CHAPTER 26: Orphanage

2.7K 82 27
                                    


A/N: For this chapter, I need your full attention hehe. Medyo information overload and madaming revelation. I even plotted this on a paper para maisulat ko nang maayos. Enjoy <3

__________________________________

HARRY's

"THIS way." The officer led the way.

Pumasok kami sa isang area kung saan kita namin sa one-way mirror ang investigation room, kung saan naroon sina Mr. Grandecilla and Winston Valeria seating on opposite sides. Winston looks alright now unlike before na una ko siyang makita na sabog na sabog sa droga.

Mr. Grandecilla handed a folder to Winston. "Sinabi mo sa'kin noong nakaraan na kilala mo siya."

Winston opened the folder and heaved a sigh. "Kapatid ko nga."

Picture siguro ni Natalia ang nasa folder.

"At si Mrs. Rosalyn Pereze ang nanay niyo tama ba?"

"Kulit! Oo nga!" sagot niya habang nagkakamot ng ulo.

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Bakit niyo nagawa 'yun kay Dr. Avencino at sa pamilya niya?"

Winston bite the inside of his cheek at tumingin sa malayo. Tinignan niya ang picture ni Natalia at lumabi. "Para gumanti."

My brows furrowed. Gaganti saan? Kanino? Bakit?

"Kanino niyo gustong gumanti?"

Huminga na naman siya nang malalim. "Totoong kapatid ko si Natalia, palaboy kami nu'ng mga bata kami, hanggang sa may nagdala sa'min sa bahay-ampunan. Doon namin nakilala si Harry."

My heart beats erratically. My whole childhood memories were really a blur to me. I mean, I can remember fragments especially during my childhood days with Keirvin and Dianne, but in the orphanage...wala akong masyadong naaalala.

I lost my parent, my friends, everyone, at a young age. I stayed in that orphanage for like two years, halos hindi ako nagsasalita, nagkaroon na lang ako ng kaibigan noong pahuli na. Now I realized...kung bakit sa orphanage na 'yun ang naging hideout nina Nanay Rosa nang kidnapin si Hardy.

I was having doubts back then, ang daming tanong. But I shrugged it all off because I was busy fucking other woman. Napakalaki kong tanga.

"Pitong taong gulang ako noon, si Natalia baby pa lang. Walang gustong umampon sa'min pero may isang pabalik-balik sa ampunan, sabi niya aampunin niya kami kapag yumaman na siya. Naghintay naman ako, umasa naman ako sa salita niya. Tapos noong nag-apat na taon na si Natalia, may bagong batang dumating...ayun na si Harry."

Napakapit ako sa kung ano mang pwedeng hawakan dahil nanghihina ako sa kwento niya.

"Walong taon lang ata siya noon, tahimik lang, pero paborito ng lahat. Tahimik pero masipag, may itsura, matalino. Hanggang sa nagtagal, naging kaibigan na niya halos lahat ng mga bata doon."

It's now starting to get clear in my mind. Unti-unting nagkakaroon ng mukha ang mga batang nasa memorya ko. All the fragments and pieces are finally connected.

"Dalawang taon din siyang nasa ampunan, may nag-ampon din kasi agad sa kanya. Ang nag-ampon sa kanya 'yong babaeng aampon dapat sa amin, 'yong nagsabi sa aming magpapayaman daw muna siya para makuha kami. Tangina. Para kong gagong naghintay sa wala."

Si Mama Mildred. Siya ang nag-ampon sa'kin. Mayaman siya pero walang pamilya. Utang ko sa kanya lahat ng meron ako ngayon, pero nawala rin siya nung College na ko. Ipinamana niya sa'kin lahat ng ari-arian niya.

BP2: When I Was Your ManWhere stories live. Discover now