CHAPTER 11: Icing sa Ibabaw ng Cupcake Ko

6.7K 183 22
                                    


DIANNE's

"ATE! Gising! Mommy-Ate!"

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko at may maliit na boses na paulit-ulit kakatawag ng Ate at Mommy.

Whoever called me Ate slash Mommy, it's Diana of course.

"Antok pa ko," sagot ko.

"Gumising ka na, Mommy! Flowers are waiting for you downstairs!"

Agad akong napabangon. "Flowers?"

"Yes! Flowers! Malaking flowers!"

Malaking flowers? Bouquet, I guess. "From whom?"

"Ewan ko po. Lika na, Ate!" She pulled me.

"Wait. Sunod ako. Maghihilamos lang ako."

"Eeh!" She scratched her head. "Maganda ka na, eh! 'Wag ka na maghilamos!"

I smiled. I pinched her cheeks lightly. "Hindi pwede. Sige na, sunod na lang ako. Baba ka na ulit."

"Okay! Babay! Hmp!" Inirapan pa niya ako bago umalis.

Kalokang bata. Kanino ba niya minana kamalditahan niya?

Mabilis akong naghilamos para makuha ko na agad ang bouquet. Alam ko namang kay Nathan galing iyon.

Right after kong paltan ang PJs ko ay bumaba na ako. Naabutan ko si Diana na nakakandong kay Mama na tinatalian ang buhok niya.

"Mama, ang higpit po!" reklamo ng bata.

"Tama lang 'yan," sabi ko, "para hindi magulo ang buhok mo at hindi ka magmukhang bruha."

"Mama, o! Si Ateeeee!"

Napangiti na lang si Mama at sinabi sa akin at isinenyas ang bouquet na nasa ibabaw ng center table.

Kinuha ko iyon. "Si Nathan talaga."

"How are you sure that it's from Kuya Nathan nga po, eh walang pangalan," giit ni Diana.

"Sino pa ba namang magbibigay nito sa'kin? Si Kuya Nathan mo lang naman."

"Hmmmm...another suitor! You're so beautiful, Ate! Mana ka sa'kin!"

Nagkatawanan na lang kami ni Mama.

"Sige po Ma, ilalagay ko na lang po ito sa vase."

"Sige, anak. Saan ka uuwi mamaya?"

"Sa condo na po muna, Mama. Bukas na lang ulit ako dito matutulog."

Pumunta na ako sa kusina at ipinaayos kay Yaya ang bouquet sa vase. Agad kong tinawagan si Nathan. I used my earpiece.

"Hello, Nathan."

"Hmmmm...m-morning." He yawned.

"O? Kakagising mo lang? Anong oras na."

"Napuyat po."

"Ano namang pinagkapuyatan mo, aber?"

"Hmmm...Napuyat ako kakaisip sa'yo." I heard his tremendous laugh on the other line. Maybe he realized what he had just said.

"Sira ka talaga! Thank you ha..."

"Huh? Thank you saan?" I heard him yanked off the bed.

"Sa flowers."

"Flowers?" Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Oo. Sa flowers. Sa bouquet na pinadala mo."

"Wala naman akong pinapadalang flowers." Narinig ko ang pag-agos ng tubig from a faucet.

BP2: When I Was Your ManWhere stories live. Discover now