Part 01

3.6K 103 14
                                    

Maririnig ang hiyawan ng mga estudyante sa gym dahil sa nagaganap na mainit na labanan ng basketball. Papalapit na ang kanilang intram kaya nagpapakitang-gilas na naman ang mga kalalakihan.

Isa na rito si Bryne, 3rd year sa kursong Engineering. Cute. Matangkad. Kayumanggi ang balat. Slim ang katawan. Sikat siya sa pagiging varsity player ng University.

Hindi nagpapatalo si Bryne sa pagshoshoot ng 3 points sa ibang players na nagpapahiyaw sa mga kababaihang nanonood. Maliksi ang mga bawat kilos nito na hinahangaan ng marami.

Maya maya lamang ay lamang na ang score nila Bryne hanggang sa sila ang dineklarang panalo.

"Bryne ang galing mo." sigaw ng nasa bleachers.

"I love you Bryne." sigaw naman ng isa.

Sigawan sila sa kilig kay Bryne.

"Congrats sa atin guys. It was a good game." sambit ni Piyo, malapit na kaibigan ni Bryne.

Nagsiupo sila sa kanilang bench upang magpahinga.

"Iba talaga pag may Bry sa team." dagdag naman ni Jude.

"Kaya nga eh. Crush pa ng karamihan dito sa campus." masayang wika naman ni Ark.

Nakangiti lamang si Bryne habang pinupunasan ang kanyang pawis ang mukha. Hindi na bago sa kanya ang usapang ganun sa tuwing nananalo sila.

"Bry, si Cecile oh." sambit ni Ark ng makita ang babaeng pinakacrush ni Bryne.

Napalingon si Bryne sa kinaroroonan ni Cecile, abala itong nakikipagtawanan sa mga kasama nito. Minasdan niya ang mukha nito habang nakikipag usap at nakikipagtawanan. Hinahangaan niya ang kagandahan nito ngunit sadyang mailap ang pagkakataon na hindi niya ito nagawang lapitan o kausapin man lang.

Minsan na niya itong ginawa.

Two weeks ago, patapos ang klase ni Bryne sa second floor ng kanilang building sa engineering ng nakita niya si Cecile na pababa ng hagdan. Palihim siyang lumabas at mabilis na nilapitan si Cecile.

"Hi Cecile. " ngiting wika ni Bryne kay Cecile at kinidatan ito.

Nginitian lang siya ni Cecile. Nakatingin ito sa kanya.

"Pwede ka bang yayain kumain mamaya." diretsahan wika ni Bry.

"Woah. Ang bilis mo naman kumilos. Totoo nga yung sabi nila. Para kang kidlat." ngiting sambit ni Ceclie at nagpatuloy sa paglalakad. Iniwan si Bryne.

Napakunot noo si Byrne sa sinabi ng babae. Unang beses siyang mapagsabihan ng ganon.

"Cecile sorry."

Napalingon si Cecile sa kanya. Nakangiti ito.

"Hinay hinay lang kasi. Mahilig ka sa paspasan eh." ngiting wika ni Ceclie at tuluyan ng iniwan si Bryne.

Inis namang bumalik si Bryne sa kanilang room. Pansin siya ng kanyang tatlong kaibigan na wala sa mood.

"Mukhang may nakatikim na naman ng mapait na salita ah." Mahinang wika ni Piyo.

"Ano pre, Wala ba talagang pagasa?" tanong ni Ark kay Bry.

Napatingin lang si Bryne kay Ark. Walang reaksyon.

"Nako nakuha ko na. Di bale marami pa namang iba diyan." tugon ng kasama.

"Imagine, may nang I snob sayo eh samantalang crush ka ng karamihan. Tsk tsk." dagdag naman ni Jude.

Player meets the Introvert Donde viven las historias. Descúbrelo ahora