Twenty Five

1K 37 14
                                    

It's weekend...

Nandito kami ni Nolan ngayon sa Unit para sulutin ang mga araw na magkasama pa kami.

Nagbabasa kami ng libro sa living area, magkatabi kaming nakaupo sa sofa habang nakasandal pa ang ulo ko sa balikat niya nang marinig kong nag ring ang cellphone ko.

Kinuha ko lang 'yon sa bag ko na nakalapag sa lamiseta. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at ang nakita ko ay si Kass.

“Hello?" I answered it.

“Hey! What are you doing now?"

“I'm with Nolan. Why?"

“Sakto! Gusto n'yo bang sumama sa'min ni Alonso? Mag double date tayo!"

I chuckled. “Napapadalas na ang pag date n'yo ni Alonso ah! Bakit hindi mo pa rin siya sinasagot? Alam mo bang umangal siyang mas naunahan pa namin kayo ni Nolan?"

“Una sa lahat, hindi pa niya 'ko tinatanong na maging kami! Pangalawa, wala talagang pangalawa! Sadyang hindi pa lang niya 'ko tinatanong. Pangatlo, papayag ba kayo sa double date o hindi?"

I just giggled then tumingin ako kay Nolan na bahagyang nakangiti habang nakatingin sa'kin. “Gusto mo raw bang makipag double date kela Kass at Alonso?"

He nodded. “Sige."

“Payag daw si Nolan." Sabi ko kay Kass.

“Good! Mag meet tayo sa Mall ng mga 3pm sharp!"

“Mmm. Okay!"

She ended the call.

“Makipagkita raw tayo sa kanila sa mall ng 3pm." I informed my love.

Tumingin siya sa wrist watch niya. “May dalawang oras pa. Ibig sabihin may dalawang oras pa para ma-solo kita."

I chuckled. “Kanina mo pa 'ko na sosolo."

Hinawakan niya 'ko sa kamay at pilit na pinaupo sa kandungan niya. “Bitin parin eh. Gusto ko araw-araw kang masolo."

Ipinatong ko ang mga braso ko sa balikat niya. “Kulang nalang sabihin mo na tumira nalang ako dito."

He chuckled. “Good idea!"

I just laughed, softly. Yumakap nalang ako sa kanya kaya iniyakap niya rin sa bewang ko ang mga braso niya.

“Hindi ka ba na bo-bore na kasama ako? Puro pagbabasa lang kasi ang alam ng boyfriend mo." He said.

“Nope! Never!"

“Really? Wala kasi akong idea kung paano maging isang boyfriend kaya kung may hindi ako nagagawa sabihin mo lang."

“Wala kang kailangang gawin. Ganitong yakap lang kita, masaya na 'ko. Sobra-sobra pa nga."

He chuckled. “Same!" Naramdaman ko ang paghigpit niya ng yakap sa bewang ko.

“I love you." He whispered.

I smiled. Despite sa nalaman niya sa nakaraan ko, hindi pa rin nagbago 'yung tingin niya sa'kin. He never judges me. Mas lalo akong na in love sa kanya dahil do'n.

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa kanya kasabay nang paghawak sa magkabilang pisnge niya.

“I love you too my love!"

Tumingin ako sa labi niya. Dahan-dahan kong inilapit ang labi ko sa labi niya 'saka ko siya hinalikan ng mabilis lang.

Tumitig siya sa mga mata ko nang seryoso. “Habang tumatagal lalo akong na i-in love sa'yo."

Bye Bye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon