Twenty Six

259 16 0
                                    

Minamaneho ko ang kotse ni Nolan pauwi sa Unit niya. We decided na 'wag na munang ituloy ang double date dahil sa biglaang pagatake ng sakit ni Nolan.

Thankfully, after niyang mainum 'yung gamot niya medyo humupa yung sakit na nararamdaman niya.

Ngayon naman ang kailangan naming isipin ay kung paano sisimulang sabihin kay Alonso ang nasaksihan niya.

Nakasunod sila sa'min ngayon gamit ang kotse ni Alonso papunta sa Unit dahil gusto niya malaman kung anong nangyayari. I wonder kung tinatanong na niya ngayon si Kass.

Pagdating namin sa condominium, pagpark ko ng kotse agad akong tumingin kay Nolan.

"Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong ko.

He smiled, weakly. "Mas mabuti na." Hinawakan niya 'yung kamay ko. "Pasensya na't pinagalala kita."

I shake my head. "Hindi mo kailangang humingi ng sorry my love. Ang importante, maayos na pakiramdam mo."

"Tama ka. Pero ngayon ang dapat ko naman isipin ay kung paano sasabihin 'to kay Alonso."

"Gusto mo ba ako na ang gumawa? Baka pagod ka na dahil sa nangyari kanina."

He shakes his head. "Ako na ang magsasabi. Mas maganda kung sa'kin manggagaling."

"Okay."

Sabay na kaming dalawa na bumaba sa kotse. Sakto naman ang pagdating nila Alonso at Kass.

Dumiretso din naman agad kami sa Unit ni Nolan. Habang na sa elevator kami kapansin-pansin ang pananahimik ni Alonso na talaga namang nakakapanibago.

Nang makarating kami sa Unit hinayaan naming dalawa ni Kass na magusap si Nolan at Alonso. Iniwan namin sila sa sala habang kami naman ay dumiretso sa kusina at do'n nalang muna nag stay.

"Tinanong ka ba ni Alonso kanina tungkol sa kung anong nangyari kay Nolan sa Mall?" Tanong ko kay Kass.

She nodded. "I told him na mas maganda kung si Nolan ang magsasabi sa kanya kesa sa'kin magmula."

"I see."

Ano kayang ginagawa nung dalawa? Nasabi na kaya ni Nolan? Ano kayang magiging reaksyon ni Alonso?

"Alam mo nang makita ko si Nolan na inaatake ng sakit niya hindi ko mapigilang kabahan at magaalala," Kass speaks kaya napatingin ako sa kanya. "Kung ako gano'n na ang naramdaman pa'no ka pa kaya?" She asked me na may pagaalala sa mga mata niya.

"Sa totoo lang sobrang nagaalala ako at natatakot. Pero hindi ko masyadong pinapakita kay Nolan 'yon dahil ayokong pati ako alalahanin niya pa."

"Paano kung atakihin siya ng sakit niya kapag magisa lang siya?"

"Sa araw-araw 'yan din ang kinakatakot ko."

For sure inatake na siya ng sakit niya kapag siya lang magisa pero hindi niya lang sinasabi sa'kin para hindi ako magalala.

Nakarinig kami ng footsteps papunta kung nasaan kami. Sabay kaming napunta ang atensyon do'n. Nakita namin silang dalawa. Ang mga mata ni Alonso ay mukhang kagagaling mula sa pagiyak nito.

Mukhang sobra siyang naapektuhan sa nalaman niya. Hindi na 'ko nabigla.

Lumapit si Kass kay Alonso. "Are you okay?" She asked him. Tumango lang si Alonso sa kanya bilang sagot.

Lumapit naman sa'kin si Nolan sinalubong ko lang siya ng yakap. Alam kong nahirapan siyang sabihin sa kaibigan niya ang tungkol sa sakit niya.

"Noelle, pilitin mo si Nolan na mag pa-admit na sa hospital." Alonso told me. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Nolan at tumingin sa kanya.

Bye Bye, My LoveWhere stories live. Discover now