Part 13

634 42 0
                                    

Kinaumagahan, pagpasok ni Bryne sa kanilang room ay walang katao tao. Napatingin siya sa kanyang cellphone upang tignan ang oras.

"Late na ako pero bakit wala pang estudyante? Wala bang klase?" tanong ni Bryne sa sarili. Tinawagan niya si Jude upang tanungin kung nasaan ang mga ito.

"Wala tayong klase ngayon. General practice daw para bukas." sambit ni Jude na nasa kabilang linya. "Asan ka ba?"

"Nandito ako sa room natin." sagot ni Bryne. "Kayo?"

"Dito sa music room. Halika na dito." sagot naman ni Jude.

"Sige." tugon ni Bryne at binaba na ang kanyang cellphone. Lumabas na siya ng room at tinungo ang music room. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong niya si Kate.

"Saan punta mo?" tanong ni Kate kay Bryne at sinabayan ito sa paglalakad.

"Sa music room. May practice kami." sagot ni Bryne. "Ikaw?"

"Wala nga eh. Wala naman palang klase." sagot naman ni Kate. "Pwede bang sumama sayo?"

"Sige. Medyo maingay lang doon." sambit naman ni Bryne.

"Okey lang. Sanay naman ako." tugon naman ni Kate. "Nandoon ba si Sarawat?"

"Hindi ko lang alam. Bakit? Crush mo siya no?" pang aasar ni Bryne. Kita niya ang malaking ngiti ni Kate. Sinundot niya ang tagiliran ni Kate habang patuloy na inaasar.

"Uy crush niya." tawang sambit ni Bryne. Di niya namamalayan na dumaan ang sasakyan ni Pat. Napansin niya lamang iyon ng nakalagpas na ito sa kanila.

"Kaso ang tahimik niya tapos ang seryoso." tugon naman NI Kate.

"Hindi mabait yun. Medyo tamad nga lang magsalita." dependsa naman ni Pat.

"Sa lunes ko nalang ibigay yung drawing mo. Practice kami ngayon eh tsaka bukas na competition." dagdag ni Bryne kay Kate.

"Okey lang. Walang problema. Bawi ako pag natapos mo lahat." tugon naman ni Kate.

Pagdating nila sa music room ay napapractice na si Cj ng kanyang drums. Sina Piyo at Jude naman ay nagtatawanang nanonood ng video sa cellphone. Samantalang si Ark naman ay tinuturuan si Tammy sa paggigitara. Wala siyang makitang anino ni Pat.

"Wala pa ba si Pat?" tanong ni Bryne sa mga kasama.

"Wala pa naman. Hindi mo ba tinext?" sambit ni Piyo.

Hindi sinagot ni Bryne ang tanong ni Piyo at umupo na lamang sila ni Kate. Palihim na sinenyasan ni Jude si Piyo na hindi nagpapansinan ang dalawa. Nakuha naman iyon ni Piyo at tumahimik na lang. Nilabas na lang ni Bryne ang kanyang mga gamit at pinagpatuloy ang pagdrawing. Nakadama naman ng pagkabored si Kate kaya nilabas niya ang kanyang cellphone. Naisip niyang picturan si Bryne kaya palihim niyang inopen ang kanyang camera. Pasimple niyang utinutok iyon kay Bryne na busy sa pag drawing at kinunan ng litrato.

"Bry." tawag ni Kate kay Bryne. Ng tumingala ito ay Saktong click naman ng camera. Kasabay din ng pag click ng camera ay ang pagpasok ni Pat. Sina Bryne at Kate agad ang una niyang nakita. Napatingin sa kanya ang dalawa ngunit agad siyang umiwas at umupo malayo kila Bryne. Palihim namang siniko ni Piyo si Jude at nginuso ang kinalalagyan ni Pat na tahimik na nagaayos ng gamit nito. Napangiti sila kasama na si Ark.

"Uy Bryne, wag masyado. Nilalanggam kami dito." tawag sambit ni Jude. Napatingin sa kanya sina Bryne at Kate.

"Umayos nga..." Di na tuloy na sabi ni Bryne dahil sinenyasan siya nila Piyo na nandoon si Pat. Hindi niya nakuha ang ibig sabihin ng tatlo ay napatingin siya kay Pat. Na tahimik na lamang siya at itinuloy ang pagdrawing.

Player meets the Introvert Where stories live. Discover now