23

6 0 0
                                    

Chapter 23

I don't know which one was causing my heart to pound: kung ang kaba ba dahil kaming dalawa lang o ang kaba na baka bumalik na naman ang mga alaala.

Habang nasa kotse kami ay wala akong ibang ginawa kundi pagmasdan ang mga tanawing nadadaanan. Tahimik lang din naman ang katabi ko kaya walang ibang puwedeng gawin kundi ang manahimik.

Hindi ko matandaan kung bakit kailangan ko gawin ito samantalang hindi ko naman ito ginusto. It's this rude man here that dragged me into this. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isip ng isang 'to at pumayag siya samantalang kung tratuhin niya ako ay parang hindi ako taga-rito. Parang hindi naging kaibigan. Well...

"You have your own art gallery, huh?"

Naputol ang pag-iisip ko nang magsalita siya habang nagmamaneho. Hindi naman siya nakatingin sa akin kaya ayos lang pero sana ay hindi na lang din siya nagsalita.

"Yes," tipid na sagot ko nang hindi siya tinitingnan.

"The dream." He made it sound so magical. 

I rolled my eyes. Nakita niya siguro iyon kaya narinig ko ang pagtawa niya nang bahagya. I don't remember him being this talkative and annoying. Dati ay tahimik lang siya at ako ang kadalasang nag-uumpisa ng usapan.

"And an office near BGC?" he shook his head like he couldn't believe it. What's with that remark? Is he mocking me?

Ngumiwi ako sa kaniya at sinigurado ko na makikita niya iyon. Ano ba'ng problema nito at ganiyan siya? Bigla akong na-suffocate sa loob ng sasakyan. Kung puwede lang tumalon ngayon ay ginawa ko na, makaalis lang sa kaniya.

"Can you please just stop talking?" masungit kong sambit.

"Why? You don't like the topic or you don't like me?" Sinulyapan niya ako saglit habang nakataas ang isang kilay.

"Both." I answered quickly, not even looking at him.

He smirked at what I said. He really did change. Hindi siya ganito noon.

Ano ba, Ylana! Bakit ba kasi hinahanap mo pa 'yung nakaraan, e, tapos na nga? Wala na nga, nagbago na! Gosh, sumasakit 'yung ulo ko sa sariling kong naiisip! Walang naidudulit na maganda ang pag-iisip ng ganito!


"You look stressed," puna niya na naman habang minamaniubra ang sasakyan.

"Excuse me?" I asked in offense. I am both annoyed and offended that he has the guts to point that out given that I obviously don't want him uttering even a single word.

Binalingan niya ako saglit at pinasadahan ang kaniyang buhok habang ngumingisi na para bang masaya siya sa nakuhang reaksyon sa akin. What the heck is his problem, really?

"Ganiyan ba ang nadulot ng New Zealand?" pang-aasar niya pa ulit, binigyang diin pa ang dalawang huling salita. Pinasadahan niya pa ako ng tingin mula sa tuktok ng ulo ko hanggang sa dulo ng suot kong sapatos. Ang kapal ng apog!

I swear to all the Gods, if he's going to be this asshole-y, I am not even going to hesitate to walk out on him.Wala akong pakialam kung wala akong sasakyan basta makaalis ako sa presensiya niyang nakakabulabog ng mental stability. Ni wala pa nga kami sa pupuntahan namin pero katiting na lang ang natitira kong pasensiya sa kaniya.

Pikit mata kong hinilot ang aking sentido. I heard his hoarse laugh again so I rolled my eyes and made sure he really saw it.

"See? You're stressed," he teased, again, trying to convince me.

Since Then, Till Now Where stories live. Discover now