Twelve

1.1K 50 7
                                    

Na sa tapat na kami ng Unit ni Nolan. I don't know kung bakit niya ako sinama dito o kung papasok ba 'ko.

Ito kasi ang unang beses na pupunta ako sa Unit ng isang lalake.

Haay! May mga bagay na hindi ko dapat iniisip pero hindi ko maiwasang isipin. Urgh! Ang dumi ng utak ko.

"Pasok na tayo." Nolan said.

"Wait! W-what are we exactly doing here?"

"I just want to show you my place."

"W-why?"

"Ayaw mo ba?"

"H-hindi naman sa gano'n kaya lang kasi... Ito ang unang beses na pumunta ako sa bahay ng lalake."

"Ito rin naman ang unang beses na nagsama ako dito ng babae."

I blinked at him. "Kahit ex. girlfriend mo 'di mo dinala dito?"

He poked my forehead. "What makes you think na may naging ex. girlfriend na 'ko?"

"W-wala pa ba?"

"Wala!"

Parang napaka imposible naman nun sa gwapo niya? Sigurado once na may ligawan siya papayag agad 'yon na maging girlfriend niya. Siguro wala pa siyang nililigawan. Nakakabigla.

"Ayaw mo pa ring pumasok?" He asked.

"Ha?! Ah... eh..."

He chuckled amusingly. "Iniisip mo sigurong may gagawin ako sa'yo 'no?"

I blushed instantly. "H-hindi 'no!" Shocks! Nakakahiya!

"Ikaw ha! Kung ano-anong iniisip mo!" he jokes.

Hindi na 'ko nakasagot pa, dahil guilty ako.

Binuksan na niya ng tuluyan ang pinto 'saka siya pumasok habang ako nag stay pa rin sa labas. "Pumasok ka na, wala naman akong gagawin sa'yo eh."

"H-hindi ko nga iniisip 'yon!" Sagot ko 'saka na 'ko tuluyang pumasok para mag less hinala na siya. Dumiretso kaming dalawa sa sala kung saan ko unang napansin ang tingin ko ay koleksyon niya ng libro ni Paulo Coelho.

Lumapit ako dito at isa-isa ko itong tinignan. May isa pa siyang copy nung hiniram kong libro sa kanya na hindi ko pa nasasauli sa kanya.

Binaling ko ang tingin kay Nolan na nasa likod ko lang. "Hindi ko pa pala nababalik sa'yo yung librong nahiram ko."

Napakunot noo siya at tila napaisip. "May hiniram kang libro sa'kin?" Pagtataka niya.

I nodded. "Oo, yung By the River Piedra I sat down & Wept." Tinuro ko yung isa pa niyang kopya.

Napakamot siya sa likod ng ulo niya at tila sinusubukang alalahanin yung sinabi ko.

"Hindi mo ba maalala?" I asked.

He chuckled, embarassingly. "Parang gano'n na nga." Hindi kaya isa 'yon sa symptoms ng sakit niya? "Bumili ako ng isa pang kopya akala ko kasi wala pa 'ko nun, 'yon pala pinahiram ko lang sa'yo. Inatake na naman pala ako ng sakit ko nang wala akong kaalam-alam."

"It's fine, 'yon palang naman siguro ang nakakalimutan mo eh."

"I'm not sure about that." Tsk! Bakit ko pa kasi ini-open yung about sa libro niya eh. Parang bigla tuloy siyang na bother dahil do'n.

"Ahm... gutom na 'ko." Pagiiba ko agad ng topic dahil gusto kong ibalik ang mood niya kahit na nakakahiyang sabihin sa kanya na nagugutom ako.

He half a smile. "Ako rin." Pagamin niya na bahagyang nagpatawa sa'min. Tingin ko naging effective yung ginawa ko, mabuti naman.

"Do you know how to cook?" He asked.

I shake my head shyly. "No eh."

"Kung gano'n ako na ang magluluto. Pero bago 'yon magpapalit ako ng t-shirt."

Tumango lang ako sa kanya bilang tugon. Naglakad na siya papunta sa kwarto niya ako naman ay umupo nalang muna sa sofa habang hinihintay siya. Ilang sandali lang din naman ay bumalik na siya, ngayon ay nakasuot na siya ng sando na nagpakita ng mala-sexy niyang biceps. Shocks! He's hotter than I imagine. 'Di ko tuloy alam kung saan ako titingin ngayon kasi nakakailang baka kasi 'di ko nalang mamalayan na nakatitig na pala ako sa muscle niya. Yumuko nalang ako.

"Gusto mo 'kong samahan sa kusina?" I heard him asked.

"S-sige." Pagsangayon ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Lumuhod siya sa harap ko at pilit na nakipagtitigan sa mga mata ko kaya 'di ko na maiwasang makipag-eye contact sa kanya. Pero dahil sa ilang kaya umiwas din naman agad ako ng tingin.

"Look at me." He said.

I bit my lower lip and I hesitantly looked at his eyes. Our face is close, ten inches lang ata ang layo ng mga mukha naming kaya feeling ko namula ang pisnge ko at naramdaman ko ring kumabog ng mabilis ang puso ko. Damn! Anong ginagawa ng lalakeng 'to sa'kin? Lagi niyang pinaparamdam sa'kin ang mga hindi ko pa nararamdaman noon sa lalake.

"You are much prettier kapag ganito kalapit." He compliments.

Hindi ko na kaya ang ilang na nararamdaman ko kaya hinawi ko ang mukha niya. "Hindi ko alam kung masasanay ba 'kong lagi mo nalang sasabihin na maganda ako." Pagamin ko.

He chuckled. "Masasanay ka rin. For sure kung magkaka-boyfriend ka araw-araw niyang sasabihin 'yon sa'yo."

"T-tingin mo may magkakagusto sa'kin?"

"Gusto ka nung kapatid ni Kass, 'di ba?"

"Oo nga pala." Kaso hindi naman gano'n ang nararamdaman ko para sa kanya. Mas iniisip pa nga niyang gusto kita. Gusto ko sanang idagdag 'yon kaso nakakahiya.

"Inamin na niyang gusto ka niya?" Tanong niya.

I nodded. "Oo, kanina."

Sa tingin ko bahagya siyang nabigla at na curious. "So, n-nililigawan ka na niya?"

I poked his forehead. "What makes you think na papayag akong magpaligaw?" Kinopya ko ang ginawa niya at ang tono ng boses niya noong sinabi niya ba "What makes me think na may naging ex. girlfriend na siya.".

He blinked amusingly. "Hindi ba?"

I shake my head. "Hindi!"

"Bakit?"

"I just don't feel the same. Ayokong paasahin siya kaya tinanggihan ko na agad. Isa pa, parang kapatid lang siya para sa'kin."

He bit his lower lip trying to stop his smile. "Mmm... I see." Tumayo na siya. "Magluluto na 'ko."

"Sige."

To be continued...

Bye Bye, My LoveWhere stories live. Discover now