CHAPTER 16

2.3K 73 16
                                    


A/N: AFTER ALMOST FOUR YEARS, NAKAPAG-UPDATE DIN AKO HAHAHA. SA MGA HINDI NA MAALALA 'YUNG STORY, BACKREAD NA LANG KAYO HAHA. HAPPY READING <3

______________________________________

I STARED on the picture Harry shown me. Hindi ako pwedeng magkamali, kilalang kilala ko kung sino siya. Nag-flashback lahat nang nangyari ng araw na 'yun, lahat ng sakit na pilit kong kinakalimutan ay isa-isang bumabalik. Before I knew it, I'm on the verge of tears.

"Dianne..." Harry called out. "I'm sorry." Kinuha niya ang folder mula sa'kin at halatang nataranta. "Hindi ko na dapat pinakita sa'yo 'to."

I swallowed the lump slowly forming in my throat. Tinignan ko siya. "It's okay. I'm okay." I breathe heavily at isinantabi lahat ng takot ko. The moment I regained my courage, agad kong binawi ang folder sa kanya. "I know him, Harry."

His looks are filled with concern na para bang nag-aalangan kung tatanungin pa ba ko. "Who is he?"

Tinignan ko nang maigi ang picture. I remembered the headlight of his car flashing right before my eyes. I remember how focused his eyes were, I remember him smirking bago niya ko banggain. I can still feel the impact of that car on my body and the pieces of glasses that shattered on my face, but above anything else, I can still feel the pain in my heart that time.

Muli akong tumingin kay Harry. "Harry, siya...siya ang bumangga sa'kin."

His eyes widen in surprise. "You mean...he's the reason behind the wounds on your beautiful face that time?"

Funny. It was you, Harry. You're the reason for all of my wounds.

Bumuga ako ng hangin. "Yeah, siya nga. I will never forget his face." Umiwas ako ng tingin sa kanya at saka tumingin sa kawalan.

Kinuha niya ulit sa'kin ang envelope. "Take a rest. Hayaan mong ako na ang mag-asikaso nito," he said.

"Why did he do that?" I asked, still not looking at him. "Bakit niya ko binangga? Bakit niya ginawang drug den 'yung bahay natin?"

"I also don't know, Dianne. Just like you, marami rin akong tanong. That Winston Valeria looks very familiar to me. Alam kong nakita ko na siya noon somewhere, pero hindi 'yun nung oras na binangga ka niya."

I chuckled. "Winston Valeria. Does his surname rings a bell for you?"

Tinignan ko siya pero siya naman ang umiwas ng tingin sa'kin. Kilala ko si Harry, bawat kilos niya naiintindihan ko. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko but he cannot open it up kaya ako na ang nagsalita.

"Valeria rin ang apelyido ni Natalia."

I saw his adam's apple moved. Within three years, ngayon ko na lang ulit nagawang banggitin ang pangalan niya. The whole time Harry's here in Philippines, ilang beses kong kinakapa ang emosyon ko for I don't feel anything for him: galit, lungkot, tuwa, walang kahit ano. Pero nang banggitin ko ang pangalan ng babaeng ugat ng lahat ng 'to, parang literal na binibiak na naman ang puso ko.

My hands started to shake and so as my lips. Pumikit ako at sunod-sunod na huminga nang malalim. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. "M-May contact ka pa ba kay Natalia?"

Agad akong nilingon ni Harry. "Wala. Wala na," mabilis niyang sambit. "At wala na kong balak na kontakin pa siya kaya nga—" natigilan siya.

"Kaya nga ano?"

"Kaya nga hindi ko sinabi sa mga police ang tungkol sa apelyido niya."

"What? That's obstruction of justice!"

BP2: When I Was Your ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon