Part 19

635 37 10
                                    

Habang abala si Flor sa pagsasampay ng kanyang nilabhan ay masaya namang kalong kalong ni Nestor ang kanyang tandang. Kinakausap nito nag manok niya, pinagsasabihan na galingan sa susunod na laban nila.

"Nako Nestor, pag hindi mo tinigilan yang tandang na yan, gagawin kong tinola yan." inis na sambit ni Flor habang nagsasampay.

"Aba. Ano na naman ginawa Kong Mali? Kinakausap ko lang naman tong alaga ko" depensa naman ni Nestor.

"Wala ka na ba ibang kanyang gawin?" inis na tanong ni Flor at tinapos na ang pagsasampay. "Ako ang asawa mo pero yan lagi ang inaasikaso mo."

"Nagseselos na naman ang miss ko. Hayaan ko, pag may nabalitaan akong sabong ng mga misis, aasikasuhin kita at ikaw ang ilalaban ko." tawang sambit ni Nestor.

"Pinaglololoko mo ba ako Nestor? Umayos ka, magulat ka na lang nasa kaserola na yang tandang mo" sambit naman ni Flor.

"Hindi na mabiro."

Natigil lamang sila ng may tumigil na dalawang sasakyan sa harap nila, sa tabi ng sasakyan ni Pat. Winari nila kung sino ang mga iyon.

"May bisita ka ata." wika ni Flor.

"Baka ikaw, Wala naman ganyan yung mga kasama ko." sambit naman ni Nestor.

Samantala, taimtim namang nagmamasid sina Daniel at Olive sa labas mula sa loob ng kanilang sasakyan. Sinusuri nila kung nasaan si Pat.

"Sigurado ka ba dito hon?" tanong ni Olive kay Daniel.

"Yan ang sasakyan ni Pat. Ibig sabihin nandito siya." tugon ni Daniel sabay turo sa sasakayang nasa harap nila. Binuksan niya ang kanyang pintuan at bumaba. Gayundin si Olive.

Napatingin naman si Flor at asawa nito sa bumaba sa sasakyan. Hindi nila mamukhaan ang mga ito. Lumapit si Flor kay Nestor at tinanong kung kilala nito ang mga bumaba ngunit tumanggi naman si Nestor. Napansin nilang naglakad papalapit sa kanila ang dalawa.

"Good morning po. Magtatanong lang sana kami. Nandito ba yung may ari ng sasakyan na yon?" magiliw na tanong ni Olive kina Flor. Nagkatinginan ang mag asawa.

"Oo. Kagabi pa sila nandito." magiliw namang tugon ni Flor. "Tuloy kayo sa loob."

Pumasok sila sa loob ng bahay nila Flor. Pagkaupo nila ay agad tinanong ni Flor kung sino ang dalawa.

"We're Pat's parent." seryosong sagot ni Daniel.

"Maaari ba namin siyang makita at makausap?" tanong ni Olive sa dalawa.

"Wala sila. Umakyat sa bundok." wika naman ni Nestor. "Hindi ba nagpaalam yung anak niyo bago siya pumunta dito?"

"Oo." seryosong sagot ni Daniel. Nakadama naman ng hiya si Olive kayat pasimple niyang hinawakan ang isang kamay ni Daniel.

"Paprangkahin ko na kayo, ayoko Kong sumasama ang anak ko sa anak niyo." seryosong sabi ni Daniel.

"Hon." mahinang sabi ni Olive kay Daniel.

"Bakit? May problema ba?" usisa ni Flor.

"Walang naitutulong ang anak niyo sa anak ko. Na a out of focus yung anak ko sa goal niya dahil sa pag influence ng anak niyo. At ayaw kong dumating sa point na walang marating ang anak ko." seryosong sagot ni Daniel.

"Mawalang galang na. Ano bang pinupunto mo? Sinasabi mo bang masamang impluwensya ang anak ko sa anak mo?" inis na tanong ni Nestor kay Daniel.

Player meets the Introvert Where stories live. Discover now