Part 06

856 55 4
                                    

Gabi na ay gising pa si Bryne. Nasa loob siya ng kanyang kwarto at umiinom ng alak. Seryoso ang mukha nito habang tahimik na nakaupo.

"Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako nagkakaganito?" inis na wika ni Bryne sa sarili.

"Hindi pwedeng mahulog sa kanya Bry. Umayos ka. Wala siyang nararamdaman para sayo. Kaibigan ka lang. Mali yang nararamdaman mo. Pareho kayong lalaki." dagdag pa niya.

"Pero paano ako iiwas? Tamadong tamado na ako. Nakakaramdam na ako ng selos. Lalong gumagaan ang loob sa kanya. Hindi ko kaya." na iiyak na wika ni Bryne.

Itago man niya sa lahat ay nahuhulog na siya kay Pat. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya pero alam niyang masaya siya pag kasama si Pat.

Maya maya ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Pat. Napatitig siya sa screen ng kanyang phone. Nagdadalawang isip siya kung saSagutin ba o hindi. Pinatay din iyon ni Pat ng hindi sinagot ni Bryne. Nakadama ng lungkot si Bryne. Hindi na niya maintindihan ang sarili. Nahulog na ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Tahimik itong napahagulgol.

Ng Sumunod na araw pagkatapos ng klase ni Pat ay dumiretso na siya music room. Tanging sila Piyo lang ang nandoon.

"Si Bry? Nakita niyo? Hindi pa nagpaparamdam eh." wika ni Pat sa tatlo.

"Wala naman. Absent nga siya sa mga klase namin." sabi ni Jude.

"Akala namin magkasama kayo?" tanong ni Piyo.

"Hindi. Katatapos lang ng klase ko. Akala ko magkakasama kayo." sambit naman ni Pat.

Dumating naman si Tammy na may mga dalang pagkain.

"Pat kain tayo." magiliw na sabi ni Tammy kay Pat. Nilapag niya ang mga dala sa mesa.

"Kasali ba kami diyan?" magiliw na tanong naman ni Ark kay Tammy.

"Oo naman. Pag kaibigan ni Pat, oo naman." sagot ni Tammy.

"Ayos." masaya ng sabi ni Piyo at nagsilapit na sila sa mesa. Samantala busy naman si Pat sa kanyang cellphone.

"Alis muna ako." paalam ni Pat at mabilis na lumabas.

"Pat sandali." nagtatampong wika Ni Tammy. Napatingin siya sa tatlo ng kukuha na ng mga pagkain nila.

"Ay sandali." inis na wika ni Tammy. Tinakpan niya ang mga dalang pagkain at binalik sa lalagyan.

"Oh Bakit mo tinago?" tanong ni Jude.

"Kung wala si Pat, Wala din sa inyo. Kuha?" mataray na wika ni Tammy at umalis dala dala ang pagkain.

"Abnormal. Mapanis sana yang dala mo." inis na sigaw ni Ark.

Naisipan ni Pat na puntahan si Bryne sa apartment nito. Dumaan muna siya sa isang retail store upang bumili ng kakainin nila. Sa kanyang pagpili ay may biglang umakbay sa kanya. Napatingin siya kung sino iyon at nakita niya si Mito. Nakangiti ito sa kanya.

"Mukhang gutom ah." wika ni Mito.

"Hindi naman. Anong ginagawa mo dito?" Wika naman ni Pat.

"Wala. Nagpapahangin." tugon ni Mito.

"Ah. Ayos ah. Ganda ng trip mo."

"Ikaw? May pupuntahan ka pa? Baka naman pwede mo ko samahan kumain." sambit ni Mito.

"Ah eh next time nalang. May pupuntahan ako eh." wika ni Pat habang dumadampot ng kakainin nila ni Bryne.

Player meets the Introvert Where stories live. Discover now