Chapter 5

50 13 0
                                    

Aries POV

Kaya pala kapag humihingi ako ng baby pictures ko sa kanila ay wala silang maipakita. Lagi na lang nilang sinasabi na meron daw pero hindi lang nila matandaan kung saan nakalagay. Ang lagi lang nilang naipapakita ay yung mga pictures ko mula nung 5 years old ako.

Pagkatapos mag kwento ni Mr. Millcon ay agad ding nag salita si papa.

"10 years ago ay nagpunta din kami sa simbahan ng mama mo. Ayoko nga sana pumunta dahil kabuwanan na n'ya kaso mapilit talaga ang mama mo kaya napapayag din niya ako. Pagkatapos na pagkatapos ng misa ay agad din kaming lumabas para sana umuwi kaso may nakita kaming batang babae na umiiyak sa tabi ng kalsada. Nilapitan namin ang bata at agad tinanong kung bakit ito umiiyak. Sabi nya "Yung parents ko po huhu, di ko po sila makita" akala ko nga nung una english speaking kasi mukha s'yang taga ibang bansa sa sobrang puti pati na rin ang kanyang brown na mga mata. Sasamahan ka na sana namin para hanapin ang magulang mo kaso biglang sumakit ang tiyan ng mama mo. Manganganak na daw sya kaya agad namin syang dinala sa hospital. Hindi naman namin kaya na iwan ka lang doon sa tabi kaya isinama ka na lang namin. Pagkatapos ng isang linggo ay nakalabas na din ang mama mo sa hospital kasama ang bagong silang na si shiro. Pagkalabas din nilang iyon ay sinamahan na kitang hanapin ang magulang mo ngunit lumipas ang ilang linggo ay hindi pa rin natin sila mahanap kaya napag desisyunan na lang naming mag asawa na amponin ka." Prinoseso ko muna lahat lahat ng kanilang sinabi sa utak ko bago muling humarap sa mag-asawang Millcon.

"Hinanap naman po pala namin kayo pero bakit wala po kayo? Akala ko po ba pinahanap nyo ako?" Pagtatanong ko sa kanila.

Nagkatinginan muna sila bago tumingin sa akin ng may bahid ng lungkot sa kanilang mga mata.

"Isang buong linggo ka naming hinanap, nagpabalik balik kami sa simbahan sa pagbabaka sakaling makita ka namin doon na naghihintay pero hindi ka talaga namin nakita. Kaya naisipan na lang namin na sabihin ito sa buong angkan ng mga Millcon. Sa sobrang pag aalala ng aking mga magulang ay agad nilang napag desisyunan na pumunta dito para sumama sa paghahanap sa iyo pero... an unexpected accident happened th--" Agad ko ng pinutol ang iba pang sasabihin ni Mr. Millcon at tiningnan s'yang mabuti sa mga mata.

"Straight to the point Mr. Millcon ayoko na sa mga paligoy ligoy mong eksplanasyon. So ang point nyo po kung bakit kayo tumigil sa paghahanap sa akin ay?"

"Your Momma died." Hindi ko alam kung bakit pero pagkatapos niyang sabihin ang tatlong salitang iyon ay bigla na lamang tumulo ang aking mga luha, kahit anong pagpigil ko para pigilan ito ay sunod sunod pa rin sila sa pagpatak.

"M-my Mo-momma? A-ano pong--" Nangangatal ang boses kong pagtatanong pero agad ding napatigil nang biglang may mga alaalang biglang pumasok sa aking isip.

Flashback

"Baby aries! Nandito na ang maganda mong momma" Masiglang sigaw ng isang matandang babae na si Madam Czech.

"Mommmmaaa!" Sigaw ng batang si aries. Ang nagiisa nilang babaeng apo.

Agad na sinalubong ng batang aries ang kanyang momma at mahigpit itong niyakap. Masasabi talaga nating close na close ang mag lola dahil sa tuwing wala ang mga magulang nilang kambal ay sila madam czech at ang asawa nitong si chairman solomon.

"Momma asan po si lolograndpa?"
Pagtatanong ng batang aries sa kanyang lola. Eksakto din naman na kakapasok lang ni chairman solomon sa pinto.

"Ano ka ba naman aries, diba sabi ko wag mo na akong tatawaging lolograndpa. Mas nagmumukha akong matanda, may lolo na nga may grandpa pa." May pakamot pa sa ulong sabi nito. Agad naman siyang pinagtawanan ng kanyang asawa.

"Gurang ka na naman talaga eh hahahaha tingnan mo ang tawag niya sa akin "momma" mukha pa daw kasi akong bata hindi tulad sayo uugod ugod na" Pang aasar pa nito sa kanya. Wala namang nagawa ang chairman kundi ang magtampo tampuhan. Napansin din naman agad ito ni aries kaya agad niyang nilapitan ang kanyang lolograndpa at niyakap din ito ng mahigpit.

"Huwag ka na po malungkot lolograndpa, kahit naman po matanda ka na pogi ka pa rin naman po eh" Paglalambing niya sa kanyang lolo.

"Hmmp! Okay na sana yung pogi pero bakit may matanda pa sa unahan? Manang mana ka talaga d'yan sa lola mo. Magsama kayo dyan kay austin na lang ako. Hindi ko na kayo bati!" Pagiinarte pa ng matanda.

"Btw asan ba si austin?" Pagtatanong pa niya.

"I'm here lolo." Pag sagot naman ng batang austin na pababa ng hagdan at halatang bagong gising lamang. Agad namang nagliwanag ang mukha ni chairman solomon at agad na kinausap ang kanyang apong lalaki.

"See? Buti pa si austin. Austin apo why dont you try to call me poppa?"

"No, i can't lolo" Agad namang pagtanggi ng kanyang apo.

"At bakit naman?"

"Because you're already old" Agad namang nalukot ang mukha ng chairman dahil sa sinabi ng apo at mas lalo pang bumagsak ang kanyang mukha nung narinig niya ang malakas na paghalakhak ng kanyang asawa at apong babae na para bang inaasar siya.

end of flashback

Mas lalo pa akong napaiyak nung sunod sunod na pumasok sa aking isipan ang aking mga alaala kasama ang aking momma.

"M-momma huhu m-momma ko. B-bakit hindi mo a-ako hinintay? B-bakit m-mo ako iniwan?" Mas lumakas pa ng lumakas ang iyak ko nung mag sink-in sa akin na wala na talaga siya. Wala na ang momma ko.

Hidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon