Nine

1.2K 50 9
                                    

“This is your first time na iinum. How does it feel?” Kassidy asked me nang dumating na yung inorder namin na maiinum.

“I don't know what to feel.” Pagamin ko.

“Ito ang first time mong uminum?” Gulat na tanong ni Kai.

Tumango ako. “Gano'n na nga.”

“Will you be okay? I'm worried.”

“Yeah!” I reassured. Ayos lang naman talaga ako eh. Kahit naman malasing ako, ihahatid naman nila ako. Ang pinagaalala ko lang talaga ay si Nolan. May sakit siya, tapos iinum din siya.

Puwede kaya siyang uminum? Hindi kaya makasama sa kanya 'yan, lalo na't umiinum siya ng gamot?

I glanced at him. He's still quite habang dahan-dahan na iniinum ang beer. He is acting like before noong hindi pa kami magka-close, tahimik lang at mukhang musingit tignan.

Sinimulan ko nalang ulit ang uminum at init agad sa lalamunan ko ang una kong naramdaman.

“Ganito ba talaga kayo katahimik o na iilang lang kayo sa'kin?” Tanong ni Kai sa lahat dahil nababalot kami nang katahimikan. Ito ang unang beses na nakita kong tahimik si Alonso. Siguro takot talaga siya kay Kai, siya pa naman ang pinaka excited kanina. “H'wag n'yo lang akong isipin, mag usap lang kayo.” Dagdag niya.

Uminum nalang ulit ako.

“Dahan-dahan lang sa paginum, baka malasing ka niyan.” Kai told me.

“Pangalawang inum ko palang 'no, imposibleng malasing na agad ako nun.”

“That's possible dahil first timer ka.”

“I'm still fine.” I reassured.

He smiled. “Okay.” Kinuha niya yung beer niya at nag offer na makipag cheer sa'kin. Nakipag cheer naman ako sa kanya at 'saka kami sabay na uminum.

“M-mukhang close kayo ni Noelle ah.” Pagtatapos sa katahimikan ni Alonso.

Mas lalong lumaki ang ngiti ni Kai 'saka niya ako inakbayan nang tuluyan at hinila pa 'ko papalapit sa kanya. “Gano'n na nga. Highschool palang siya, crush na niya 'ko.”

My mouth fell. “Imbento ka! At kailan ko sinabing crush kita ha?!”

He laughed. “Kapag kasi bumisita ka noon kay Kassi kapag nakikita mo 'ko hinahawi mo 'yung buhok papunta sa likod ng tainga mo 'saka mo 'ko ngingitian nang pa-sweet.” His sentence makes Kassidy laughed hard.

There's a reason kung bakit ganyan ang tawa niya. Totoong ginawa ko 'yon noon pero dahil lang 'yon sa pustahan namin nila Rian ang dati naming kaibigan. Nakipag pustahan sa'kin si Rian kung maaakit ko ba si Kai kaya ginawa ko ang mga gano'ng bagay pero hindi naman ako nagtagumpay dahil pumunta siya ng ibang bansa.

I chuckled, sarcastically. “Nginingitian kita but that doesn't mean na crush kita. I'm just... being friendly!” Pinilit kong alisin ang pagkakaakbay niya sa'kin at uminum ulit ng beer. Feeling ko tuloy biglang uminit dito.

“Ayos lang naman na aminin mong crush mo 'ko. Crush is paghanga, remember?”

“Ang korni mo!” Tss! Bakit ba ito ang topic? Ayokong pinaguusapan ang past, dahil pinapaalala lang sa'kin na worst person ako.

Uminum ulit ako kaya feeling ko mas lalong uminit at nakaramdam na rin ako ng bahagyang pagkahilo. Mabilis pala 'tong makahilong alak ngayon ko lang nalaman.

Nakita kong inabutan ni Alonso si Nolan nang isa pang beer kahit na hindi pa 'man din nito naaubos ang beer niya. Agad ko 'tong inagaw kay Alonso bago pa niya 'to malapag sa tapat ni Nolan na ipinagtaka nila.

Bye Bye, My LoveWhere stories live. Discover now