Thirty

204 19 0
                                    

“Mom stop crying..." Nolan said to his Mom mula sa cellphone. Sinabi na niya dito ang tungkol sa sakit niya.

“I know, I'm sorry..." Nakikita kong na gi-guilty siya dahil ngayon niya lang ito nasabi sa Mama niya. “Okay po, please calm down." He glanced at me and he sighed.

Mukhang hindi niya alam kung paano pakakalmahin ang Mama niya. Siguradong nag fi-freak out siya sa nalaman niya. Lahat naman siguro ng magulang gano'n ang nararamdaman kapag nalaman nilang mawawala na yung anak nila.

Bigla kong naalala yung itsura ni Mama at Papa noong magising ako mula sa pag attempt kong mag suicide. Sobrang nagalala sila sa'kin na kahit nakalabas na ako ng hospital halos hindi nila inaalis ang atensyon sa akin para lang masiguro na hindi ko na uulitin ang ginawa ko.

Nag ring naman ang cellphone ko kaya do'n napunta ang focus ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag, it's my Mom.

“Sasagutin ko lang 'to." I told Nolan. He just nodded his head to me.

Naglakad ako papunta sa kusina para dito sagutin ang tawag ni Mama. Ayoko kasing maistorbo ang paguusap ni Nolan at Mama niya.

“Hello?" I answered it.

“How's Nolan?"

“He's okay now. Kausap niya ngayon ang Mama niya cellphone."

“Sinabi na ba niya sa Mama niya ang tungkol sa sakit niya?"

“Gano'n na nga po."

“Mabuti kung gano'n, baka mapilit nila si Nolan na mag pa-admit."

Sana nga. Pero ang purpose talaga ng pagtawag niya sa Parent niya ay ipaalam ang talaga na gusto na niyang magpakasal sa akin.

“Mom, plano kong mag stay ng overnight dito kay Nolan. Hindi ko kasi siya maiwan eh. I hope okay lang?"

“I don't know, he's still your boyfriend kaya... Medyo nagaalangan akong payagan ka."

“Mom, w-wala naman po kaming gagawin eh." Medyo nahihiya kong pag explain. I mean, ano namang kayang gagawin namin dito? Okay, gets ko kung anong puwedeng gawin pero wala pa sa kondisyon si Nolan na gumawa ng mga gano'ng bagay. Hindi rin sa nag e-expect ako pero... Urgh! Bakit ba nag ako e-explain?

She chuckled. “I'm just joking, sweetie. You're old enough para mag desisyon sa kung anong gusto mong gawin." I think she's referring to that thing. “Okay, I'll let you stay there with him but just for tonight. Okay?"

“Okay po."

“Ibaba ko na 'to. Tawagan mo lang ako kapag inatake ulit si Nolan."

“I will, Ma."

She ended the call kaya binalikan ko na sa sala si Nolan. Naubutan ko siyang may kausap pa rin sa phone.

“Okay Dad, I'll let her know." He said. So Dad na niya ang kausap niya ngayon.

Nag lakad na ulit ako papalapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Tumingin siya sa'kin at bahagyang ngumiti. Sinuklian ko lang din ito ng ngiti.

“Sige po. I will don't worry. Bye." Pinatay na niya ang tawag at napahinga ng sobrang lalim.

Sinandal niya ang ulo niya sa sandalan ng upuan at ipinikit ang mga mata.

“Kumusta pakikipagusap mo sa kanila?" I asked.

He looked at me. “Pareho silang nabigla pero si Mama, ayaw tumigil sa pagiyak. Bukas daw mismo luluwas siya ng Manila para puntahan ako at samahan ako sa Doctor. Para siguro mas malaman niya ang tungkol sa sakit ko."

Bye Bye, My LoveWhere stories live. Discover now