Part 02

1.3K 75 1
                                    

Pagkabili ni Pat ng kanyang pagkain ay dumiretso na siya agad sa kanyang tambayan. Ngunit bago pa siya makalapit doon ay Napansin niya ang mga nakalagay sa mesa. Pagpasok niya doon ay kita niya ang mga snacks at drinks na may mga nakadikit na sulat. Bawat snack ay may nakadikit na sulat. Galing sa ibat ibang tao. Napalingon siya sa paligid upang suriin kung may mga tao ngunit wala. Walang bakas o ingay na mayroong tao doon

Nadismaya siya. Alam na ng mga tao ang kanyang tambayan. Kailangan na naman niyang maghanap ng bagong tatambayan na walang ibang makakaalam.

Pagtalikod niya upang bumalik sa kanyang sasakyan ay nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa daanan. Nakatingin ito sa kanya. Maya maya ay naglakad ito papalapit sa kanya. Nawari niya ang mukha ng lalaki. Siya ang pumigil sa mga tao kanina na makipag argue sa kanya. Si Bryne.

Nginitian ni Bryne si Pat pero wala siyang natanggap na ngiti mula dito. Seryoso lamang itong nakatingin sa kanya.

"Okey ka lang?" tanong ni Bryne kay Pat.

"Hindi. Pakisabi Di ko matatanggap yang mga iniwan nila diyan." sambit ni Pat at naglakad na papunta sa kanyang sasakyan.

"Hey wait lang. Ako nga pala si Bryne. Baka naman pwedeng makipag kaibigan?" sambit ni Bryne at naglakad papuntang harap ni Pat.

Seryosong tinignan lamang siya ni Pat. Nailang naman makipagtitigan si Bryne.

"not interested. Sinabi ko naman kanina mas comfortable ako mag isa." seryosong wika ni Pat.

"Pero sa ngayon kailangan mo ng kaibigan. Kailangan mo ng kakampi. At handa ako." pangungulit ni Bryne.

"I can handle it. Magkakaroon pa ako ng utang na loob sayo. Tantanan niyo na lang ako." sabi ni Pat at naglakad muli.

"Alam ko Hindi. Nakikita ko sa mga mata mo na nahihirapan ka. I can help you" pangungulit ni Bryne.

Nagkunot noo si Pat sa sinabi ng lalaking nasa harap niya.

"Can you tell me what's the problem and you all treating me like this? I just want a private life. No distraction. Could you not understand that ?" galit na sambit ni Pat.

"Oh relax. Wala akong kinalaman dito. Gusto ko lang naman tumulong." sabi naman ni Bryne.

"So can you tell me what's going on?" seryosong wika ni Pat.

" OK saglit." tugon ni Bryne at inilabas ang kanyang cellphone. Binuksan niya iyon at inopen ang kanyang Facebook account. Agad niyang pinuntahan ang videos ni Pat.

Inabot niya iyon kay Pat. Doon napanood at nalaman ni Pat ang likod ng Di normal na kilos ng mga tao sa kanya. Di na niya nagawang tapusin iyon at binigay agad kay Bryne.

Inis na inis siyang naglakad papunta sa sasakyan niya.

"Hey teka lang. I can help you." wika ni Bryne at hinabol si Pat.

"I don't need someone's help." seryosong tugon ni Pat.

Sumakay na siya sa sasakyan niya at umalis na. Naiwan mag isa si Bryne. Napakamot na lamang siya ng ulo.

"Ang tigas naman ng alien na yon." inis na sambit ni Bryne.

Walang nagawa kundi bumalik na rin sa campus.

"Oh kumusta? Anong balita?" tanong ni Piyo.

Nagkibit balikat at umiling lamang si Bryne. Umupo na lamang siya sa tabi ni Ark.

Player meets the Introvert Where stories live. Discover now