Thirty One

203 18 0
                                    

Nagising ako mula sa pagtulog nang maramdaman kong mas hinigpitan ni Nolan ang pagkakayakap niya sa'kin.

I just look at him, lovingly. He's just still sleeping. Hinaplos ko ang pisnge niya gamit lamang ang likod ng hinututuro ko pababa hanggang sa labi nito.

Dahan-daan niyang minulat ang mga mata niya 'tsaka tumingin sa akin.

“Goodmorning." Mahina kong pagbati.

He smile, lightly. “Goodmorning." Mahina rin niyang sabi.

Ang sarap sigurong gumising ng ganito araw-araw. Mapagmamasdan ko agad ang gwapo niyang mukha at malambing na ngiti. Kapag kinasal kami siguradong palagi ko na 'tong makikita, pero parang bigla rin akong sinampal ng katotohang baka after ng kasal na 'yon hindi rin magtagal kunin na siya sa akin.

Huminga ako ng malalim habang nakapikit. Hindi ko dapat muna isipin 'yon. Ang importante ay ang ngayon.

“Gusto mo ba ng coffee?" Tanong ko.

He shakes his head. “Mas gusto ko ang yakap mo."

I chuckled. “Pero ako gusto kong mag coffee."

“Gusto mong pagtimpla kita?"

I shake my head. “Ako na."

Bumangon na ako ng kama kaya inalis na niya ang pag kakayakap sa akin. Dumiretso na rin naman agad ako sa kusina at nag init muna ng tubig.

Habang nag hihintay kumulo ang tubig, dumating din naman si Nolan.

“Gusto mo na ba ng kape ngayon?" Tanong ko habang naglalakad siya papalapit sa akin 'tsaka niya ako niyakap mula sa likod ko.

“Share nalang tayo sa coffee." He said to my ears.

“Okay."

Sa pag kulo ng tubig, nag timpla naman agad ako ng coffee na pagsasaluhan namin ni Nolan habang siya naman ay umupo na.

Tumabi ako sa kanya nang makapagtimpla ako.

“Ngayon darating ang Mama mo 'di ba?" Tanong ko habang hinahalo yung kape namin.

“Yup!"

“Sinabi niya ba sa'yo kung anong oras siya darating?"

“Hindi ko pa chini-check phone ko kaya hindi ko sigurado kung kumuha siya ng maagang flight."

“I see." Hinipan ko ang coffee.

“Kailan natin sasabihin ang tungkol sa pag papakasal natin sa Parents mo?" He asked.

“I don't know. Darating ngayon ang Mom mo kaya hindi naman natin magagawa 'yon ngayon."

“Baka naman mamaya pang hapon siya darating. Puwede muna nating puntahan si Doc sa hospital para sabihin na sa kanya."

“Baka naman mapagod ka niyan sa iniisip mo. At isa pa, kailangan ko munang umuwi dahil puro labahan na yung nasa maleta ko ngayon. Wala na akong pangpalit."

He shakes his head. “I'm okay. Don't worry." Para namang gagaan ang pakiramdam ko kapag sinabi niyang don't worry. Syempre magaalala pa rin ako.

“Ganito nalang, the whole day ako ang driver mo." Makakabawas sa pagod niya kung hindi siya magmamaneho.

“Sige kung dyan ka makakampante."

Ngumiti lang ako sa kanya bilang tugon.

•••••

Nandito na kami ngayon sa bahay para makapagpalit ako ng damit.

Just like ng plano namin ni Nolan ako ang driver niya habang pinaplano namin kung paano sasabihin kay Mama ang tungkol sa pagpapakasal namin, syempre gano'n din kay Papa.

Bye Bye, My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon