Chapter 6

43 10 0
                                    

Aries POV

Masama man ang aking pakiramdam ay pinilit ko pa ring bumangon nung narinig kong tumunog ang aking alarm.

Habang nagbibihis ako ay napatingin ako sa salamin doon ay nakita ko ang pamamaga ng aking mga mata dulot ng walang tigil kong pagiyak kahapon. Hindi ko pa rin lubos na maisip na wala na ang aking momma.

"Ma, Pa aalis na po ako" Palabas na sana ako sa pintuan ng biglang magsalita si mama.

"Aries anak, halos sampung taon ka ding hindi nakasama ng tunay mong pamilya. Sana naman ay pumayag ka na sa hiling nila na makasama ka." Ilang minuto akong nakatayo sa tapat ng pintuan bago dahan dahang tumango at agad ng naglakad papunta sa school.

~~~~~RECESS

"Aries! Tara na, magrecess na tayo!" Sigaw ng mga kaibigan ko ngunit hindi ko sila pinansin.

"Sige na, mauna na kayo. Kakausapin lang namin itong si aries." Narinig kong sabi nina dandan at vivs sa iba pa naming kaibigan. Nang makaalis ang iba ay agad na tumabi sa magkabilang gilid ko ang dalawa.

"Aries kung may problema ka magsabi ka lang, hindi yung ganito ka. Ang tahi-tahimik mo mula pa kaninang umaga, ano bang problema?" Saad ni vivs habang niyayakap ako ng mahigpit.

Nakakainis! Bakit ba naman kasi ganito sila. Naiiyak na naman tuloy ako.

"Oo nga, bakit?" Pagsingit ni dandan

"K-kasi.." Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanila na ampon lang ako o hindi. Natigil ako sa pag-iisip ng pinolosopo na naman ako ni dandan.

"Pwet mong may raket" Arghhh! Lagi na lang niya akong nabibiktima.

Tiningnan ko s'ya ng masama. "Danice wala ako sa mood makipagbiruan ngayon. Please kahit ngayon lang, be serious." Nakita ko kung paano siya natigilan habang si vivs naman ay napailing na lang. Alam kasi nila na kapag tinawag ko na sila sa tunay nilang pangalan ay seryoso na talaga ako.

"Joke lang naman. Ano bang problema? Sabihin mo sa amin ng walang halong kasinungalingan. Alam namin kapag nagsisinungaling ka kaya dapat purong katotohanan lang ang sasabihin mo." Saad niya habang seryosong nakatingin sa akin at mukhang handa na ring makinig ng mabuti katulad ni vivs.

Tumingin muna ako sa aming paligid baka kasi marinig ng iba. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makitang busy silang lahat sa pag kwe-kwentuhan.

"K-kasi... ampon lang ako." Nagkatinginan naman ang dalawa bago sabay na humalakhak.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA" Sabay pa silang napahawak sa kanilang mga tiyan pero agad ding napatigil ng makita nilang umiiyak na ako.

"S-seryoso?"
"Walang halong biro?Paano nangyari 'yon?" Halos sabay nilang pagtatanong.

"K-kahapon lang. N-nagpunta yung mga tunay kong m-magulang sa amin, k-kaya ko nalaman ang l-lahat." Nahihirapan man ay pinilit ko pa ring ikwento sa kanila ang mga pangyayari kahapon as in LAHAT ng mga nangyari kahapon.

Habang nag kwe-kwento ako ay nakayakap lang sa akin ang dalawa habang nakikinig ng mabuti.

"Naiintindihan ko yung nararamdaman mo aries. Masakit talaga mawalan ng minamahal sa buhay. Iiyak mo lang yan kasi kapag lalo mo pang pinigilan ang mga luha mo mas masakit ang mararamdaman ng puso mo." Mas humigpit ang yakap sa akin ni dandan. Siguro naaalala niya ang kanyang papa.

Malaki ang pasasalamat ko na nakilala ko ang mga kaibigan ko.

Pagkatapos ng limang minuto ay nakalma ko na rin ang sarili ko.

"So anong naging desisyon mo? Sasama ka ba sa kanila?" Pagtatanong ni vivs.

Buong magdamag ko din itong pinag isipan. "Oo, sasama ako sa kanila. Kung tutuusin din naman kasi ako ang may kasalanan kung bakit kami nag kahiwalay ng halos sampung taon at isa pa, gusto ko ring puntahan ang puntod ni momma."

Agad namang nalungkot ang dalawa. "Paano na yan? Malalayo ka na sa amin. Edi lilipat ka na din ng school?" Natawa naman ako sa sinabi ni dandan.

"Baliw! HAHAHAHA! Hindi naman ako lilipat ng school eh kasi sabi nila meron daw silang pinagawang bahay dito kaya ayun, stay pa rin ako dito. Di ko kasi kayang mahiwalay sa inyo eh yiiieh hahaha" Sunod sunod naman nila akong binatukan.

"Gaga! Ba't di mo agad sinabi!?"

"So kailan ka daw nila susunduin?"
Oo nga pala. Thursday na ngayon ibig sabihin sa isang araw na ako aalis slash maglilipat bahay.

"Sa sabado." sagot ko sa kanila.

"AGAD!?" Napatayo pa silang dalawa sa gulat. Tange ba sila? Andyan na kaya si Sir Ligaya!

Hmm na lang ang sinagot ko kasi nakikita kong umuusok na naman si sir sa galit. Lagot kayong dalawa hahaha!

"Danice! Vivyan! Gusto n'yo bang kayo na lang ang magturo dito sa unahan?" Sigaw nito habang pulang pula na ang buong mukha.

"S-sorry sir, m-may gagamba po kasi sa ilalim ng upuan namin, diba danice?"

"O-opo sir, tama po si vivyan!"

Sus mga palusot niyo! HAHAHAHA!

~~~~~~~~

Sabado na ngayon, ibig sabihin kailangan ko ng tumira kasama ang mga tunay kong magulang.

*Tok Tok*

Dali daling binuksan ni mama ang pinto nung marinig namin ang katok.

"O austin, ikaw pala yan. Pasok ka." 

"Hi tita.Susunduin ko lang po sana si aries."

"Aries! Alam kong naririnig mo ako, nandito na ang kuya mo."

Tumayo na ako habang dala dala ang isang bag na may lamang mga damit na sapat na para sa isang linggo.

"O? Bakit kokonti lang ang dala mo?" Kinuha ni mama sa akin ang bag ko at lalagyan na sana ng mas marami pang damit pero pinigilan ko s'ya.

"Ma naman! Hindi naman po ako mangi-ngibang bansa tsaka malapit lang naman po yun dito pwedeng pwede po akong umuwi at kumuha ng gam-- ARAY! MA NAMAN EH!" Hinipo ko ang tenga kong piningot ni mama.

"Ikaw talagang bata ka! Ang tig--"

"Ehem" Sabay kaming napatingin ni mama kay Mr. Austin ng bigla itong mag ehem.

"Pasensya ka na Austin ha, ito kasing kapatid mo eh ang tigas tigas ng ulo." Ngumiti naman ito at nagsalita.

"It's okay tita. Matigas na talaga ang ulo n'yang si aries since mga bata pa lang kami-" ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi sa kanyang sinabi "-Gusto ko lang po sabihin na may mga damit na naman po siyang nakahanda sa bahay kaya okay lang kung kokonti lang ang dalhin n'ya."

"Ganon naman pala eh. O sya sige na lumakad na kayo. Baka hinihintay na kayo ng magulang niyo" Tinulak tulak pa ako ni mama palabas ng pinto.

"Ma wait lang!" Agad akong humarap kay mama at niyakap siya ng mahigpit. "Mahal na mahal po kita, kayo po ni papa. Thank you po sa pagaalaga nyo sa akin." Pagkasabi ko non kay mama ay hinalikan ko sya sa pisngi katulad ng lagi kong ginagawa noon.

"Asus! Ikaw talagang bata ka. Mahal na mahal ka din namin ng papa mo. Wag mong kakalimutang yakapin at i-kiss din ang tunay mong magulang." Tumango na lang ako at patakbong pumunta sa tabi ni Mr.Austin.

"Let's go?"

Hidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon