Eleven

1.7K 58 9
                                    

Nagmamadali akong umalis ng classroom dahil baka ma-late ako sa pagpasok sa Internship ko.

Mahirap pa namang sumakay ngayon.

Malapit na 'ko ng gate nang makita ko si Kassidy. Tinapik ko ang balikat niya nakuha ko ang atensyon niya.

“Pupunta ka na sa Internship mo?” She asked.

“Gano'n na nga. Pauwi ka na?”

“Oo, susunduin ako ni Kuya. Simula nang dumating siya, wala na 'kong freedom.” She rolled her eyes.

I chuckled. “Baka nalaman na niyang manliligaw mo si Alonso.”

“Baka i-che-check ka kamo.”

Bakit naman niya gagawin 'yon? Naisip ko tuloy bigla yung mga sinabi ni Alonso kanina. Muntik nang magaway si Kai at Nolan para lang ihatid ako. 'Yon kaya yung ibig sabihin ni Kassidy?

Sa paglabas namin ng gate nakita na namin si Kai na naghihintay habang nakasandal sa dalang kotse nito.

Nag jog siya papalapit sa'min. “Hi Noelle.” He greeted.

“Hey.” I greeted with a nod. “I should head out. Baka ma-late na 'ko sa intern ko.” Paalam ko.

“Ihahatid ka na namin.”

“Hindi na, nakakahiya.”

He chuckled. “Bakit ka naman mahihiya sa'min?”

“Alam mo, pumayag ka nalang. Kasi lalo kang hindi makakaalis kung hindi ka papayag.” Kassidy suggested. Tumango naman si Kai bilang pagsangayon sa sinabi ng kapatid niya.

“Sige na nga.” Wala naman akong choice.

Sumakay nalang kaming tatlo sa kotse. Pinilit ni Kai na pasakayin ako sa passenger seat kaya walang choice si Kassidy kundi sa back seat umupo.

Sa pagsisimula nang byahe namin nag simulang mag tanong si Kai.

“Hinatid ka ba ng maayos nung Nolan?”

I nodded. “Oo.”

“Hindi ka ba niya binastos? O may ginawang ka-gaguhan sa'yo?”

I shake my head. “Hindi gano'ng tao si  Nolan, Kai.”

“I kept telling him that last night.” Pagsisingit ni Kassidy.

“Lalake pa rin kasi siya. Kapag ang lalake may kasamang lasing na magandang babae siguradong may tatakbong kalokohan sa utak nun.”

“Bakit gano'n ba ang iniisip mo kapag may kasama kang lasing na babae?” Tanong ko na nagpatawa kay Kassidy.

“H-hindi ah.”

“Kung gano'n, si Nolan din, hindi siya gano'n.”

“Pinagtatangol mo talaga siya ah.”

“Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung may ginawa nga kasi siya sa'kin noong wala akong malay siguradong nalagot siya kay Mama. At hindi rin siya patutulugin ni Mama sa bahay kung may kalokohan siyang ginawa.”

“Pinatulog ng Mama yung lalakeng 'yon sa inyo?!” Gulat niyang tanong.

“Oo, kilala naman kasi siya ni Mama.” Pasyente niya siya. I wanted to added that 'di ko lang tinuloy.

“How?”

“Mahabang istorya!”

“Sige, maniniwala na 'ko dahil ikaw ang nag sabi.”

Nang finally makarating kami sa work place ko.

“Salamat ah, maaga ako ng twenty minutes.” Sabi ko sabay open ng pinto.

Bye Bye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon