Chapter 9

22 5 2
                                    

Aries POV

Pagkaalis ni ate kira,I mean pagkahatid ni kuya Austin kay ate kira ay agad akong humiga sa kama.

Ano? Bakit hinatid? Kilala niyo naman 'yong si ate kira, masyadong madiskarte. Ngiting tagumpay nga ang luka nung palabas na sila ng bahay.

So, heto na nga. Habang nakahiga ako ay binalikan ko lahat ng mga nangyari sa loob ng dalawang linggo.

Una, may mga taong dumating at nagpakilala bilang tunay kong pamilya.

Pangalawa, nalaman ko na namatay ang momma ko.

Pangatlo, umalis ako sa bahay na kinalakihan ko at lumipat sa bahay na kasama ang tunay kong pamilya.

Natigil lang ako sa pagbabalik tanaw ng biglang tumunog ang cellphone ko. Isang message galing kay ate kira.

  Darkira
Uy bes, gala tayo bukas?

  
                                       Aries
                  Ay bet! Kaso magpapaalam    pa ako kina mom at dad.

Darkira
Wow! mom at dad, naol. Edi sabihin mo na lang kasama mo naman ang kuya mo!

                                    Aries
                    Lol hahaha. Kasama si kuya?

Darkira
Syempre!
I mean, para payagan ka saka
u know para maka-bonding mo din ang kuya mo.

                                           Aries
                 Maka-bonding ko? O maka-bonding MO?

Darkira
Both hehe.

                                             Aries
                      Ikaw talaga! Sige na nga, magpapaalam na ako.

Darkira
Sige, sige. Goodluck!

Nilagay ko ang cellphone ko sa loob ng aking bulsa at huminga ng malalim bago dahan-dahang kumatok sa pintong nagdudugtong sa kwarto namin ni kuya Austin.

*tok tok*

"Come in!" Rinig kong sigaw ni kuya mula sa kabilang silid.

Umupo agad siya ng ayos nang makita ako.

"Hmm yes? Is there something that you need or you want? Are you hungry? May masakit ba sayo?"

Sunod sunod niyang tanong na nagpatawa sakin.

"Oa mo naman kuya. Wala naman po akong kailangan saka wala pong masakit sa'kin. Malakas kaya ako!"

Para naman siyang batang nakahinga ng maluwag sa sinabi ko. Bigla na lang siyang ngumiti.

"It is good to see you laughing again, Aries. 10 years without you, i'm completely lost. It feels like, half of my soul died." Niyakap niya ako ng mahigpit. "Please don't leave us again Aries, my little princess." Hindi ko na napigilan ang mga luha ko ng marinig ko ang mahihinang hikbi ni kuya.

Nakakainis naman siya. Magpapaalam lang naman ako, bakit nauwi sa iyakan?

Niyakap ko na rin si kuya austin at umiyak sa kanyang dibdib.
"H-hindi na ako ulit aalis, h-hindi k-ko na ulit kayo iiwan. Pangako ko yan, kuya."

Pareho kaming natawa ng makita ang aming mga mukha na basang basa ng luha. Umayos ako ng upo at sinabi kay kuya ang dahilan kung bakit ako pumunta dito.

"Btw kuya, gagala kami ni ate kira. Gusto mo bang sumama?"

"Gala? where?" Saan nga kaya? Alam ko na!

Hidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon