Part 15

684 43 8
                                    

Ng lumalim ang gabi ay nakatulog na ang tatlo sa sahig samantalang sina Pat at Bryne ay tahimik na nakaupo sa may pintuan.

"Dito ka na matulog." sambit ni Bryne kay Pat. Tahimik lamang si Pat na nakamasid sa labas.

"Wag mo masyadong isipin ang mangyayari bukas, nandito kami." dagdag ni Bryne.

"Sana matapos na to." Wika ni Pat at napabuntong hininga.

"Yan ka na naman." mahinahong sabi ni Bryne. "Gaya nga ng sabi ko Di ba? babawi ako. Kaya mo yan."

Biglang tumunog ulit ang cellphone ni Bryne. Tinignan niya iyon at nakita niya ang message galing kay Jane. Pinabasa niya iyon kay Pat.

"Punta ako ng school around 9"

"Gawan mo na ng paraan yan." wika ni Pat.

"Paano ba?" tanong ni Bryne habang nag iisip kung paano mapapalayo si Jane kay Pat.

"Paano kaya kung magpanggap kang may girlfriend? Para maipakita mo sa kanyang nakamove on ka na." suggestion ni Bryne.

"Sino naman?" usisa ni Pat. Muling nagisip si Bryne kung sino ang pwedeng magpapangggap na syota ni Pat.

"Si Cecile kaya." tugon ni Bryne. Napatingin sa kanya si Pat.

"Di ba crush mo yun? Aawayin mo pa ako." tugon naman ni Pat.

"Noon oo pero ngayon hindi na." sagot naman ni Bryne. "Kung yun lang nag paraan Bakit hindi?"

"Hindi ka nagseselos?" tanong ni Pat kay Bryne.

"Hindi. Wala naman akong dapat pagselosan." sagot ni Bryne.

"What if sinabi ni Jane na halikan ko si Cecile to prove na syota ko siya? Okey lang sayo?" dagdag na tanong ni Pat.

"Hindi." mabilis na sagot ni Bryne. "Pat hindi pwede. Akin lang yang labing yan."

Napangisi si Pat sa reaksyon ng mukha ni Bryne. Tila tumamlay naman si Bryne. Sumandal nalang siya sa braso ni Pat.

"Matulog na nga lang tayo." wika ni Pat. Tumayo na sila at tinungo ang kama ni Bryne.

Kinaumagahan, maagang pinuntahan ni Bryne at Pat si Cecile sa boarding House nito. Gulat si Cecile na makita sila lalo na kay Pat.

"Anong meron?" tanong ni Cecile sa dalawang nasa pintuan ng boarding House niya.

"Kailangan namin ng tulong mo." sabi ni Bryne.

"Ha? Ano ba yon?" tanong ni Cecile at pinapasok ang dalawa.

"Kasi hindi tinitigilan tong si Pat ng ex niya." wika ni Bryne. "Baka pwede kang magpanggap na girlfriend niya."

"Ha? Seryoso kayo? Ako talaga?" gulat na tanong ni Cecile. Napatingin siya kay Pat at bahagya itong ngitian siya.

"Pwede ba? Kahit ngayon lang." wika naman ni Pat. "Ayaw niya akong tantanan eh"

"Ano kasi..." hindi mapakaling sabi ni Cecile habang nagiisip ng magandang dahilan.

"Kahit isang oras lang." wika ni Pat.

"Sige." tugon ni Cecile. Natuwa naman ang dalawa. "Pero pag ito sumablay, Wala na akong kasalanan doon."

Player meets the Introvert Where stories live. Discover now