Twenty Eight

205 19 0
                                    

Nasa byahe na ako ngayon kasama ang Papa ko papuntang Airport dahil pauwi na ako ngayon. Natapos na ang Burial ng Lola ko. Sa almost a week kong pagstay dito sa Davao, tumutulong lang ako sa pagaasikaso ng mga bumibisita kay Lola.

May ilang mga kamaganak din sa side ni Papa na nagtanong sa'kin kung ano raw bang nangyari sa peklat ko sa pisnge kaya hindi ko maiwasang mailang at itago muli ito.

Si Nolan lang naman kasi ang nag bibigay ng kaunting kompyansa sa'kin na 'wag na akong mag face mask kasi hindi ko raw dapat tinatago ang maganda kong mukha.

Pero dahil wala si Nolan sa tabi ko, nawala ulit ang confidence ko. Babalik lang 'to kapag nagkita ulit kami.

Speaking of Nolan, my Nolan. Always ko siyang tinawagan, oras-oras magkausap kami sa phone kahit pa puyat ako at kahit pa wala na kaming ma-topic sa phone tinatawagan ko pa rin siya.

Do'n lang kasi ako nakakampante na okay nga lang talaga siya.

“Next time ako naman ang bibisita sa inyo sa Manila para makilala ko naman ang boyfriend mo." Papa told me 'tsaka niya inabot sa akin ang maleta ko.

Nabangit na sa kanya ni Mama ang tungkol kay Nolan. Kaya kahit hindi ako nag kwento sa kanya about sa boyfriend ko may alam pa rin siya.

Ni hindi ko manlang alam na naguusap pala ang mag magulang ko. Siguro dahil about naman sa'kin kaya naguusap sila.

“Sige po." I said.

“Magiingat ka sa byahe mo pauwi."

“Opo." Niyakap niya lang ako habang tinatapik ang likod ko.

“Pasensya na saglit lang tayo nagkasama. Babawi ako next time, anak." He said.

“It's okay Dad." I reassured.

Bumitaw na siya sa pagkakayakap sa'kin at hinayaan na akong umalis para makapag check in.

Habang naglalakad papuntang eroplano, nag text na ako kay Nolan.

*** I'm on my home my love. See you! ***

He told me na susunduin niya ako kaya dapat malaman niya na ba-byahe na ako.

•••••

Finally the Plane landed...

Inililibot ko ang tingin ko sa Airport para hanapin ang sundo ko pero hindi ko siya makita.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya pero puro ring lang ang naririnig ko. Nasan na ba siya? Bakit hindi niya sinasagot yung tawag ko?

Hindi ko maiwasang biglang magisip ng hindi maganda.

Tinatawagan ko nalang ulit siya pero gano'n pa rin ang kinalabasan. Hindi siya sumasagot.

Fuck! Kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa hindi magandang naiisip ko kung bakit hindi niya sinasagot ang tawag ko.

Pa'no kung inatake siya ng sakit niya? Shit!!

I dialed Alonso's number, dalawang ring lang sinagot niya ito.

“Hello?"

“Alonso, are you with Nolan?"

“Nope. He told me na susunduin ka niya kaya hindi ko siya inistorbo ngayon sa Unit niya. Bakit wala pa ba siya dyan?" He asked.

“Wala pa. Nagaalala na ako."

“Baka na traffic lang."

“Pero hindi niya sinasagot ang tawag ko."

Bye Bye, My LoveWhere stories live. Discover now