06

13 0 0
                                    

Chapter 06

"Congratulations, baby Lana! We heard you won as Ms. Intramurals! How was it?"

Kumakain na kami ngayon ng dinner at gaya ng aking inaasahan ay napunta sa akin ang usapan. Tita looks so happy. Si Tito naman ay nakangiti habang nakabaling sa kaniyang pagkain.

"Nakakakaba po, Tita! Lalo na po dahil pareho kaming candidate ng kaibigan ko kaya mas dumoble po yung kaba."

"Nako! Kung sana ay nakanood lang kami ng Mommy mo, sayang," malungkot niyang sabi. "But I'm pretty sure you did an amazing job!"

Binigyan ko si Tita ng ngiti. Nginitian niya naman ako pabalik.

"I remember when your Mom used to join activities like that, too, when we were in high school. She was competitive as hell!" She laughed.

"Yeah, and I remember you being supportive as hell too," sabi naman ni Mommy. They laughed.

Tumagal pa ang usapan nila tungkol doon. Pagkatapos ay napunta naman sa trabaho ang kanilang usapan kaya hindi na kami maka-relate ni Latch.

The dinner went well. We do this often, kapag free sila Mommy at Daddy at sila Tito at Tita. Minsan ay magugulat na lang kami ni Latch aalis pala kami.

"Ang sarap ng hangin, 'no? Sana ganito na lang lagi ang hangin para presko." I closed my eyes, feeling the cold air.

Nandito kami ngayon ni Latch sa likod ng kotse, nakaupo. Binuksan kasi iyon ni Daddy para daw doon muna kami ni Latch tumambay habang may pinag-uusapan sila nila Tito hindi malayo sa amin.

Ang ganda ng tanawin sa harap namin dahil kita ang city lights. Bukod sa city lights ay may bangin din. Kaya kapag inasar ako ni Latch ay baka itulak ko siya dito. Joke!

"Congrats nga pala, Captain! Lakas ng team niyo dahil sa 'yo!" bati ko sa kaniya.

"Hindi lang naman ako ang nagpanalo. Congrats din sa 'yo, Ms. Intramurals. You did great," nakangiting bati niya rin sa akin.

"Sus! Kanina mukha ka pang natutuwa na kinakabahan ako sa harap! Kala mo hindi ko nakita?" singhal ko sa kaniya.

"Nakakatawa ka kasi tingnan, eh. Para kang tutang pinagalitan ng amo," natatawang sabi niya.

Tuta?!

"Ewan ko sa 'yo! Bahala ka! Magugulat ka na lang may nadagdag na pera na d'yan sa wallet mo," pangbabanta ko naman.

"Sige. Magugulat ka na lang din nabalik na sa 'yo yung pera mo," sagot niya.

Nakakainis 'to! Ayaw niya talagang binabayaran ko pa siya! Ang dami ko na atang utang sa kaniya. Natatakot lang naman ako na balang-araw bigla niya akong singilin! Baka wala kong maibayad!

"Ang ganda talaga rito..." Pag-iiba ko na lang sa usapan.

Nakita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin siya sa akin. Tumagal pa iyon kaya nagtaka na ako baka may dumi ako sa mukha.

"Ano meron sa mukha ko?" naguguluhang tanong ko sa kaniya. Kinapa ko pa kung mayroon nga.

"Mata, ilong, bibig, kila-"

"Weh, epal!" Inirapan ko siya. Tumawa siya sa reaksiyon ko. Parang baliw!

Gustong-gusto niyang naiinis ako! Effective naman lalo na kapag binabara at pinipilosopo niya ako. Sasabihin ko na sanang itutulak ko na siya sa bangin kapag hindi pa siya tumigil kaso bigla siyang nagsalita.

Since Then, Till Now Where stories live. Discover now