One

3.5K 75 5
                                    

Nakayuko ako habang hinihintay na makarating ako sa tamang floor. Nasa elevator ako ng St. Agustin Hospital para bisitahin ang Mom ko na nagta-trabaho dito bilang isang Doctor. May plano kasi akong sabihin at ipagpaalam sa kanya.

Nag ring ang cellphone ko mula sa likod ng bulsa nitong pantalon ko. Kinuha ko 'to at tinignan kung sino ang tumatawag. It's my friend Kassidy.

"Hello?" I answered it.

"Noelle, may viral video si Nolan!" Pagbabalita niya. She's talking about the cutest guy in school. Nolan Cureg. Matagal nang may crush si Kassidy kay Nolan. I understand why, dahil gwapo talaga yung guy na 'yon. Masyado nga lang siyang isnabero para sa isang gwapo.

"Mmm. Tinawagan mo 'ko para lang sabihin 'yan?" I said without showing her my interest.

"Sobrang gwapo niya kasi sa video. I shared it on facebook, want to watch it?"

"Bakit ko naman 'yon papanuorin?"

"Basta panuorin mo nalang! Baka kapag napanuod mo 'yon magka-crush ka na rin sa kanya."

I rolled my eyes and i sighed. Im really not interested na panuorin 'yon pero I'm sure kukulitin niya akong gawin 'yon at hihingian pa niya ako ng opinyon.

"Fine, I'll watch it. Now stop calling me para mapanuod ko na."

"Okay!" She excitedly said 'saka niya binaba ang tawag.

Ini-open ko nalang muna ang Data ko 'saka ko binuksan ang Facebook ko. Hinanap ko yung video na shinare ni Kassidy mula sa nagngangalang Alonso.

Pinanuod ko ang video na tinutukoy niya. It's a short video of Nolan na may binabasa. I think wala siyang idea na kinukuhanan siya nung nag upload ng video na 'to. He looks really cool kaya naman pala napatawag agad si Kassidy sa'kin.

Biglang inagaw ng katabi ko ang cellphone ko na ikinagulat ko. Tinaas ko bahagya ang suot kong sumbrero at tinignan kung sino 'yon. Nanlaki ang mata ko nang makita kong si Nolan ito.

What is he doing here?

He watched the video also and i can tell na wala siyang idea na viral na siya ngayon.

"What the fuck?" He mumbled, glaring.

"Hey!" I called him. He looked down at me still glaring. "That's my phone!"

Bahagya siyang napatingin sa pisnge ko kung saan may malaking scar ako na nakuha ko noong second year highschool ako na ikinailang ko. Ayokong tinitignan ang scar na 'to. That's why i always preferred na nakayuko para hindi ito mapansin or minsan nag susuot ako ng face mask.

Inagaw ko sa kanya yung cellphone ko para makaiwas sa pagkailang ko.

Sakto sa pag-agaw ko ng cellphone nag bukas ang elevator. Agad na naglakad palabas si Nolan. Sumunod ako sa kanya dahil nasa same lang floor pala ang punta namin.

I continue na sumunod sa kanya not by intention kundi same ata talaga kami ng pupuntahan. I just watched him. Kinuha niya ang cellphone niya at mukhang may tinawagan. Nilapit niya ang cellphone sa tainga niya 'saka siya may kinausap.

"Alonso! May in-upload kang Video ko without my consent? What the fuck? Erase that! I don't care dude! Dapat wala na 'yan after one hour you understand? Just do it!" He ended the call. I can tell na frustrated siya kahit nakatalikod siya.

Huminto lang siya sa paglalakad nang makarating siya sa tapat ng office ng Mom ko. So, si Mom ang pakay niya dito, why?

Tumayo siya sa tapat ng pinto he was about to open it pero tumingin muna siya sa direksyon ko. He looks annoyed.

Bye Bye, My LoveWhere stories live. Discover now