Chapter 2

54 19 0
                                    

Aries POV

"Okay so dahil time na, bukas na lang natin itutuloy ang ating lesson. Goodbye Class!" Sabay sabay kaming tumayo at nagpaalam.

"Thank you and goodbye Maam Tiago!"  Sinukbit ko agad ang bag ko sa aking mga balikat at kaagad na nagtungo kina vivs.

"Oy pasabay ako ha? Hindi kasi ako susunduin ni papa ngayon kasi busy ulit sya. Sa palengke ba ulit kayo dadaan?" Habang nagsasalita ako ay agad na akong kumapit sa mga bag nila. Mahirap na baka mawala na naman sila sa paningin ko, nakakatakot pa naman maglakad mag isa.

Sa sobrang pagka praning ko ay di ko na namalayan na huminto pala sa paglalakad ang dalawang luka na ngayon ay pareho akong binibigyan ng 'nasisiraan ka na ba ng ulo' look.

"Nakakatakot? Kaya pala pag busy ang papa mo at hindi ka maihatid ay maglalakad ka na lang papunta sa school kahit may pera ka namang kuripot ka." Di makapaniwalang saad ni vivs sa akin. Agad naman syang sinang ayunan ni dandan.

"Oo nga, tapos sa amin ka naman nagrereklamo na lumalaki na ang mga binti mo. Paanong hindi lalaki yan kung kuripot ka naman." Agad ko namang tinanggi ang mga paratang nila sa akin.

"Hindi kaya ako kuripot! Ang tawag kasi doon ay pagtitipid! Grabe naman kayo manghusga sa akin." Saad ko habang kunwari ay naiiyak ako. May papunas punas pa ako ng invisible tears ko.

"Umuwi na nga lang tayo. Baka mamaya hindi pa tayo palabasin ng guard eh. At ikaw naman Aries tama na nga yang kunwaring pagiyak mo nagmumukha kang Swan." Agad naman akong tumigil kuno sa kunwaring pagiyak at agad silang hinawakan sa magkabilang braso. Yehey hahahaha. Alam ko kasing babawi lang sila sa pangaasar sa akin kaya agad ko na silang pinigilan sa masama nilang plano. Galing ko diba? ;>

Habang naglalakad kami ay patuloy pa rin kami sa pag kekwentuhan. Kami pa ba? Di naman kami nauubusan ng paguusapan eh.

"Beeeep!" Napatalon kami sa gulat ng may biglang bumusina ng malakas sa likuran namin. Doon lang namin napagtanto na nasa gitna na pala kami ng daan. Shunga talaga namin hays.

"Sorry po!" Sabay sabay naming paghingi ng tawad sa harap ng sasakyan at mabilis na pumunta sa gilid. Pagkaalis namin sa pagkakaharang sa daan ay agad din namang umalis yung sasakyan.

"Limousine 'yon diba?" Narinig kong bulungan ng ibang estudyante na dumadaan. Doon ko lang napagtanto na isang mahabang sasakyan at mukhang pangmayaman nga ang muntikan ng makabangga sa amin.

"Woah, ngayon lang ako nakakita ng ganong sasakyan dito ah. Siguro mga turista yon." Humahangang saad ko sa dalawa. Tumango-tango naman ang dalawa at makikita mo rin sa kanilang mga mata ang paghanga.

Hindi pa rin mawala wala sa isip namin ang sasakyan kanina. Grabe ang ganda pala talaga non sa malapitan. Nang makarating kami sa palengke ay nagpaalam na rin kami sa isat-isa at nagtungo sa magkakaibang direksyon.

Mga sampung minuto pa bago ako makarating sa amin. Natatakot talaga ako pag mag isa na lang akong naglalakad kaya dali dali kong nilabas ang cellphone ko at tinawagan ang pinsan kong para ko na ring kapatid.

Kringg,kringg

Kring,kringg

"Hello?"

"Is it me your looking for~ charot hahaha pero oy pauwi na ako. Natatakot na naman ako. You know ang lonely sa daan."

"I know. Araw araw mo naman akong tinatawagan eh."

"Hehe sorna."

"So anong paguusapan natin?"

"Buksan mo na lang ang t.v! Tapos kwento mo sa akin. Para naman malibang ako habang naglalakad. ^,^"

2 minuto na ang lumipas pero wala pa rin syang sagot. Potek ano kaya ang nangyari sa kanya?

"Hello? Hello? Uy ate kira ano na? Sagot ka naman. Oyy!" Pagkalipas ng limang segundo ay nagsalita na rin sya.

"Oy bes may chika ako sayo!" Parang kinikilig pa ang gaga.

"O? Ano naman yon?"

"May magarang sasakyan na dumating dito,sa pagkakatanda ko limousine ang tawag doon. Tapos syempre nagtaka kaming lahat kung sino may ari non. Tapos maya maya may bumaba na mukhang mag asawa ang ganda't gwapo bessywap! Parang mga early 40's ang edad nila tapos sumunod sa kanila yung anak ata nila! Bes ang gwapo makalaglag panty ang datingan kyaah crush ko na sya." Halos sumigaw na sya sa kilig habang nagke kwento. Pero teka Limo? Yun ata yung sasakyan na muntikan na makabangga sa amin.

"Talaga? Sige wait lang! Nandito na ako sa may tulay malapit na me. Hintayin mo ako sa taas. Ibababa ko na ang tawag ha? Babye!" Pagpapaalam ko habang nagmamadali ng makauwi.

"Sige sige! Bilisan mo ha"  Pagkasabi nya non ay agad ko na ring pinutol ang tawag at mabilis na tumakbo.

Hidden Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon