Part 18

571 32 3
                                    


"Papasukin mo siya." sambit ng isang babae na nasa loob. Narinig iyon ni Bryne at nagkaroon ng lakas na tumingin sa loob. Bumukas pa ng bahagya ang Gate at nakita niya si Olive na nakatayo malapit sa pintuan.

"Pasok na Sir." sambit ng babae. Agad pumasok si Bryne at lalo niyang napagmasdan ang ganda ng bahay nila Pat.

"Tara na sa loob Sir." alok ng babae at pumasok na sila. Pag bungad ni Bryne sa sala ay kita niya si Daniel at Olive na nakaupo. Seryoso ang tingin ni Daniel sa kanya samantalang matipid na ngiti ang binigay sa kanya ni Olive.

"Upo ka." magiliw na alok ni Olive kay Bryne. Magkahalong takot at hiya ang namayani kay Bryne habang lumapit sa dalawa.

"What do you want? Why you're here?" tanong agad ni Daniel pagkaupo ni Bryne. Napalunok si Bryne sa takot sa biglang pag tanong sa kanya ni Daniel. Napahawak naman si Olive sa isang tuhod ni Daniel upang ipaalam na kumalma ito sa pakikipagusap.

"Gusto ko lang po kumustahin si Pat. Kahapon pa po kasi siya nag absent." tila natatakot at nahihiya ng sagot ni Bryne.

"He's doing good. Kung wala ka ng kailangan. You can leave." seryosong sambit ni Daniel.

"Hon, kaibigan yan ng anak mo." singit naman ni Olive. Di naman nakinig si Daniel at seryoso niyang tinignan si Bryne.

"Paprangkahin na kita iho, ayokong nagkakaroon ng kaibigan ang anak ko. Lalo na kung mga bad influence din lang." seryosong sabi ni Daniel.

"Hindi naman ako ganun Sir. Infact tinutulungan ko po yung anak niyo to be better." dependsa naman ni Bryne.

"How? Pagsali sa pageant? Do you know how shameful it is? Hindi ba nakakahiya ang naglalakad sa harap ng maraming tao ng nakatrunks? " inis na sambit ni Daniel. "Ano yun, tinutulungan niyo siyang magkaroon ng makapal ang mukha to do such things?"

"Hindi na po Sir. We're helping him to build his confidence." sambit naman ni Bryne.

"Really? Well you're not helping. He can do great things alone and without doing those things." inis na wika na na ni Daniel.

"Hon, ano ba." inis namang sabi ni Olive.

"Ikaw iho, ano bang pangarap mo sa buhay mo?" tanong ni Daniel kay Bryne.

"Maging Engineer po." matapang na sagot ni Bryne.

"So anong ginagawa mo ngayon to be an effective engineer in the future?" dagdag na tanong ni Daniel.

"Nag aaral po ng mabuti Sir." tila natatakot na sagot ni Bryne.

"Then?"

Hindi nakasagot si Bryne dahil wala siyang maisip na sasabihin.

"See? It's okey to have a dream iho, pero dapat ngayon palang may ginagawa ka na. Education is not enough. Degree is not enough." wika ni Daniel.

"Kasi kami, we want Pat to be a successful business tycoon. At ngayon palang tinuturuan na namin siyang mag trading. I want to train him to do things na makakatulong sakanya in the future. Tinuturuan na namin siya kung paano ang buhay pagkagraduate niya. I want him to take his life seriously. Dapat ganun ka rin. Hindi pwedeng bahala na kung anong mangyayari bukas." dagdag ni Daniel.

" Marahil Sir tama kayo. Hindi ganun ka straight ang daan ko papunta sa pangarap ko pero hindi ako nagsisisi o natatakot na baka matagalan bago ko makamit iyon. Gusto ko kasi Sir, I enjoy ang kung anong meron ako ngayon. Ayaw Kong I sacrifice yung happiness na makukuha ko just to seriously achieve my dreams. " tugon naman ni Bryne.

Player meets the Introvert Where stories live. Discover now