Part 08

718 43 1
                                    

Kahapunan, pumunta si Pat sa apartment ni Bryne upang mag training sila ngunit naka lock ang apartment nito. Sinubukan niyang kumatok ngunit walang sumasagot.

"Galit ata siya sa akin." wika ni Pat sa sarili.

Sinubukan niyang tawagan ang cellphone ni Bryne ngunit hindi rin ito sumasagot. Maski sa messenger ay naka offline ito. Bumalik na lang siya sa kanyang apartment.

Hinarap niya ang kanyang computer at binuksan ang kanyang account sa forex. Natuwa siya ng makitang malaki na ang kita niya sa naipon niya sa investment sa oil. Agad siyang nag stop ng mapansin iyon na ang magsisimula ng tumaas ang presyo niyon. Tumingin siya sa market kung saan maganda ang trend at muling nag invest.

Kinabukasan, pag baba ni Pat sa school ay nakaabang na naman nag kanyang mga tagahanga. Nilapitan siya ng mga ito.

"Pat, sino yung kasama mo nung linggo?" tanong ng isang babae.

"Jowa mo ba yun?" tanong naman ng isa.

"Hindi. Kaibigan ko. Nagkita lang kami tapos kumain." sagot naman ni Pat.

"Mabuti naman. Akala ko Taken ka na." masaya ng wika ng babae.

"Pat pa picture naman." sambit ng isang babae .

"Sige." wika ni Pat.

Habang nagpapa picture sila kay Pat ay nakamasid naman ang grupo ni Sano sa kanya.

"Mukhang sikat yung kalaban natin Sano." sambit ng isang kasama nito.

"Pinag uusapan siya dito sa campus. Napanood ko yung mga videos niya. Magaling din kumanta." dagdag naman ng isa.

Hinarap ni Sano ang mga kasama niya.

"Ano ngayon kung sikat? Natatakot ba kayo? Kaya natin yan." wika ni Sano.

"Paano naman natin sila tatapatan?" Wika ng isang kasama nito.

"Akong bahala." tugon ni Sano habang nakatitig kay Pat na dinudumog ng fans nito.

Ng matapos ang klase ni Pat ay pumunta na siya sa music room. Nadatnan niya doon si Bryne na may kasamang babae na abalang nagdodrawing . Napatingin sa kanya ang dalawa ngunit agad ding binawi ni Bryne ang tingin kay Pat.

Tahimik na umupo si Pat sa isang gilid. Napapalingon siya sa kinaroroonanan nila Bryne ngunit abala ang mga ito sa ginagawa nila.

"Siya ba yung Sarawat?" mahinang tanong ng babae ngunit narinig din iyon ni Pat.

"Oo." tugon ni Bryne habang patuloy sa pagguguhit.

"Bry hindi ba tayo magpapraktis?" tanong ni Pat.

"Kayo na lang muna. My ginagawa pa ako." sagot naman ni Bryne ng hindi tumitingin kay Pat.

"Ganun ba." wika ni Pat. "Girlfriend mo ba yang kasama mo?"

"Oo." sagot muli ni Bryne.

Biglang pumasok naman si Tammy at napatingin si Pat sa kanya. Siniko naman ng babae si Bryne.

"Oo talaga?" mahinang tanongng babae kay Bryne.

"Ano ready ka na?" tanong ni Tammy kay Pat.

Tahimik na tumango si Pat at tumayo. Napatingin siyang muli kila Bryne at nginitian siya ng babae.

Nagsimula ng maglakad si Pat at posing. Napapatingin siya kay Bryne pero wala ang atensyon nito sa kanya kundi sa drawing nito. Tanging ang babae lang ang nakatingin sa kanya.

Player meets the Introvert Where stories live. Discover now