Chapter 12

9 2 0
                                    

Aries POV

"Si ate kira? Bakit siya lumipat?" Tanong ko kay kuya matapos marinig ang paliwanag niya.

"Maybe, because she's following me. You know, when you saw her in my room last saturday, she heard my plan about transferring here." Nakangising sagot niya.

"Assuming ka pala e! Hindi pwedeng gusto ko lang maranasan na halfday ang pasok?" Sagot naman ni ate kira na kanina pa palang nakikinig sa usapan namin.

Totoo yun. Halfday lang ang pasok namin kasi masyadong maraming studyante ang pumapasok dito kaya hindi sapat ang mga classrom. Kaya ang nangyari, grade 7 at grade 9 ay pang umaga habang pang tanghali naman ang grade 8 at 10.

Pero totoo naman kaya? Knowing ate kira... but it's okay. It's her choice naman.

"Okay, sabi mo e." Pigil ngising sagot ni kuya.

Nagulat na lang ako ng biglang magpakuha ng papel si ma'am. What! May quiz? Nakakainis naman e! Dapat pala sa bahay ko na lang tinanong sina kuya, edi narinig sana namin ang tinuro ni ma'am! Huhu, anong gagawin ko?

Nakita siguro ni kuya ang pagiging balisa ko kaya bumulong siya sa'kin.

"Don't worry, i got this." Tumango na lang ako ng magsimulang magtanong si ma'am.

Isa lang ang masasabi ko ngayon, Wow! Biruin niyo? Hindi naman namin narinig ang tinuro ni ma'am pero naka perfect pa rin kami! At iyon ay pinagpapasalamat ko sa magaling kong kuya!

Habang ako ay kabang kaba kanina, si kuya naman ay mukhang chill lang habang nakikinig sa mga tanong ng teacher namin. Syempre, ako naman etong si taga gaya lang sa sinasagot ni kuya. Na pasimple ko din namang pinapakita kay ate kira na mukhang wala ding maisagot dahil busy siya sa pakikinig sa usapan namin ni kuya kanina. Ang ending, eto na nga, perfect kaming tatlo.

Kaya sa mga sumunod na subject ay nakinig na muna talaga ako at hindi muna kinausap sina kuya. Pero kunwaring nakikinig lang talaga ako, nakatingin ako sa guro pero yung isip ko, lutang. Ewan ko ba, ganyan ako lagi o kaya naman ay nakikipag chikahan kina vivs. Buti na lang at hindi nagpa quiz ang mga sumunod na guro.

"Okay, mag recess na kayo." Sabi ng math teacher namin bago lumabas.

"Yes! Sinong pupuntang canteen? Oy, pupunta kang canteen?"

"Wohoo! Kainan na!"

"Oh, sinong magpapabili?"

Narinig ko na naman ang ingay ng mga kaklase ko.

Ako naman ay dali daling tumayo at kinuha ang wallet ko sa bag. Gutom na ako. Agad akong lumabas at hinanap sina vivs, nang makita sila ay agad akong lumapit at niyakag sila papuntang canteen ngunit nakatayo lang sila doon at nakatingin sa likod ko.

Nagtaka naman ako at agad na lumingon sa likod ko. Napatampal na lang ako sa noo ko ng makita sina kuya at ate kira na nakasunod sa akin. Nakalimutan kong nandito na nga rin pala sila.

Napakamot na lang ako sa likod ng tenga ko at pinakilala sina dandan sa kanila.

"Ah, kuya, ate kira, sila nga pala sina danice at vivyan, mga kaibigan ko."

"Hi,"

"Hello!"

Magkasabay na sabi nina kuya at ate kira. Sina vivs naman ay ngumiti at bumati din.

Bumulong pa nga si vivs sa'kin e.

"Ang ganda ng lahi niyo! Si kira, morena beauty tapos yung si austin! Ang pogi!"

"Ah, eh, oo nga e," naiilang kong sagot. Sadya namang maganda si ate kira at syempre, pogi ang kuya ko! Nakakailang lang kasi yung tingin ng mga napapadaang estudyante.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon