Three

1.4K 53 3
                                    

Inabot ko na kay Nolan ang bag niya but still nag stay lang akong nakaupo katabi niya. Hindi ko pa siya kayang iwanan baka atakihin na naman siya. Isa pa late na rin ako sa third subject ko, wala akong tatambayan kaya dito nalang.

“Wala ka bang klase?” He asked.

“Meron but since late na 'ko, hindi na 'ko papasok.”

“Sorry, kasalanan ko kung bakit hindi ka nakapasok.”

“No, it's fine.” It's not actually. Hindi pa kasi ako umaabsent sa kahit na anong klase ko. Wala lang talaga akong choice ngayon.

Natahimik na naman siya at dahil wala naman akong maisip na pwedeng sabihin kaya tumahimik nalang din ako. Hindi ako magaling pagdating sa pag start ng conversation kaya hindi ko alam ang gagawin. Sa tagal kasi ng panahon halos si Kassidy lang ang nakakausap ko.

Mukha rin namang may malalim siyang iniisip kaya much better na tumahimik nalang.

“Kung alam mong mamamatay ka na, ano ang pinaka una mong gagawin?” Out of nowhere, nagtanong siya.

Napatingin lang ako sa kanya at hindi agad nakasagot. Why is he asking me that? 'Yan na ba ngayon ang iniisip ng taong alam niyang mamamatay na siya?

“I asked my friend that same question pero walang kwenta ang sinagot niya.” He said again.

“Yung tinutukoy mo ba ay yung guy na nakasalamin at nag post nung video mo habang nagbabasa?” I asked.

He looked at me again. “Oo, you know Alonso?”

“Classmate ko siya at type niya yung kaibigan ko.”

He chuckled. “Ang hilig niya talaga sa babae pero yung babae wala namang hilig sa kanya.” Paanong hindi siya mahihiligan? Eh napakadaldal niya.

“Ano bang sinagot niya sa tanong mo?”

“Ang una raw niyang gagawin kung alam na niyang mamamatay siya ay i-date ang lahat ng pinaka magandang babae sa school.”

Tungkol pala sa babae na naman. Napailing nalang ako sa sagot ng kaibigan niya. Paano kaya sila nag click ng kaibigan niyang 'yon?

“Eh ikaw anong sagot mo?” Tanong niya.

“Ang sagot ko...” I paused para magisip na muna. Ano nga ba ang pinaka una kong gagawin kung alam kong mamatay na 'ko? “Siguro ang maging tunay na masaya. Masyado nang tragic ng life ko, kung alam kong mamamatay na 'ko, gusto kong sumaya para kahit papaano may babaunin akong saya sa pagkamatay ko.” That's my honest answer.

“Mmm. Good answer.”

“Ano naman ang sagot mo sa tanong mo?” Tanong ko.

“Ang totoo, hindi ko pa alam.”

“Kumukuha ka ba ng idea sa ibang tao kaya mo tinatanong?”

“Parang gano'n na nga.”

“Sino pang nakakaalam ng sakit mo?”

“Ikaw lang at si Doc.” Kami lang ni Mama?

“Hindi alam ng magulang mo o kahit ng kaibigan mo?”

He shakes his head. “Walang ibang nakakaalam.”

“Bakit?”

“Ayaw ko lang ipaalam.”

“Ayaw mo bang may nalalabasan ka ng nararamdaman mo tungkol d'yan sa sakit mo?”

He looked at me again and he gives me his rarely smile. Lahat ng babaeng nagkakagusto sa kanya 'yan hinihiling na makita. Hindi ako makapaniwalang pinapakita niya 'to sa'kin ngayon.

“Nandyan ka naman na.”

For some i don't know reason, kumabog ng mabilis ang puso ko.

Tumayo na siya at sinabit sa balikat ang bag niya. “Maraming salamat ulit.”

“W-welcome.”

• • • • •

Papunta na kami ngayon ni Kassidy sa Canteen para do'n bumili ng makakain namin. Pero sa open space naming planong kumain. Mas gusto namin ang kumain sa Open space kasi kunti lang lagi ang tao do'n tuwing free time namin. At isa pa do'n din kasi pumupwesto si Nolan kaya gustong-gusto ni Kassidy do'n para masulyapan niya raw ang crush niya.

Malapit na kami sa canteen nang makita namin palabas do'n sina Nolan at yung kaibigan niyang si Alonso kung hindi ako nagkakamali.

Ngumiti ng malaki si Alonso nang makita si Kassidy. Habang si Nolan blangko lang habang nakatingin sa'kin. Dahil hindi ako masyadong confident na kaya kong makipagtitigan sa kanya ngayon, tumungo nalang ako.

Kumusta na kaya pakiramdam niya? Ayos na nga kaya siya talaga after niyang atakihin ng sakit niya kanina?

Papansinin niya kaya ako? After nang nangyari kanina? Hindi ko alam kung bakit iniisip ko pa 'to, eh sigurado namang hindi.

“Hi, Kassidy!” Dinig kong bati nung Alonso kay Kassidy.

“Hi.” Kassidy greeted back. I can tell na ang pagbating 'yong ay para talaga kay Nolan.

“Ahm... Pwede ko na bang kunin yung number mo?”

Hindi pa rin pala siya sumusuko kahit na sinabi kong si Nolan ang type ni Kassidy.

“Ah... S-sige.” Nauutal na sagot ni Kassidy sa kanya. Himala! Hindi sana pagsisihan ni Kassidy 'yan. Dahil nakayuko ako hindi ko makita ang reaksyon ni Alonso pero kahit hindi ko pa 'yon makita, sigurado akong ang laki ng ngiti niya.

Habang binibigay ni Kassidy ang number niya, nabigyan kami ng panandaliang katahimikan. For some weird reason parang nag hihintay ako ng kahit Hi manlang mula kay Nolan pero hindi niya 'yon ginawa.

“Salamat.” Dinig kong sabi ni Alonso nang makuha nito number ni Kassidy.

“Walang anuman.”

Siniko ko si Kassidy na parang nag sasabing umalis na kami. Sana lang ma-gets niya.

“Ah... Mauna na kami.” Pagpapaalam niya. Ibig sabihin na gets niya pagsiko ko. Buti naman.

Kassidy clinged her hands on my arm 'saka niya ako hinila palayo sa kanila.

“Have you noticed?” She asked.

I looked at her. “Ang alin?”

She rolled her eyes. “Paano mo nga naman mapapansin, nakayuko ka lang the whole time na kausap ko si Alonso.”

“Ano ba 'yon? Na cute-an ka na ba kay Alonso?”

“Sira! I'm talking about Nolan!” Ahh... Si Nolan na naman pala.  Bakit ba nagtataka pa 'ko?

“Anong tungkol sa kanya?” Tanong ko.

“He's staring at you. He actually, didn't take his eyes on you.”

He what?? “G-ginawa niya talaga 'yon?”

“Yes!” Tumango siya at binigyan ako ng very convincing look.

Bakit naman niya ako tititigan? Dahil kaya 'yon sa pagtulong ko sa kanya kanina? Eh bakit hindi niya ako pinansin?

“Haay! Buti ka pa natitigan niya. Samantalang kahit sulyap sa'kin hindi niya ginawa.” Medyo pabirong sabi ni Kassidy na may kunting selos sa tono ng boses niya.

“Nagkataon lang sigurong, ako ang nasa tapat niya.”

“Gano'n? Hindi gano'n ang dating sa'kin eh. Yung titig niya parang may laman. Yung parang nagtataka siya kung bakit mas preferred mong nakayuko kesa tumingin sa gwapo niyang mukha.”

“Ang lawak ng imahinasyon mo! Nagkataon lang 'yon!”

She shrugged. “Siguro nga.”

To be continued...

Bye Bye, My LoveWhere stories live. Discover now