Eighteen

1.1K 52 20
                                    

Naglalakad na 'ko papuntang sa classroom ko. Pero imbes pagaaral ang isipin ko, si Nolan ang tumatakbo sa isip ko. Gusto ko na siyang makita ngayon dahil na pagdesisyunan ko nang aminin sa kanya yung nararamdaman ko. After kong malaman na apat na buwan nalang ang itatagal niya, ayaw ko nang mag aksaya ng oras para itago pa 'tong feelings ko.

Bahala na sa kung anong mangyayari kapag nalaman niya ang feelings ko for him. Gusto kong malaman niya 'to para magawa ko nang maiparamdam sa kanya 'to.

Sa pagdating ko sa classroom, wala pa sa upuan niya si Alonso kaya may ilang minuto pa para makaisip ako ng puwedeng gawin kung paano ko sasabihin kay Nolan na gusto ko siya.

Pero hindi na rin naman agad ako nabigyan ng chance na magisip pa dahil kauupo ko palang dumating na agad siya.

Binigyan niya ako ng parang nagtatampo look. “Kayo ha! Hindi kayo nag invite ni Nolan sa Baguio. Kahit date pa 'yon o hindi dapat sinama n'yo kami para nag double date tayo.”

Kung sinama namin kayo nun siguradong alam mo na ngayon na may sakit si Nolan. Sabi ko lang sa utak ko.

“Hindi 'yon date, nag joy ride lang kami. 'Saka ano bang inaangal mo? Nag date naman na kayo ni Kassidy 'di ba?”

Ngumiti siya na parang kinilig. “Tama ka, pumayag pa nga siyang mag holding hands kami eh.”

“Laki ng ngiti mo ah.” Samantalang ako, hindi pa alam kung paano mag co-confess kay Nolan.

“Mas lalaki pa 'tong ngiti ko kung sasagutin na talaga niya 'ko.”

“Kunting push pa, hindi 'yon makikipag holding hands sa'yo kung hindi ka niya gusto.”

“Talaga?”

“Oo. Anyway, paano mo inamin kay Kassidy na gusto mo siya?”

“Tinext ko siya.”

“Sa text lang?”

He nodded. “Bakit?”

I shake my head. “Wala!” Eh kung i-text ko lang din kaya si Nolan? Parang hindi naman sincere kung sa text lang kaya lang wala na rin akong maisip kung paano aamin sa kanya.

Haay! Bahala na, kapag hindi ako makapag salita mamaya, ite-text ko nalang siguro talaga siya.

Sa pagdating ng free time namin, nagkita kami ni Kassidy sa cafeteria para bumili lang ng puwede naming kainin, nang makapili kami, pumunta rin naman agad kami sa open space at humanap ng mauupuan.

I kept waiting sa pagdating nila Alonso at Nolan dahil gusto ko na siyang makita at makamusta sa pakiramdam niya, maliban sa syempre may aaminin ako sa kanya.

“Sino ba 'yung kanina mo pa parang hinihintay? Si Nolan ba?” Kassidy asked.

“Oo.” Pagamin ko.

“Papunta na raw sila dito. Nag text na sa'kin si Alonso.”

“Ah! I see.” Kumabog bigla yung dibdib ko. Haay! Malaman ko palang na malapit na siya kinabahan na 'ko paano pa kaya kung umamin na 'ko?

“Hindi ka pa nag ku-kwento kung anong nangyari sa inyo sa Baguio.” Sabi niya.

“Ahm...” I bit my lower lip. Dapat ko bang sabihin sa kanya yung tungkol sa kiss?

“Hi Ladies!” Biglang pagdating ni Alonso. Save by him.

As we looked at him, he's not with Nolan.

“Where's Nolan?” I asked.

“May gagawin pa raw siya eh kaya hindi na siya sumama dito.”

Bigla akong nakaramdam ng pagka-disappoint. Gusto ko siyang makita. Haay!

Bye Bye, My LoveWhere stories live. Discover now