02

30 1 2
                                    

Chapter 02

"Hala, Lana? What happened?" bungad sa akin ni Inna pagpasok ko sa classroom.

Ang ganda naman ng 'good morning' ng kaibigan ko.

Sa tabi ni Inna ay si Favy na mukhang gulat at nakatingin lamang sa sugat kong nakabandage. Ika-ika kasi ako maglakad kaya't kapansin-pansin agad.

"Anong mukha 'yan, Fav?" tanong ko sa kaniya. Mukha kasi siyang nangja-judge na nagulat na ewan.

"Anong nangyari sa'yo!? Umiral na naman ba kalampahan mo?"

Natawa na lang ako sa sinabi niya at umupo na sa aking upuan.

Hindi ko din alam kung matatawa ako o maaawa sa sarili kong kagagawan. Pag-uwi ko sa bahay kagabi ay nataranta kaagad si Mommy dahil sa sugat ko. Nilinisan naman na iyon ni Latch pero nilinisan ulit ni Mommy. Hindi na ako kumontra.

"Okay, class, get your one whole sheet of pad paper. We'll start our long test in two minutes."

Huh?!

Wait! Tama ba 'yon?!

Napanganga agad ako sa sinabi ni Ma'am. Long test?! Bakit wala akong alam?! Scam ba 'to? Hinintay kong sabihin ni Ma'am na "It's a prank!" pero nabigo ako. 

Luminga-linga ako at nakita kong naglalabas na ng papel at ballpen ang mga kaklase ko. Mukha namang hindi sila gulat. Tinawag ko si Favy nang palihim at binigyan siya ng mukhang naguguluhan. Mas lalo akong nabigo nang mabasa ko ang sinabi niya.

"Hindi mo alam?"

Hindi ko alam!

Sumisigaw na ako sa isip ko pero kumuha pa rin ako ng one whole at ballpen. Bakit nga ba hindi ko alam? Wala naman akong narinig kahapon!

Mas lalong nadagdagan ang taranta ko noong nagsimula nang magbigay si Ma'am ng papel.

Tanggap ko na na wala na akong magagawa kaya naman nagsagot na lang ako kahit hindi ako nakapag-aral. Nagawa ko namang sagutan ang iba pero mas lamang pa rin ang mga hinulaan ko.

Pinapagalitan ko na ang sarili ko sa aking isip nang ipapasa na ni Ma'am ang aming papel.

Dismayado akong napabuntong-hininga sa sarili. Kung alam ko lang sana ay siguro hindi ko mararamdaman ito ngayon.

Hay nako, Ylana...

Tahimik ako simula noon hanggang sa matapos ang klase. Nadidisappoint ako sa sarili ko. Ni hindi ko na nagawang sumama kila Favy at Inna sa canteen. Hindi ko na rin nakita si Latch. Hinayaan na lang din muna ako ng mga kaibigan ko dahil alam nilang kapag pinaalala lang nila ay mas lalo lang akong madidismaya.

"Why are you frowning?" nag-aalalang tanong agad sa akin ni Latch nang makita niya ang malungkot kong mukha.

Uwian na at gaya ng nakasanayan ay sinundo niya ako sa classroom ko.

"Nagpa-long test si Ma'am kanina... Hindi ko alam... Halos hinulaan ko lang lahat," sagot ko sa kaniya habang malungkot pa rin ang mukha.

Naiiyak na ako, ano ba 'yan! Bakit kasi tinanong niya pa? Puwede namang huwag na lang pansinin ang mukha ko!

Saglit niya pa akong tiningnan. Napayuko ako dahil nararamdaman kong naiiyak na ako. Ano ba naman 'to!

I saw Latch move his arms so I looked at him. And there I saw my best friend with arms wide open, waiting for me to hug him.

Since Then, Till Now Where stories live. Discover now