Seven: Rosa Misteryosa

Start from the beginning
                                    

"Hahahaha! Punyeta ka!"

Nagulat ako nang mag curse sya sa akin.

"Hey! Don't you dare curse on me!"

Napalapit ako sakanya, sya namang atras nya. Sinampal nya ako!

"Wag kang makalapit lapit sa akin! Ni wag mo akong hahawakan!"

Nagulat ako sa ginawa nya. Sa tingin ko talaga akala niya ay ako si Tanya.

"Hey Miss, please calm down. Baka naman sa kakambal ko ikaw galit at hindi sa akin? Maybe she did something terrible to you and you think I'm her?"

Maraming beses nang nangyari ito kaya sanay na akong napag kakamalang si Tanya.

"M-may kakambal ka?"

I took my phone and browsed through my gallery. I showed her a picture of me and T.

"Yes. She is my twin sister. I mean, she was. She recently passed away."

Napa upo sya sa hagdanan sa tapat ng pinto ng bahay nya.

"D-did you personally know her? Mag kaibigan ba kayo? Or magkakilala kayo?"

Nakatingin lang sya sa dagat na maingay na umaalon. It is sunset already and I fell inlove with the view. Nag aagawan ang dilaw, kahel at asul sa pwesto sa kalangitan habang tahimik na nagtatago ang araw.

"She committed suicide."

Basag ko sa katahimikan. Lumingon ako sakanya. Tulala parin. Tumabi ako sa kanya habang nakaupo sa unang baitang ng maiksing hagdan paakyat sa pinto ng bahay nya.

"She was suffering from Leukemia, stage four. So ang tingin nyang natitirang solusyon sa pinag dadaanan nya is to do that."

I kept browsing our pictures and I suddenly missed my twin sister. We have differences but we both know when we need each other. We were close growing up. Naging masungit lang ako pag balik ko ng Manila galing dito sa Palawan.

"Ti-Tinuloy nya?"

Napalingon ako sa kanya mula sa pag kakayuko sa phone ko. Nahuli kong nakatingin na sya sa akin.

"Ang alin?"

"P-patay na sya? B-bakit nya yun ginawa?"

"Kasi nga di na nya kinaya yung sakit nya. Nag suicide sya para matapos na ang pag hihirap nya at di na mahirapan ang asawa nyang si Janice."

Nanlaki ang mga mata nya nang marinig ang pangalan ni Janice. Sa tingin ko ay nakahinga na sya ng maluwang.

"Kilala mo ba ang kapatid ko?"

Maingat na tanong ko sa kanya at baka ma trigger na naman whatever emotion she has for Tanya.

"Oo. Pero ako, ni hindi ko alam kung kilala nya ako."

Matigas na sagot nya pero pinilit ko ulit mag salita.

"Galit ka ba sa kanya?"

"Oo. Noon. Pero ngayon, pinapalaya ko na ang galit na iyon dahil wala na sya dito sa mundo. Wala nang saysay mabigat lang sa dibdib."

"May I know what she did to you?"

Pagkasabi noon ay matalas nya akong tinitigan na syang dahilan para mapaatras ako.

"Oh, okay. Okay. Chill"

Bigla syang tumayo kaya hawakan ko sya sa wrist.

"Dito ka lang muna. Makinig ka muna sa akin."

Tinitigan nya ako at ang kamay ko.

"Bibitawan kita kung hindi ka na aalis sa tabi ko."

She rolled her eyes at umupo sa tabi ko.

Alcavar Dynasty: THE BLACK SHEEP [COMPLETE]Where stories live. Discover now