Chapter 1

97 19 0
                                    

Aries POV

Agad akong bumangon nang marinig ko ang tunog ng alarm ko. 4:30 na potek! Malelate ako neto, wala pa naman akong nagagawang mga assignment lagot! Dali dali akong nagpunta sa banyo at naligo.

Habang naliligo ay magpapakilala muna ako. Ako si Ariesteia Santiago 14 years old at isang Grade 9 student. May mama at papa ako syempre, meron ding 2 nakababatang kapatid na lalaki. Ang bunso namin ay 1 taong gulang pa lamang. O hanggang dyan na muna ha? Baka tuluyan pa akong ma-late eh.

Pag katapos kong maligo at magbihis ay dali dali kong kinuha ang cellphone ko habang nagsusuklay at  tiningnan ang oras. 5 AM buti na lang...

"5 pa lang ah? Bakit bihis ka na agad?" Tanong ni mama habang naghihilamos ng mukha.
Lagot ako neto pag nalaman ni mama na wala pa akong nagagawang assignment. Isip aries mag isip ka ng dahilan. Alam ko na!

"May kailangan pa po kasi kaming tapusin sa room kaya po kailangan maaga pong pumunta sa school. Group activity po yun sabi po ng leader namin dapat daw po 5:30 nandoon na para ma tapos po namin bago mag 6."  Mabilis kong paliwanag kay mama habang kunwari ay nagmamadali talaga ako.

" Ah ganon ba? Sige kumain ka na para makapunta ka na agad sa school" YES! Buti na lang talaga nakapag isip agad ako ng dahilan.

"Sige po" Pagkatapos kumain ay agad na rin akong umalis at pumasok sa school.

Pagkarating ko sa school ay mabilis pa sa alas kwatro akong tumakbo papunta sa room. Agad kong nilapitan si gummy bear para mag tanong kung may assignment ba sya.

"Gummy Bear! May assignment ka?" Tumango si gummy bear.

"Oo meron."

"Pagaya ako. Hindi na naman ako nakagawa dahil nakatulog agad ako kagabi eh" Napailing na lang si gummy bear.

"Lagi ka namang walang assignment eh, wag ka na mag dahilan pa. Ang sabihin mo na lang ay tinamad ka na naman kaya wala kang nagawa." Napakamot na lang ako sa ulo ko  dahil totoo naman ang sinabi n'ya. Tamad talaga ako hehe.

Pagkaabot nya sa akin ng notebook nya ay agad akong pumunta sa upuan ko at dali daling kumopya ng mga sagot. Napansin ko na solo na naman ulit ako sa linya ng upuan namin mukhang male-late na naman sina Dandan at vivs ah. Lagi na lang silang late, buti na lang laging maagang pumasok si gummy bear meron tuloy akong nagagayahan.

Eksaktong 6 ako natapos sa panggagaya at eksaktong 6 din  pumasok ang adviser namin. Hays wala pa rin sina vivs ano ba yan ang boring. Pagkalipas ng 5 minuto ay magkasabay na dumating sina dandan at vivs. Nandyan na ang mga late! Mabuhay!

Nginitian ko sila ng malaki na may halong pang aasar.

"Akala ko ay nilipad na kayo ng hangin eh. Late lang pala" Natatawa kong sabi sa kanila pagkatapos nilang makaupo sa magkabilang gilid ko.

"Halos lumipad na nga ako sa sobrang pagmamadali sa pagtakbo. Ang bagal kasi ng kapatid kong kumilos kala mo ay babae eh" Hinihingal na saad ni vivs.

"Dapat sumigaw ka ng dudong ang bato.. Darna! edi sana nakalipad ka talaga"  Natatawang sabi ko kay vivs dahil dudong naman talaga ang tawag nya sa nakababatang kapatid. Kay dandan naman ako humarap at dali dali na naman syang inasar.

"Oh ikaw dan? Napatagal ka na  naman siguro sa pagpapahid ng liptint sa pisngi mo 'no? Kaya ka na naman late sabi na kasing wag ka ng magpapaganda pa kina kino at josh eh." Nangaasar na saad ko sa kanya. Tiningnan nya ako ng may halong kunwaring pandidiri sa kanyang mukha.

"Adik hindi ah! Wala kasi si mama kaya 5 na ako nagising." Pagdadahilan nya.

"Asus nagdahilan pa! Ayaw pang umamin hahaha" Patuloy kong pangaasar sa kanya.

"Oy hindi nga! 12 na kasi ako nakatulog kagabi dahil nagbasa pa ako ng story. Nakakaiyak pa naman 'yon." Binigyan na lang namin sya ni vivs ng nangaasar na ngiti at patuloy namin s'yang inasar.

Natigil lang kami sa pagaasaran nang magsalita ang adviser namin.

"Good morning class!"

Hidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon