CHAPTER 14: Huling Halakhak

5.8K 150 41
                                    



DIANNE's

DALI-DALI akong pumasok ng bahay namin only to find out that Mama's bawling her eyes out, sitting on the sofa. And the worse, nakaluhod sa harap niya ang kahuli-hulihang lalaking gusto kong makita.

Napalingon silang dalawa sa akin nang pumasok ako.

"Anong ginagawa mo dito?" galit kong tanong sa kanya.

"Anak..." Agad siyang tumayo at lumapit sa akin. Pero bago pa niya ko mayakap ay natulak ko na siya.

"'Wag na 'wag kang lalapit sa'kin!"

Pinagmasdan ko siya, malaki ang ipinayat niya at naging balbas sarado na rin. He looked so miserable. "Ano pa bang ginagawa mo dito? Bakit bigla ka na lang nagpakita? May kailangan ka ba sa'min? Ano kailangan mo ng pera?!"

"Anak, hindi...Kayo ng Mama mo ang kailangan ko."

"Pwes ikaw hindi ka na namin kailangan! Umalis ka na nga dito!" Lumapit ako sa kanya at itinulak palabas. Pilit ko siyang pinagtabuyan pro patuloy siya sa pagmamakaawa sa'kin.

"Umalis ka na sabi dito! Hindi ka naming kailangan! Hindi namin kailangan ng isang taong walang paninindigan! Umalis ka dito!"

"Anak, nagmamakaawa ako. Makinig ka muna sa'kin."

"Hindi ko kailangan ng paliwanag mo! Lumayas ka dito!"

Habang pinapaalis ko siya ay rinig na rinig ko ang pag-iyak ni Mama kaya lalong lumalalim ang galit ko. I heard her crying alone in her room for several times, I saw her crying inside, at hindi na ko papayag na madagdagan pa 'yun.

Natigilan ako nang margining ko ang boses ni Diana. "Mama? Ate? Sino po siya?"

Napatingin kaming lahat sa direksyon niya.

"Siya...siya ba si..." Napatingin ako kay Papa. He's almost in tears upon seeing Diana. At nang ma-realize kong lalapit siya kay Diana ay agad ko siyang hinarangan.

"'Wag na 'wag kang lalapit sa kapatid ko!"

"K-Kapatid mo? Siya nga ang anak ko..."

Nagpumilit si Papa na puntahan si Diana pero pilit ko siyang hinaharang. Hanggang sa lumapit na sa amin si Mama at sinampal ng malakas si Papa. Napakatunog ng sampal na iyon, animo'y lumabas ang kaluluwa ni Papa.

Agad kong nilapitan si Diana na kasalukuyan nang umiiyak. Pinatawag ko na rin ang guard at mga maid namin para palayasin si Papa. Then I brought Diana upstairs. Humiga kaming dalawa sa kama at pinatahan siya.

Nang unti-unti na siyang kumalma ay niyakap niya ako ng mahigpit. "Mommy, who is he? Bakit po niya kayo inaaway ni Mama?"

"He's nothing, Diana. He's someone from the past and you don't need him anymore. Let's forget about him."

"I hate him. I hope hindi na siya bumalik dito."

I did not answer, I just hugged her instead.

NAGISING ako na katabi na namin ni Diana si Mama. Eight AM na. Ang haba ng tulog namin, hindi na kami nakapag-dinner at hindi na rin ako nakapagbihis.

Dahan-dahan akong bumangon para hindi sila magising. I first checked my bag na nasa bedside table at kinuha ang cellphone ko. Ang daming missed calls and messages from Nathan. Naka-silent kasi 'to kaya hindi ko naririnig.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso naman sa kwarto ko para makapag-toothbrush. Then I texted Nathan afterwards.

[Sorry. Oversleep. And something happened kaya hindi ko nabasa mga message mo.]

BP2: When I Was Your ManWhere stories live. Discover now