Chapter 10

11 4 1
                                    

Aries POV

Nag-aayos ako ngayon ng gamit na dadalhin kina mama. Dinala ko na lang ulit yung mga damit na bitbit ko rin sa pagpunta dito. Galing 'no? Palipat lipat lang.

Kanina pang madaling araw nakaalis sina mom at dad. Nangako silang uuwi kapag may time at tatapusin daw nila agad ang mga gawaing kailangan nilang tapusin. Sinabi ko naman na 'di na nila kailangang magmadali kasi marami pa naman kaming oras para makapag bonding. Kahit hanggang sa pagtanda pa namin.

"Aries, ready ka na?" Tanong ni kuya sa akin habang nakaupo sa kama ko.

"Ready na ako, kuya." Malaking ngiting sagot ko sa kaniya.

Binitbit ni kuya ang isang malaking bag na naglalaman ng mga gamit ko at sa isang kamay naman ay ang kanyang mga gamit. Konti lang ang dinala niya kasi pwede naman daw siyang pumunta dito at kumuha ng mga damit kapag kailangan niya.

Habang pababa kami ay muli kong pinaalala sa kaniya ang pagpunta namin sa tiangge.

"Kuya, ngayon na nga pala yung punta natin sa tiangge ah? Hindi alam ni ate kira na doon tayo titira pansamantala kina mama. Surprise natin siya mamaya! HAHAHA naiisip ko na agad reaction niya!" Malakas akong tumawa habang iniisip ang magiging reaction ni ate kira mamaya.

Tumawa din si kuya at sumagot.

"Yeah, sure. I guess that will be epic."

Pagkalabas namin ng bahay ay nakita namin sina kuya red at kuya gray na nakaabang sa labas ng kotse.

Iniwan sila nina dad para daw may magbantay sa amin ni kuya sa tuwing lalabas kami. Pero di naman as in sobra sobra na parang bodyguard. Parang nakasunod lang sila sa amin tapos naka normal clothes lang din. Parang mga nakatatandang pinsan lang, mukhang nasa 25 lang naman ang edad nila.

Yumakap muna ako kay nanay ya na nasa likod namin.

"Mag-iingat kayo dito nanay ya ah? Pangako po, pupunta kami dito ni kuya every weekend." Ngumiti naman siya sa'kin.

"Ikaw talagang bata ka, kayo ang mag-iingat ng kuya mo. Lalo na yang si Austin, palagi mong samahan at matagal tagal na rin iyang hindi nakakapunta dito. Baka maligaw."

Sabay kaming tumawa ng malakas habang si kuya naman ay napakamot na lang sa kanyang ulo.

"Nay naman e." Nahihiyang sabi pa ni kuya.

"Sige po, una na po kami. Babye po!"

Pagkatapos naming magpaalam ay sumakay na kami sa loob ng kotse. Normal na kotse lang yung ginamit namin kasi masyadong nakakaagaw ng pansin ang ibang kotse.

Habang nasa daan, papunta kina mama ay tinuturo ko ang bawat tanawing madadaanan kay kuya. Kinu-kuwento ko sa kaniya ang mga nakakatawang alaala ko doon.

"Yung bahay na 'yon! Bahay yun ng kaklase ko, kuya. Madalas kaming gumawa ng mga group activities sa kanila." Tinuro ko yung isang bahay na nadaanan namin.

"Diyan naman sa park yung pinaka-epic na alaala na natatandaan ko.
I think, 5 years ago? Yung kapatid ko kasi, si shiro na 4 years old that time. Tumungtong doon sa mataas na pader na 'yon tapos tumalon, nag feeling superman, ayon nabungi ang dalawang ngipin sa taas HAHAHAHAHA!" Tumawa ako ng malakas habang si kuya naman ay napangiti na at napailing iling pa.

Sa sobrang busy namin sa pagtawa ay di na namin namalayan na tumigil na pala ang sasakyan.

"Nandito na po tayo." Sabi ni kuya red.

Pinagbuksan nila kami ni kuya gray ng pinto. Agad ko naman silang sinabihan na sa susunod ay ako na ang magbubukas ng pinto kasi medyo nakakailang saka mahirap na, baka may makakita. Marami pa namang chismosa sa paligid, charot!

Hidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon