Chapter 3

54 15 2
                                    

Aries POV

Pagkarating ko sa taas ay nagaabang na sa akin si ate kira na may nagtatakang mukha.

"O bakit ganyan ang expression mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Kasi... sa inyong bahay dumiretso yung sinabi ko sayo kanina. Baka kaibigan ni tita?" Ha? Paano naman mangyayari 'yon?

"Eh? Impossible naman yun. Kilala ko naman halos lahat ng kaibigan ni mama eh at wala naman akong nakikilalang kaibigan nya na mayroong limousine. Tsaka alam mo ba na nakita na namin yang sasakyan na yan kanina malapit sa palengke?"

"Talaga? Paano? Bakit?" Sunod sunod na tanong nya. Agad ko namang kinuwento sa kanya ang mga nangyari habang naglalakad kami pauwi sa bahay.

"Pauwi na kasi kami non nina vivs at dandan. Syempre habang naglalakad nagkukwentuhan na naman kami, sa sobrang pagkabusy namin sa paguusap di namin namalayan na nasa gitna na pala kami ng daan hanggang sa ayon may nag busina ng malakas tapos nakita nga namin yung limo. Muntikan na kami mategok kanina hahahahaha ang epic nga eh. Ang dami pa namang nakakita."

Pagkarating sa tapat ng bahay namin ay napansin agad namin ang kakaibang aura dito. Pero charot lang haha tahimik lang ang bahay namin at kung papakinggan mo talaga ng mabuti, parang may mga taong seryosong naguusap sa loob. Tsaka sino ba 'tong dalawang lalaki na nakabantay sa labas? Akala mo naman may gintong kailangan bantayan sa loob ng bahay namin eh. Pero infairness ha, maitsura naman sila tapos malaki din ang katawan.

"Psst ate kira, sa tingin mo bodyguard kaya sila?" Bulong ko kay ate kira.

"Hmm base sa tindig nila pati na rin sa laki ng katawan nila, oo sa tingin ko bodyguard nga ang dalawang 'yan tsaka tingnan mo oh, nakauniform din sila ng pang bodyguard." May pa tango tango pa sya habang nagsasalita. Detective lang ang peg?

" Tara na nga, para makita na natin yung poging sinasabi mo." Sabi ko habang hinihila sya papasok sa bahay pero bigla kaming pinigilan nina kuyang bodyguard.

"Bawal po kayong pumasok" sabi ni kuyang may peklat sa pisngi.

"Nakakaloka naman pala itong dalawang 'to ate, ayaw tayong papasukin eh bahay naman namin ito." Naiirita kong pagsusumbong kay ate kira.

"Baka kailangan ipakita mo i.d mo? Diba ganon naman No I.D No Entry"

"Oo nga! Ang galing mo talaga ate!" Masayang saad ko sa kanya. Agad ko namang hinanap sa bag ko ang i.d ko at agad itong inabot sa kuyang may peklat sa pisngi.

"Oh eto na kuya! Di mo naman agad sinabi sa akin na kailangan ko ipakita i.d ko."
Agad n'ya naman akong tiningnan ng may pagtataka. Samantalang yung isa pang kuyang bodyguard na nasa tabi niya ay matawa tawa pa akong tiningnan at ipinaliwanag kung bakit hindi kami pwede pumasok kasi nga yung kuyang may peklat ay nagtataka pa rin kung bakit ko iniabot ang i.d ko kaya ayon, natulala na lang siya.

"Ganito po kasi 'yon miss, may importante po silang pinaguusapan sa loob kaya po hindi muna kayo pwedeng pumasok" Mahinahon pero natatawa pa ring sabi nung isang bodyguard.

"Pero---" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin ng biglang may nagsalita galing sa loob ng bahay.

"No, it's okay red. Papasukin mo na sila" sabi nung mister na medyo familiar yung mukha sa akin. Saan ko nga ba sya nakita? Ewan ko sumasakit ang ulo ko pag iniisip ko kung saan ko sya nakita.

Doon lang din namin na realize na kanina pa pala sila nakatingin sa amin. Yung mister na nakangiti, yung lalaki na mahinang tumatawa. Siya siguro yung sinasabi ni ate kira, pero bakit... magkamukha kami? Aray ko huhu lalong sumasakit yung ulo ko kapag tinititigan ko sya kaya tiningnan ko na lang yung ginang na katabi nung mister na nagsalita kanina. Para syang naiiyak habang nakatingin sa akin, hindi ko alam pero parang habang tinititigan ko sya ay bigla na lang akong nakaramdam ng pangungulila sa isang ina kaya agad kong nilingon ang kinauupuan nina mama at papa na ngayon ay nakatingin din sa akin ngunit may lungkot sa mga mata nila.

~~~~~~
"Meeting again after 10 long years"

Hidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon