"Wui!" I greeted exaggeratedly. Sapphire II pala siya? Sayang 'di kami classmate.

"Dito pala room mo?" pagdadaldal ko pa sa kaniya ngunit 'di pa rin siya kumikibo.

He played deaf, dodging my questions! Right, I was right on my first impression, he doesn't want to be questioned by a stranger. Hindi ko rin naman siya kilala pero tinong ko siya.

"Teacher mo rin siya?" I said, kept asking random questions.

"Teacher din namin 'yan, eh." hindi ko alam kung ako lang ba o parehas kaming hindi nakikinig sa Rules 'nung teacher, iisa lang naman ang gusto nila. Walang kang sasabat kung hindi ka magrerecite.

"Hindi mo siya Teacher." wow! Nagtatagalog siya! Gusto ko sana kurutin dahil 'nung una na nagkita kami, binara niya 'ko. Doon naman sa milktea shop, parang pinahiya niya naman ako.

"Classmates kaya tayo." napag-alaman kong kaya wala iyong totoo namin na A.P teacher kasi manganganak na. Iyon din pala ang Adviser na sinasabi ni ate.

Hindi niya na ako sinagot at pareho kaming nakinig sa klase, about Asia naman ang topic kaya medyo kaya ko naman kung itatanong ko kay ate.

"Galing mo naman!" I nudged him, smiling widely, ang galing naman nitong sumagot! Bigla kasi siyang tinawag tapos tinanong kung ano 'yung Asya, tapos ang accurate ng sagot niya!

Hindi ulit siya sumagot kaya nakinig na lang ulit ako. Isang oras din kami sa room ng Sapphire II kaya medyo nakakagutom dahil sa lahat ng subject teachers, si Sir. Monombre lang ang nagparecitation! Nakakadrain, grabe!

Balak sana naming puntahan ngayon si Shai sa room niya pero sabi 'nung si Rain, umuwi na raw.
Akala ko ba hintayan? Ba't ang daya? Nakakatampo naman 'to.

Napagpasiyahan na lang namin n umuwi kami ni Renz ng sabay, nakakatakot kasi ang sched ngayon kaya sabi ni mommy, kailangan daw kasama ko si Renz lagi. Exact 7 p.m ang labas namin, plus 10 minutes para sa cleaners.

"Kaya pala hindi sumabay, umuwi na raw." Sabi ko nang nanggigigil! Nakalabas na kami sa gate at balak ko sanang magsiomai muna kahit papano kasi nakakaantok ngunit ito si Shai at nakikipagtawanan sa bago niyang kaibigan.

"Tawagin natin?" alok ni Renz.

"Huwag na!" nagmamadali akong pumasok sa kotse nila Renz. Nakakatampo! Nagpromise siya, eh! Bahala siya diyan bukas.

Nagsimula na ang biyahe at hindi naman naaalis sa pagkakunot ang noo ko.

"Bayaan mo na, gano'n talaga." He consoled. Ba't naman ako, 'di naman ako naghanap kanina. Saka, 'yung lalaking naka mask, 'di naman kami nag-uusaap, so technically, wala pa akong bagong kaibigan. Ang bilis naman niya akong palitan!

"Bahala siya bukas." nakanguso ko pang sabi habang nakatingin lang sa mga kotse na nadaan.

Ang lamig pala kapag gabi rito, sa biyahe, pwedeng pwede ka nang matulog!

Madilim na sa bahay nang nakarating ako, parehas lang kami ni ate ng schedule pero late dumating si ate kaysa sa'kin.

Maaga akong nagising dahil alam kong may mangyayaring discussion mamaya, balak kong sa library na lang muna mag review.

I closed my eyes and prayed. I wish everything would fall into their right places. Sana naman hindi ako pag-initan ng isa pa naming buntis na teacher. Bukod kasi sa Araling Panlipunan na teacher namin na nag-leave ay meron pa kaming isang teacher na limang buwan nang buntis. 

Sana lang ay hindi ako pag- initan mamaya.

Tinignan ko ang oras at saktong alas-dies y media na nang nakababa ako.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now