Seven

1K 32 2
                                    

My first day as an intern went well.

Sa una kinabahan ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko pero salamat nalang at tinuruan ako ng mga señior ko. They're nice to me. I hope hindi lang sa simula.

As i go out at the building, i wear my face mask and cap. Naglakad ako papunta sa sakayan. In some weird reason, napatingin ako sa Café kung saan ko noon nakita si Nolan na nagbabasa and surprisingly nando'n muli siya... Nagbabasa. But this time ako naman ang unang nakakita sa kanya. Hindi pa niya ako napapansin kaya hindi ko na rin napigilan pagmasdan siya. Black really suited him. No wonder why Kassidy is so fascinated with him. He's really a good looking... guy, everyone will surely gonna agree with me.

He turned his head towards my direction. Our eyes met. Hindi ko na malaman kung saan ngayon titingin dahil nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Nakakahiya.

Nang ibalik ko ulit sa kanya ang tingin ko, hindi ko na siya makita.

"Noelle," Halos mapatalon ako sa bigla dahil hindi ko manlang namalayan na nakalapit na siya sa'kin.

I cleared my throat. "N-Nolan, you're here again."

"Yeah!" He nodded. "I heard ngayon na ang start ng Internship mo. How was it?"

"It was okay."

"Pauwi ka na ba ngayon?"

I nodded. "Gano'n na nga."

"Gusto mong sumabay sa'kin? Hatid na kita."

"Hindi na. Mag uh... ta-taxi nalang ako."

"Maghihintay ka pa ng taxi, baka matagalan ka pa."

"Ayos lang." Nag pretend nalang ako na naghihintay na ng taxi. Why do i feel so awkward everytime na kasama ko siya?

Hindi ko na rin talaga maintindihan ang sarili ko.

"Iniiwasan mo ba 'ko?" I heard him asked. Napatingin ako sa kanya dahil sa pagtataka.

"Bakit naman kita iiwasan?"

"Maybe because of the rumor about us?"

"Rumor? What rumor?!" Wait! Eto ba yung kagagahang ginawa ni Kassidy? Yung pagsabi niya na nag di-date kami ni Nolan kay Rian? No way!! Urgh! If 'yon nga, mamamatay ako sa hiya!

"You haven't heard?"

I just shake my head hoping na mali ang iniisip ko.

"That you and i are dating."

Oh my fucking gosh! Hindi ako nagkamali! Arghh!! Kassidy!!!

Napayuko ako at halos itakip ko sa mukha ko yung sumbero ko. Feeling ko kasi kulang pa ang face mask na suot ko para itago ang kahihiyan ko.

"Are you okay?" He asked.

Bigla akong nag bow. "Sorry!" Feeling ko may kasalanan ako sa nangyari kahit na si Kassidy naman talaga ang may pakana nitong lahat.

"Saan ka nag so-sorry?"

"It was actually... uh... the rumor started with uh..." Damn, i don't know kung paanong sasabihin sa kanya. Baka kasi magalit siya sa malalaman niya.

Huminga ako ng malalim. Kaya ko 'to! Nagagawa ko noong makipagusap sa lalake nang hindi kinakabahan! Kaya ko 'to!

Nilakasan ko ang loob ko na tumingin muli sa kanya pero napaiwas din naman agad ako dahil nakatitig siya sa'kin. Damn!

"Ano ba yung sasabihin mo?" He asked.

I bit my lower lip. "I uh.... think sa'min nag simula ang rumor about us." I bow, embarrassingly. "Sorry talaga!"

Bye Bye, My LoveWhere stories live. Discover now