Chapter 8

36 8 2
                                    

Hi to miss LadyLeigh123 thank you for supporting my story:)

Aries POV

Pagkabukas ng gate ay mabilis na naglakad si ate kira, habang nakabuka ang mga braso na parang nanghihingi ng yakap.

Sa pagaakalang ako ang yayakapin ay agad ko ring binuka ang aking mga braso, pero laking gulat ko ng nilampasan niya ako at ang niyakap ay ang taong nasa likuran ko na walang iba kundi si KUYA AUSTIN!

Gaga talaga itong babaeng 'to. May pagsigaw sigaw pa ng ilabas si aries pero iba naman ang niyakap.

"Huhu, bakit umalis ka ng hindi man la'ng nagpapaalam sa'kin? Akala ko mahal mo ako?" kitang kita namin kung paano natigilan si kuya Austin at halatang hindi alam ang sasabihin o gagawin dahil sa pagkabigla.

"Ehem! Ate kira nandito ako." Nagkunwari pa siyang nagulat at nag sorry kay kuya.

"Ay pasensiya ka na, akala ko ikaw si Aries. Magkamukha kasi kayo e hehe"

Lumapit sa akin si ate kira at yumakap habang pasimpleng bumubulong sa tenga ko "Istorbo ka talaga kahit kailan"

~~~~~~~~~~~~~

Pagkatapos ng mga kabaliwang nangyari kanina ay umakyat na ako sa kwarto ko kasama si ate kira. At ang gaga tuwang tuwa kasi nalaman na magkatabi lang ang kwarto namin ni kuya austin at ang pinaka nakakatuwa pa daw ay may pintong nagdudugtong sa kwarto namin. Siguro may pinaplano na naman 'tong babaeng ito.

"Oh sige na siz, i-chika mo na lahat ng nangyari." pangungulit niya sakin. Kaya no choice, kahit tinatamad ako magsalita ay kinuwento ko pa rin sa kanya ang lahat.

"YIIIIEEE! ANG SWERTE SWERTE MO ARIESSS! MAY KAKAMBAL KANG POGIII!" kinikilig na sigaw niya habang may palundag lundag pa.

"Shh! Hinaan mo boses mo, nandyan lang sa kabila si kuya."

"Sorna. Sooo ano daw plano? Aalis kayo? Uuwi na kayo? Lilipat ka na ng school?" sunod sunod na tanong niya.

"Nopeee! Sinabi ko kasi sa kanila na kung pwede ay dito ko na tapusin ang junior high soo dito ako hanggang makapag tapos ako ng grade 10. Pero next week pupunta kaming manila kasi dadalawin namin si momma at ang buong pamilya raw." Bigla namang nag ningning ang kanyang mga mata na parang may maganda akong nasabi.

"Wow! Siguro marami kang mga pinsang pogi saka may lahi. Siz, alam mo na ha" pangiti ngiti pa siya sakin. hayst.

"Luka ka talaga. Sandali nga, kukuha muna ako ng mangangata natin habang naguusap." tumango tango siya na parang nagsasabi ng 'sige sige gusto ko yan' masiba talaga.

Kira's POV

Ano ba 'yan ang tagal naman niya. Ihing ihi na ako! Hindi ko pa naman alam kung saan ang cr niya dito sa kwarto ang dami dami kasing pinto.

Di ko na talaga kayaa! Tumakbo ako sa pinakamalapit na pinto sa akin pero laking gulat ko ng mapagtantong kwarto iyon ni Austin! Omyghad!

This is it! Gahasain ko na kaya siya? Chour! Umatras ako at sinarado ng kaunti ang pinto pero may konting awang pa rin ito na sapat na para makita ko ang loob ng kwarto niya. Nang makitang wala siya ay dumiretso ako sa loob at inilibot ang tingin sa buong kwarto niya. Wow!

Ang linis ng kwarto niya, daig pa ang babae. In short, daig pa ako. Napansin ko din na halos lahat ng gamit niya ay kulay asul. Hehe may nadagdag na naman akong kaalaman tungkol sa kanya.

Agad akong nagtago sa gilid ng kama niya ng marinig ko ang papalapit na yapak.

"No, we will stay here for the mean time." Huh? Ano raw?

"Aries wants to finish her high school here so I decided to transfer in her school and finish my studies there too." Transfer? Mag t-transfer siya!

"Yes,after that we're going back in manila and -- what are you doing there?" Hala shet! Nahuli ako!

"Ah eh... kasi.... sabi ni aries kung may mga pictures ba daw kayo noong bata pa kayo? Gusto raw kasi niyang makita hehe."

Maniwala ka sana, maniwala ka sana..

"Uh yes. I have one album here, wait i'm going to get it." Hahaha yes! Pero wait!

"Ah A-austin!" Tawag ko sa kanya.

Lumingon naman siya at nagtataka akong tiningnan.

"Yes?" Ang mga nagtatanong niyang mata ay nakatutok sa akin. Ano ba yan! Lalo tuloy akong naiihi sa titig niya.

"Ah k-kasi, pwede bang maki-ihi? Kanina pa talaga kasi akong ihing-ihi e. Please?" Nagpa cute pa ako sa kanya. ihh kasiii! Malay niyo ma-fall sakin, yiiiie kinikilig akooo!

"Yeah,sure. Just go to that door and do your business while im getting the album."

Dali dali akong tumakbo sa pintong tinuro niya at inilabas lahat ng tubig na kailangang ilabas. Infairness, pati cr ang linis at amoy yummy pa! I mean, amoy austin.

Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nakasandal si austin sa pader na mukhang iniintay ako. Nang makita akong lumabas ay pinakita niya sa akin ang photo album na hawak niya.

"This is the only album that i brought. Btw where is aries? I want to tell her every story behind our pictures." Konti na lang talaga ay dudugo na ang ilong ko sa kaka-english niya. Buti na lang krass ko siya, kung hindi baka naha--- nahalikan ko na siya.

Sh-t, i mean nahampas ko na siya hehe.

"A-ah kumukuha lang ng pagkain pero siguro pabalik na siya ngayon. Tara sabay na tayo pabalik sa kwarto niya." Tara sabay tayong mahulog sa isa't isa.

Epal talaga 'tong isip ko. Pero pwede naman!

Tumango siya at binuksan ang paborito ko ng pinto ngayon papunta sa kwarto ni aries.

Sakto naman na bubuksan din sana ni aries ang pinto at mukhang nagulat ng makita ang kakambal niya sa kanyang harapan.

"Tatanong ko lang po sana kung nandyan si ate kira kasi pagbalik ko wala na siya dito at mukha namang --

sinilip niya ako at binigyan ng mapanghusgang tingin. Para namang ginahasa ko ang kuya niya ah!

-- tama ang hinala ko"

"Uh yeah. Sabi niya pinapatanong mo daw kung may mga pictures ba dito noong mga bata pa tayo.And here, I brought this one."

Tumango si aries at pinapasok na si austin sa kwarto niya. Nang dadaan na ako sa harap niya ay pasimple pa niya akong binulungan.

"Anong ginawa mo doon teh? Ikaw ha." Binigyan pa niya ako ng malokong ngiti.

"Besh chika ko sayo later, sa ngayon tingnan na lang muna natin mga pictures ni austin ay este pictures niyo."

-----
Thank you po sa cute kong kaklase na nag-edit nito. Thank you ng sobra Darling!

Hidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon