CHAPTER 05: Judgmental Eyes

8.3K 211 35
                                    

HABANG nagpa-pack-up sila, sinamahan ko na ang mga bata papunta sa seaside. Kasama rin namin ang iba pang staff. Si Nathan ay naiwan para tumulong sa pagpa-pack-up.

Habang buhat ko si Diana ay pinaglalaruan niya ang buhok ko.

Nang nakarating na kami sa seaside ay nagwala na ang mga bata. Wala pang guidelines sa kung anong gagawin nila pero nagkanya-kanyang laro na. Mabuti na lang at pinatahimik sila ni Mercury, ang pinaka-head ng staff.

(A/N: Nakasakay ako sa van while writing this, and may nadaanan kaming Mercury Drug kaya Mercury ang name haha.)

"Kids! Do you want to play a game?" tanong ni Mercury.

Sabay-sabay na nag-yes ang mga bata.

"But you have to listen to Ate Dianne, okay?"

"Okay poooooo!"

Biglang nagtaas ng kamay si Diana. "Can I join too?"

"Of course you can, babygirl," sagot ni Mercury.

Agad siyang bumaba mula sa pagkakabuhat ko at tumakbo sa mga bata.

"Okay kids, alam niyo ba 'yung Bring Me?" tanong ko sa kanila.

Sabay-sabay ulit silang nag-opo at excited na excited.

I grouped them into four para mas madali ang paghahanap nila sa ipapahanap ko, at para hindi na sila malayo o magkawatak-watak. Mahirap na, baka may mawalang bata.

After telling them what to do, nagsimula na kaming maglaro. Patagal nang patagal, pahirap nang pahirap ang pinapahanap ko sa kanila, at leading na ang Group 2 kung saan kabilang si Diana.

"Okay, this will be the last. And para sa group na mananalo, may additional 10 points!"

Sabay-sabay ulit nagsigawan ang mga bata at excited na excited.

"Hmmm...Bring me...uhm, someone who is holding an ice cream and a balloon!"

Hindi ko maipaliwang ang reaksyon ng mga bata, may nagkamot, may nagtinginan, may napakunot ang noo, may mga nagbulungan.

"10 points, kids!" And with just three words from me, nagtakbuhan na ulit sila at naghanap ng pinapahanap ko.

I know it's difficult to find someone who's holding an ice cream and a balloon at the same time, but if it's meant to be, then fate will work on its best. If the group is meant to win, then the fate will find its way to bring the kids to that someone.

After a little while, may grupo na ng mga bata na bumalik at may kasamang lalaki. And he was just not an ordinary man.

He's holding an ice cream on his right hand and a balloon on his left, and the kids are pulling him through the hem of his shirt. Not only that, may dalawang batang sumusunod sa kanya at inaaway ang mga batang kumuha sa Daddy nila.

Harry, Hardy, and Arianne...

"Saan niyo ba dadalhin ang Daddy namin?!" reklamo ni Hardy. Ibang-iba na ang tono ng boses niya. Nagbibinata. Nawala ang sweetness.

"Mommy kooooooo!" At tumakbo si Arianne papunta sa'kin at agad na nagpabuhat. Pulang-pula ang mga mata niya, ang kilay, at ang labi. She cried.

"Mommy ko! Mommy ko! Mommy ko! Mommy ko!" Paulit-ulit niyang sinasabi habang mahigpit na nakayakap sa leeg ko at nakapulupot ang binti sa bewang ko. Ganito ba talaga siya ka-clingy? "Daddy won't let me see you again. Daddy made me cry, Mommy! Scold him for me please!"

Napatingin ako kay Harry and he looks like a puppy. I looked at his ice cream and it was melting already on his hand. "Your ice cream," I said.

Saka lang siya parang bumalik sa katinuan. Agad siyang lumapit sa'min. "Arianne, your ice cream is already melting." Iniabot niya kay Arianne ang ice cream at tinanggap naman iyon ni Arianne but still clinging onto me.

BP2: When I Was Your ManWhere stories live. Discover now