Part 14

604 43 7
                                    

Tahimik namang nakahiga si Pat sa kubo. Taimtim lang siyang nakatitig sa bubong habang tumatakbo sa isip niya ang mga nadiskubre, ang indecent proposal ng isang judge sa pageant at ang judge ng battle of the band na tito ng isang lider ng banda.

"This world is so rude, inhumane and unfair." inis na wika ni Pat at nagpakawala ng isang malalim na hininga. Pinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at dinama ang katahimikan.

"I miss this life. No stress, no problems, no judgements, no argues and no toxicity." dagdag ni Pat. Miss na niya ang dati niyang buhay kung saan may sarili siyang mundo.

"How I wish I can have my old lifestyle again." dagdag muli ni Pat at inayos ang kanyang pagkakahiga. Pinakalma niya ang kanyang sarili upang kunin ang kanyang antok.

Hingal na hingal naman si Bryne na dumating sa kubong pinagtatambayan ni Pat. Naging maingat at tahimik siya sa kanyang mga galaw papunta sa kubo ng mapansin natutulog si Pat.

"Sabi ko na ba nandito ka." Sa isip ni Bryne habang naglalakad papalapit kay Pat. Nakamasid lamang siya sa nakahigang si Pat hanggang sa makapasok siya sa loob. Maingat siyang umupo sa tapat ni Pat. Wala siyang balak na gisingin iyon kaya dahan dahang inayos ang kanyang upo at hintayin na lang na magising si Pat. Ng biglang tumunog ang cellphone niya. Taranta niyang tinakpan iyon ngunit napamulat na si Pat ng kanyang mga mata at tinignan kung sino iyon. Nakita niya si Bryne na kinukuha ang cellphone sa bulsa nito. Tumingin ito sa kanya at tila nakadama ng hiya si Bryne kay humingi ito ng tawad. Umiwas lang ng tingin si Pat at muling pumikit.

"Hello?" mahinang sambit ni Bryne.

"Asan na kayo? Pag usapan daw natin yung performance para mamaya sabi ni Pres." wika ng nasa kabilang linya.

"Sige. Papunta na kami." sagot ni Bryne at binaba ang kanyang cellphone. Napatingin siya kay Pat at nakapikit itong muli.

"Ah Pat hinahanap tayo sa music room." nahihiyang sabi ni Bryne na tila ayaw maabala si Pat. Wala namang nagawa si Pat. Tahimik itong bumangon at naglakad palabas ng kubo. Sumunod naman si Bryne at sa likod siya ni Pat. Tahimik silang naglalakad.

"Pat may problema ba?" tanong ni Bryne kay Pat ngunit hindi kumikibo si Pat. Hindi nakatiis si Bryne at hinawakan niya ang isang kamay nito. Napatigil sila sa paglalakad.

" uy magsalita ka naman." wika ni Bryne. Hinarap siya ni Pat. "Nagiging tahimik ka na naman."

"Yung isang judge ng pageant, nag offer sa akin indecent proposal para manalo daw ako. Yung isang judge naman ng battle of the band, pamangkin niya yung isang lider ng band." sambit ni Pat na halatang wala ng gana. "Hindi ko alam kung paano lalaban ngayong may Mali sa sistema."

"Bat di mo sinasabi sa akin?" tanong ni Bryne kay Pat. "Di mo naman kailangang sarilihin. Nandito ako."

"Nandiyan ka? Oo nga naman nandiyan ka para sa iba." inis na wika ni Pat.

"Saan naman galing yan?"

"Hindi ko alam." tugon ni Pat at tumalikod na tsaka naglakad.

"Uy Pat. May problema na naman ba tayo?" nagaalalang tanong ni Bryne at sinundan si Pat.

"Pwede ba Bry, gusto Kong mapag isa. Kung gusto mo kasama Yung Kate na yun edi dun ka." inis na sambit ni Pat.

"Pinagseselosan mo na naman ba si Kate? Walang namamagitan sa Amin." depensa naman ni Bryne. Hinarap siya ni Pat na nakakunot ang noo nito

Player meets the Introvert Where stories live. Discover now