Part 04

1K 63 3
                                    

Lunes ng umaga, ramdam na ni Pat ang sakit ng kanyang mga hita dala ng pag akyat nila sa bundok. Iika ika siyang naglakad habang gumagayak.

Ng nasa school na siya nakaabang ulit ang mga estudyante sa harap ng classroom niya. Inis man siya ay binuksan pa rin niya ang pinto ng kanyang sasakyan at bumaba. Iika ika siyang naglakad papunta sa room niya.

"Sarawat, anong nangyari sayo?" nag aalalang wika ng isang babae.

"Okey ka lang Sarawat?" sambit naman ni Tammy na nag a alala kay Pat.

"Kawawa naman siya."

"Ano kanyang nangyari sa kanya?"

"Tigilan niyo nga ako. Wala ako sa mood. Masakit ang katawan ko." inis na wika ni Pat at patuloy sa paglakad.

"Sarawat. Ako na magdadala ng gamit mo." sabi ni Tammy at lumapit kay Pat.

"Pwede ba? Hindi ako si Sarawat. Sino ba yang Sarawat na yan?" inis na tugon ni Pat kay Tammy. Itinuloy niya ang paglalakad. Nakasunod pa rin ang mga tao sa kanya.

"Sorry na." panunuyo ni Tammy. "Nag a alala lang kami sayo. Tulungan na kita."

"Wag na. Just leave me alone."

"Grabe ka naman. Nakikipag kaibigan lang naman kami." malambing na wika NI tammy. "Ako pala si Tammy. Tammy Rodriguez. HRM students."

"Parang awa niyo. Please. Masakit ang katawan ko." seryosong sabi ni Pat at pumasok na sa room. Hindi na nakapag salita ang mga naiwan sa labas. Inis na inis naman si Pat na umupo. Dama niya ang sakit ng katawan niya lalo na ang mga hita niya.

"Ano nangyari sayo?" tanong ng isang babaeng kahilera niya ng upuan.

"None of your business." inis na sagot ni Pat.

Palihim na tinawanan ng mga kaklase ni Pat ang babaeng nagtanong.

Patapos na ang klase nila Bryne ng binigay ni Piyo ang cellphone nito sa kanya.

"Bakit to?" tanong ni Bryne.

"Panoorin mo." wika ni Piyo.

Pinanood ni Bryne ang video at nakita niyang iika ika si Pat na naglalakad habang pinagkakaguluhan siya ng mga kapwa nila estudyante.

"Anong nangyari sa kanya?" usisa ni Ark.

"Iika ika ang alien." dagdag naman ni Jude.

Naawa naman si Bryne kay Pat. Alam niyang galing iyon sa paghiking nila. Hinintay niyang natapos ang klase nila at tinawagan niya agad si Pat.

"Asan ka?" tanong ni Bryne kay Pat na nasa kabilang linya.

"Sa school." seryosong sagot ni Pat.

"Saan nga banda. Pupunta ako diyan." wika ni Bryne.

"Wag na." tugon na na ni Pat.

"Wag ngang matigas yang ulo mo. Hintayin mo ako sa likod ng music room. Papunta na ako" sambit ni Bryne at ibinaba na ang cellphone.

Wala na ring nagawa si Pat kaya dumiretso na lang siya sa likod ng music room. Hinintay niya si Bryne sa loob ng kanyang sasakyan.

Maya maya ay may kumatok bintana ng kanyang sasakyan. Napalingon siya at nakita niya si Bryne. Sumenyas ito na bumaba. Binuksan niya ang pinto at lumabas na. Binuksan na rin ni Bryne ang music room at pumasok dala dala ang isang plastic bag. Sumunod naman si Pat.

Player meets the Introvert Where stories live. Discover now