Chapter 7

44 9 2
                                    


~~~

Pagkasakay namin sa kotse ay nakita ko na naman sina kuyang bodyguard. Ang nag d-drive ay yung isang kuya na sa pagkakatanda ko ay red ang pangalan at sa tabi naman nya nakaupo si kuyang may peklat sa pisngi.

"Hi kuya red, Hi kuyang may peklat sa pisngi!" pagbati ko sa kanila.Tumango lang si kuyang may peklat sa pisngi. Si kuya red naman ay ngumiti at binati ako pinabalik.

"Hello miss aries. Gray nga po pala ang pangalan nitong katabi ko. Pasensya na kayo d'yan,hindi kasi talaga yan palaimik." Medyo natatawa pang sabi ni kuya red. Tumango tango naman ako. Napakaseryosong tao naman ni kuya gray...

Wala na ulit nagsalita pagkatapos non. Awkwarddd. Magkatabi lang kami ni Mr. Austin kaya mas lalo akong nahiya magsalita.

"I missed you,tei" napatingin ako kay Mr.Austin ng bigla s'yang magsalita.

"Ah..eh... n-namiss din po kita M-Mr.Austin." kanda utal utal na sabi ko. Ghaddd! Di ko alam ang sasabihin ko.

Tumingin sya sa akin at malungkot na ngumiti.

"Kuya,please call me kuya"

"O-okay po... kuya" ngumit sya nang marinig ang aking sinabi, ngumiti din ako sa kanya. Parang ang sarap sa pakiramdam na tinatawag ko syang kuya.

Makalipas ang 10 minuto ay nakarating na rin kami sa bahay nila dito sa taal na parang familiar sa akin. Teka! Eto yung bahay na lagi kong tinitingnan pag nasa school ako ah! Mataas kasi ang lugar ng school namin kaya kitang kita namin halos ang buong bayan.

Waah! Totoo ba ito? Yung bahay na hinahangaan at tinitingnan ko lang dati ay pagmamay-ari pala ng tunay kong pamilya! Wow, just wow.

Pinagbuksan ako ng pinto ni kuya gray. Pagkalabas ko ng sasakyan ay agad ko syang pinasalamatan, tumango lang ulit siya. Hindi kaya napapanis ang laway niya? Charot HAHAHA

Kasabay ng pagbukas ng pinto ay sya ding pagsabog ng confetti sa harap namin at ang pagsigaw nila ng

"WELCOME BACK LADY ARIES!"

Nakatayo sa unahan sina Mr. And Mrs. Millcon habang nasa likod nila sina... charot lang ulit hindi ko sila kilala pero parang mga kasambahay at iba pa. Pero ang pinaka nakakuha ng aking atensyon ay ang matandang babae sa likod.

Naiiyak na ngumiti ako, tumakbo ako papunta sa kanya at sinunggaban siya ng yakap.

"Nanay ya, namiss po kita"

"Shh, tahan na aries. Wag ka ng umiyak, big girl ka na diba?" Pareho kaming natawa kasi yun ang palagi niyang sinasabi sa akin sa tuwing nadadapa ako noong bata pa ako.

Mula nung araw na nagpunta samin ang pamilyang millcon ay gabi-gabi ko ng napapanaginipan ang mga nangyari noon bago ako mawala.

Para bang pakiramdam ko na buo na ulit ang pagkatao ko kasi naalala ko ang ilan sa childhood memories ko na muntikan ko ng makalimutan habang buhay.

~~~~~

"Hugging you tight and with tears"

~~~~~

Nandito kami sa napakalaking sala ng bahay ngayon para kumain. Chika ko muna ang mga nangyari kanina habang kumakain.

Pagkatapos kong yakapin si nanay ya ay niyakap ko naman ang aking mga magulang, naiyak pa nga si mommy (oo mga siz, tinawag ko na rin silang mommy at daddy) kasi daw natutuwa siya na kahit papaano ay hindi ko pa rin sila tuluyang nakakalimutan.

Yun lang hehe

Tapos eto nga, habang kumakain ay masaya kaming mag ku-kuwentuhan, syempre ako nag ku-kuwento mga siz. Kinukuwento ko kung ano ang mga nangyari sa akin sa mga nakalipas na taon.

Masaya lang kaming naguusap-usap ng biglang makarinig kami ng sigaw sa labas.

"ARIES! ARIES SUMAGOT KA!"

"NASAAN SI ARIES!? ILABAS NYO SIYA! ILABAS NYO ANG PINSAN KO! ARIES! HUHU"

Dali-dali kaming tumayo at lumabas ng bahay and guess what?

Nakita namin na nagwawala ng parang baliw (wala ng parang,parang! Baliw talaga s'ya!) si ate kira.

Hidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon