Part 03

1.1K 69 2
                                    

Maya maya ay nakarating na sila sa likod ng music room. Bumaba na sila at pinuntahan iyon. Binuksan ni Bryne ang pinto gamit ang susing nakatago sa kanya.

"Bat may sarili kang susi?" tanong ni Pat. Pumasok na sila sa loob. May kaluwangan ang loob at Kita ni Pat ang mga ibat ibang instrument.

"Drummer kasi ako. Dito ako tumatambay minsan kasama ng mga kaibigan ko." sagot ni Bryne. Inopen niya ang mga ceiling fan at binuksan ang bintana sa likod.

"So saan kayo nagpeperform?" tanong uli ni Pat. Nakaagaw pansin sa kanya ang isang gitara. Nilapitan niya iyon at hinawakan.

"Pag may mga activity dito sa campus. Hindi mo ba kami napapanood?" tanong naman ni Bryne.

"Hindi. Hindi naman ako nag aattend ng mga activities o program dito sa school. I'd rather stay at home." sagot ni Pat.

"Ganun ba. Pero ngayon Di na kami nakakapagperform kasi umalis yung vocalist namin. Nag transfer kasi last semester." Ani ni Bryne at umupo sa may mga drums.

"Baka gusto mo sumali?" dagdag ni Bryne.

"Big no." giit ni Pat.

"Bakit naman? Magaling ka naman kumanta. Napanood ko yung videos mo." sambit ni Bryne.

Binitawan ni Pat ang gitara at naupo.

"Wala kasi Kong self confidence. Takot ako sa maraming tao. Hindi ako sociable." seryosong sagot ni Pat.

"Then change for the better. Tutulungan kita. Sayang din naman yang galing mo." ngiting wika ni Bryne.

"Its not that easy. Kung kagaya ko lang siguro kayo baka pwede pa." sagot ni Pat.

"If there's a will, there's a way. Be optimistic bro. Kaya mo yan. Kailangan mo lang talunin yang takot mo." wika ni Bryne.

Napatingin si Pat kay Bryne. Di siya makapaniwala na mayroon taong magsasabi sa kanya ng ganun.

"Nandito naman ako. Tutulungan kita. Pero kailangan mo rin tulungan ang sarili mo."

"Salamat ah. Ngayon lang ulit may taong mag lift up ng spirit ko." sabi ni Pat.

"Bat di ka ba talaga nagkakaroon ng kaibigan? ." tanong ni Bryne.

Umiling si Pat. Halata sa mukha nito ang lungkot. Napayuko ito.

"Di bale, nandito na ako." ngiting sabi ni Bryne. Tumayo ito at kinuha ang isang gitara. Lumapit siya kay Pat at inabot iyon.

"Oh."

Napatingla si Pat. Kita niya ang cute na mukha ni Bryne habang inaalok ang gitara sa kanya. Tahimik niyang kinuha iyon. Bumalik si Bryne sa may mga drums.

"Mag gitara ka lang. Isipin mo wala ako dito. Isipin mo mag isa ka lang. Wag ka mag alala, sound proof tong music room kaya hindi ka maririnig sa labas." sabi ni Bryne.

Tahimik lamang si Pat at inayos ang gitara. Pinatong niya iyon sa lap niya. Sinuri kung nasa ayos ang timpla.

Maya maya ay sinimulan ng mag play si Pat. Marahang nanonood naman si Bryne. Nakangiti itong pinapanood si Pat habang naggigitara. Sinubukan niyang paluin ang drum upang sabayan ang pagtunog ng gitara. Napatingin si Pat kay Bryne.

"Tuloy mo lang." wika ni Bryne at sinabayan niya ang gitara ni Pat. Tahimik lang si Pat na itinuloy ang paggitara.

Ilang minuto ang nakalipas ay natapos din sila.

Player meets the Introvert Where stories live. Discover now