Part 12

663 44 4
                                    

Habang kumakain sina Pat at Bryne ay nakita nila si Ark na nakikipag usap kay Tammy. Siniko ni Pat si Bryne.

"Tignan mo yung dalawa. Mukhang magkasundo." wika ni Pat kay Bryne.

"Kaya nga eh." sangayon naman ni Bryne. Nagkatinginan sila at sabay na napangiti.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko?" ngiting tanong ni Pat.

"Oo B1." tawang sagot ni Bryne.

Ng matapos silang kumain ay PaSimpleng hinila ni Bryne si Ark palabas  sa likod ng music room.

"Bakit ba?" usisa ni Ark kay Bryne. Napansin din niya si Pat na nakaupo doon sa likod.

"May favor lang kaming hihingin sayo." sambit ni Bryne at hinila muli si Ark palapit kay Pat.

"Ano ba yun? Pwede niyo naman sabihin sakin loob." naguguluhang wika ni Ark.

"Landiin mo si Tammy." direktang sabi ni Pat kay Ark. Nagulat naman si Ark.

"Anong meron? Ayoko nga. Umayos nga kayo" gulat na sabi ni Ark. Aalis na sana siya ng hilain siyang muli ni Bryne. "Nakaka gulat naman kayo"

"Ark sige na. Ayaw na kasing tantanan si Pat eh." wika ni Bryne.

"Bakit ako? Isasali niyo pa ako sa kalokohan niyo. Sa iba na lang." tanging wika ni Ark.

"Ikaw nga gusto namin. Nakita namin kayo, medyo okey naman kayo." wika naman ni Pat.

"Sige na Ark. Baka nakakalimutan mong may atraso pa kayo sa akin." sambit naman ni Bryne. Gulat naman ng tumingin si Ark sa kanya.

"Teka lang naman Bryne. Bakit ako lang? Tatlo kami Di ba?" tanong ni Ark kay Bryne.

"Anong gusto niyo, tatlo kayong lalandi kay Tammy? Hindi maganda yun. Ikaw na lang." wika ni Bryne. "Wag kang mag alala, iba ang kondisyon ko sa dalawang iyon."

"Grabe naman. Si Jude na lang." nag aalangang wika ni Ark.

"Sayo nga close si Tammy." sambit naman ni Pat. "Wag kang mag alala, ako sa sagot ng mga gastos niyo."

"Nakakainis naman kayo." inis na sambit ni Ark. "Hanggang kelan?"

"Hanggang sa di na niya gusto si Pat." sagot naman ni Bryne.

"Eh paano pag Di nangyari yun?" pag aalangang wika naman ni Ark.

"Problema mo na yan." ngiting wika ni Bryne. "Kaya dapat galingan mo."

"Sorry Ark. Ikaw lang pagasa ko ngayon." wika naman ni Pat. Naiinis man si Ark ay wala siyang magawa kundi ang Sumunod dahil hawak siya sa leeg ni Bryne.

"So paano ba yan, magsimula ka na ngayon." sabi ni Bryne.

"Teka lang naman. Ang bilis naman ata." pigil naman ni Ark pero hindi na umimik sina Bryne at bumalik sa loob ng music room. Naiwan problemado si Ark.

Pagpasok nila Pat ay nilapitan nila agad si Tammy.

"Hi Pat. Nagustuhan mo ba yung niluto ko?" magiliw na tanong ni Tammy.

"Oo naman. Ang sarap nga eh." sagot ni Pat. Kinilig naman si Tammy sa sinabi niya.

"Talaga? Sa susunod magluluto ulit ako." masayang sabi ni Tammy.

Player meets the Introvert Where stories live. Discover now