna crashed my wife" pigil ulit ni Blake sa ginang nang akmang yayakap ulit ito sa kanya.

Nakita nyang huminto ito sa akmang paglapit nanaman sa kanya at tyaka ito nakangusong tumingin sa asawa nito. Doon naman bumaling ang tingin nya sa lalakeng kasama nito na nasisiguro nya na syang ama ni Blake dahil kamukha nito si Blake. Para ang mga itong pinagbiyak na bunga. Nasisiguro nyang ganito din ang magiging hitsura ni Blake kapag tumanda ito. Ang gwapo.



When The Playboy FallsWhere stories live. Discover now